Chap21-Umiiyak si Nicole
[NICCOLO’S SIDE]
A Week later...
Hindi ko sinabi sa kanila na buhay si Nicole, gusto ko kasing masorpresa sila pag bumalik na si Nicole dito sa Pilipinas kasama ang alaala na nawala sa kanya.
Isa pa kaya bumalik ako sa Pilipinas dahil gusto kong tuparin ang pinangako ko kay Maicah na babalikan ko siya at sa pagbalik kong ito hindi ko na palalagpasin na makasama ko siya at mapakasalan..
Ibinigay na saakin ni Daddy yung kompanya niya dito sa Pilipinas. Malayo sa kinuha kong kurso dito sa Pilipinas pero nung pumunta kami sa ibang bansa para ipaopera si Nicole eh nag-iba ako ng kurso.
“Niccolo, umamin ka nga sakin” nandito pala kami ni Maicah sa isang resto, tamang date lang.
“Ano namang aaminin ko?” tanong ko sa kaniya.
“Hmm sa tingin mo kung nakaligtas si Nicole sa operasyon eh, naalala niya kami?” nasamid naman ako sa tanong niya.
“Okay ka lang?” tanong niya sakin.
“Err okay lang, nagulat lang ako sa anong mo, siguro hindi na kasi sabi noong doktor niya na malaking posibilidad daw na mawala yung memorya niya” sagot ko..
“Ahh alam mo ba muntik na magpakamatay si Jerald”
“Hah? Bakit?”
“Siguro kasi noong panahon na yun eh nawalan siya ng pag-asa na buhay pa si Nicole” nagulat ako sa sinabi ni Maicah..Mahal talaga ni Jerald ang kapatid ko..nagiguilty tuloy ako na hindi ko sa kaniya sabihin baka kasi magpakamatay ulit yung gok na yun.
**Kriiiiiiinnng***
"Hello, sino to?" tanong ko.
"Sir si Juno po ito, naririto po ngayon sa opisina si Ma’am Nicole"
"huh? teka nandito na sila sa Pilipinas?"
"Opo sir pinapapunta po kayo dito ngayon"
"Sige pupunta na ako jan"
Papunta na ako sa opisina nang madaanan ko ang isang ginagawang eskwelahan kung saan nabuo ang barkada. Pinapaayos pala ni JM tong eskwelahan niya.
Nakarating na ako sa opisina ng makita ko ang dalawa.
"Nicole diba sabi ko sayo itxt mo ko" -ako
---------------------
[HANNAH’S SIDE]
Nandito kami ngayon ni Joanna sa Mall shoping mode kami..
“Sis okay ba? Maganda?” tanong ko sa kaniya.
“O M G Sis,ang ganda mo” siya
“Hahaha Loka matagal na noh” –ako
“Teka Hannah, may tanong ako” sabi niya sakin.
“Ano yun?”
“kasi wala ka pang pinapakilala sa amin ni Jheys na lalaki, may boyfriend ka na ba??” tanong niya sakin..
“Hahaha loka ka talaga sis..wala noh, tsaka ayaw ko pang mag boyfriend”
“Sus, aminin mo nga hanggang ngayon ba hinihintay mo parin siya??”
“Huh? Sinong siya?”
“yung lalaking kinukwento mo samin nung high school”
“Err” yun lang ang nasabi ko…
Lumingon ako sa kaliwa
0____0 teka siya ba talaga yun???
-----------------
[JAIME’S SIDE]
“Utoy!!” kanina pa ako tinatawag ni Mama pero hindi ako sumasagot..Nakakainis kasi ang tanda-tanda ko na para sa ganung palayaw. Utoy parin…tsk
“Hoy Jaime kanina pa kita tinatawag ah” biglan sulpot ni Mama sa kwarto ko.
“Hay salamat ma tinawag mo din ako sa pangalan ko” sarkastiko kong sabi..
“Lintek ka talagang bata ka! Halah magbihis ka at may pupuntahan tayo” tsk kakainis talaga.
Nagbihis na ako, sakto kasing kakatapos ko lang maligo.
Agad kaming nakarating sa pupuntahan namin…isang restaurant? Sino naman kaya ang pinunta namin dito at kailangan pa ana kasama ako??
“Mrs. Villaruel?” tanong ng isang crew.
“Yes?” patanong na sabi ni Mama.
“This way Ma’am, sir”

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Novela JuvenilAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...