Chap18

26 0 0
                                    

CHAP18-AT THE CHAPEL

[JERALD'S SIDE]

Nasa loob ng kwarto si Nicole dahil nagkaroon ng problema ang katawan niya.

"Nicole!" sumisigaw na ako sa sobrang pag-aalala sinusuntok ko na yung pader pero hindi ko maramdaman ang sakit..dahil ang sakit na nararamdaman ko eh yung sakit na alam mong nasa kapahamakan ang taong mahal mo.

"JERALD TAMA NA SINASAKTAN MO LANG ANG SARILI MO" pag-awat ni Niccolo sa akin.

Hinila ko yung kwelyo ni Niccolo para mapaharap siya sakin.

"PRE TAMA NA?? PRE WALA AKONG MAGAWA PARA MAILIGTAS ANG BUHAY NI NICOLE..*bitaw sa kwelyo ni Niccolo*...WALA AKONG KENTA" sigaw ko..

[NICCOLO'S SIDE]

Kung pwede lang angkinin ang sakit ni Niccole matagal ko ng ginawa..nasasaktan kaming lahat dahil sa desisyon ni Nicole pero kami ipagpapatuloy namin pagpapabrain surgery kay Nicole.

Kanina gagawa sana kami ng surprise birthday party kay Nicole kaya lang biglang tumawag si mommy na nagkaroon daw ng problema ang katawan ni Nicole...Naaawa na ako kay Nicole birtday pa naman niya pero ganito ang nangyayari sa kanya.

"tama na!" awat ni Daddy kay Jerald..maya-maya ay lumabas na yung Doktor

"Stable na ulit ang pasyente pero natatakot ako dahil in not less than 3 weeks, mamamatay ang pasyente..." bungad ng doktor..lahat kami ay natahimik at umiiyak..si Jerald dumiretso sa kapilya ng hospital.

"Bakit si Nicole pa bakit siya pa..ako nalang sana!" sabi ko habang humahagulgol..

"the only chance para mabuhay ang pasyente is for her to undergo a brain surgery, but tulad nga ng sinabi ko, she may suffer from amnesia" dagdag ng doktor.

[NICOLE'S SIDE]

January 30.

Pakiramdam ko napakahaba ng itinulog ko, pagkagisin ko eh ramdam kong manhid na ang braso ko, malabo narin ang mga mata ko.

"Tita, gising na po si Nicole" sigaw ni Jerald at dali-daling lumapit si Mommy para tignan ako.

"Nak" emosyonal na bungad ni Mommy sabay halik sa akin sa noo.

"Nicnic my labs" pagtawag naman ni Jerald at dahan-dahan ko siyang tinignan. Namiss ko ang ganung tawag niya sakin..napaiyak naman ako..

"Jeje my labs..." sagot ko. Pinilit kong ngumiti pero masyado ng mahina ang katawan ko para gawin yun. Ilang saglit pa ay pumasok ang doktor at mga nurse para tignan ang kalagayan ko.

"dok, gaano nalang po kaikli ang itatagal ko?" diretso kong tanong na ikinagulat naman nila.

"Anak, di ka pa mamamatay, wag mong isipin yan" sagot ni Mommy sabay hawak sa mga kamay ko.

"Ma, wag na po nating pahirapan pa ang mga sarili natin, tanggap ko naman po na hindi na ako magtatagal" positibo kong sagot.

"not less than 3 weeks" mahinang sagot at dahan-dahang tumulo ang mga luha sa mata ni Mommy.

"Mrs, can I talk to you outside?" sagot ng doktor at lumabas nga sila ni Mommy para makapag-usap.

Naiwan kami ni Jerald nung oras na yun sa loob ng kwarto. Ramdam ko na pilit tinatago ni Jerald ang nararamdaman niyang sakit sa nalalapit kong pagkamatay. Hindi ko din naman siya masisisi kasi maiiwan ko siyang mag-isa kasabay ng 'di ko pagtupad sa pangako naming tatanda kaming magkasama.

"Jeje gusto ko sanang pumunta ng school" pagpapaalam ko sa kaniya.

"Hindi pwede, nagpapagaling ka pa 'di ba?" sagot ni Jerald

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon