Chap8

28 0 0
                                    

CHAP8 PART1-I THINK

[NICOLE'S SIDE]

Hayyy isang buwan na yung nakalipas hindi niya parin ako pinapansin. Pinapansin niya lang ako kapag school related. Gaya ngayon magpaparade kami mula sa school namin papuntang venue na paggaganapan ng sportfest.

"Mauna ka na sa labas susunod na ako!" hinihintay ko kasi siya, .. Representative kasi kami ni Jerald para sa basketball meaning siya yung escort at ako naman yung muse..nagbibihis na siya ngayon, ngayon lang kasi binigay yung damit na susuutin namin.

"ayoko, hihintayin na kita!" sabi ko.

"sige panoorin mo akong nagbibihis, tignan natin kung hindi ka umalis"

0___0

nagulat naman ako sa sinabi niya..Oo nga naman magbibihis kasi siya bakit pa ako nandito.

"KYAAAHHH MANYAK!!!!" sigaw ko sabay hampas sa kaniya.

Haixt mamaya ko na siya kakausapin. Nahihirapan na kasi ako.

Sa isang buwan na yan, niisang sagot na matino wala siyang sinagot sa akin..

Sa tuwing kasama ko si Tristan at nakakasalubong namin siya eh nagtititigan lang yung dalawa, si Tristan at siya.

Sabayan pa ng madalas kong pagsakit ng ulo..

Naku naman ngayon pa tinopak tong ulo ko..Haist paano pa ako makakarampa mamaya..

Malamang tiisin, ay mali bibili nalang ako ng biogesic para INGAT..ngew hahaha

Ang tagal naman magbihis nun 10 minutes na ah..

Anu ba yan!! makapasok na nga..

Pagpasok ko.

O___________O

"KYAAAAAAHHHHH BASTOS" sabi ko habang napatalikod ako..feeling ko pulang-pula na ako..

"Oy nakapagbihis na ako, humarap ka na, bigla bigla ka nalang kasi pumapasok eh. tsaka anong bastos eh pangtaas lang naman ang wala ako!!" sabi niya.

"Tara na nga!" hindi na ako humarap sa kaniya lumabas nalang ako papunta sa lugar kung saan kami unang pupwesto para mag parade.

"Oh Nicole bat ang tagal mo? nasaan na si Jerald?" tanong nung Dean ng educ.

"Ah eh sir susun---" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi biglang may nagsalita.

"Sir tara na parade na tayo!" si Jerald pala.

Habang nagpaparade kami eh kinakausap ko siya. At dalawa lang yung sagot niya, isang OH at AH.

Kaya itinigil ko nalang yung pagkausap ko sa kaniya.

Maya-maya ay naramdaman kong may humawak ng kamay ko.

At dahil siya lang naman ang katabi ko eh malamang eh siya din yung nakahawak sa kamay ko.

Minsan talaga nawiweirduhan ako sa lalaking to.

"Manood ka bukas ng laban namin ah!" sabi niya.

>////<

"Ah eh o-oo manonood ako!" sabi ko.

"Bat ka namumula?" tanong niya sakin.

"Ha hindi noh!!" sabi ko hindi na siya sumagot.

Eto na siguro yung tamang oras para makapag-usap kami.

"AH Jerald!" tawag ko sa kaniya.

"Bakit?" -siya

"Bakit mo ko iniiwasan?"

"Iniiasan ba kita?"

"Oo dalawang linggo na nga eh"

Hindi siya sumagot, hindi ko rin hinintay yung saot nya pero nagulat ako ng magsalita siya.

"Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasama nung tristan na yun, hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang nagseselos ako at nasasaktan"

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya, biitawan niya na rin yung kamay ko.

Pero ako hinawakan ko naman yung kamay niya.

Nung nahawakan ko na siya eh bigla siyang napahinto.

Tinignan ko siya at..

O/////O <-- siya

Namumula siya? hahaha

"Uuuyy si Jerald namumula" pang-aasar ni Hiro. Napansin ko naman na lahat sila ay nakatingin sa amin.

"KYYYAAAAAHHH BAGAY NA BAGAY SILA" girl1

"sayang balak ko sanang ligawan si Nicole kaya lang kay Captain na pala siya" yung kateam ni Jerald.

"Ang cute ni Jerald mamula" sabi naman ning isang babae.

"AAARRGG GINAGALIT AKO NG BABAENG YAN NAPAKAFLIRT NIYA TALAGA!!" si Jheys.

Lumapit naman siya sa amin. Pero hinarangan siya ni Hyrum.

"May binabalak ka??" tanung ni Hyrum kay Jheys

"Ah eh wala, nakakainis ka talaga hyrum" sabi naman ni Jheys sabay lakad palayo.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon