Chap17

22 0 0
                                    

CHAP17-SURGERY

[NICOLE'S SIDE]

Today is January 20, 20**. 5 days na akong nakaconfine dito sa ospital dahil nawalan ako ng malay nung nakaraan pero bago yun nagsuka muna ako ng napakarami at sumakit ng sora ang ulo ko....

"Mom di pa po ba tayo uuwi?" tanong ko kay Mommy..bigla namang nagbukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa nito ang barkada.

"teka, anong nangyari sa inyo?" tanong ko sa kanila dahil hindi maipinta yung mga mukha nila..si Jerald naman eh tumutulo ang luha..ano bang meron???

"Nicole nandito kami para sabihin sayo ang napagdesisyunan namin, natin" sabi ni Jerald...kinakabahan ako kunga ano man yung sasabihin nila.

"Nicole nakausap namin si Dok kagabi at sinabi niya na kumakalat na daw ang tumour mo" sabi ni Mommy na umiiyak na.

"alam ko na yan mom..sabihin nyo na po sakin kung ano yung gusto nyong sabihin" sabi ko sa naiinis na tono.

"sige atat ka na? napagdesisyunan namin na magpapabrain surgery ka" deretsahang sabi ni Jerald..di ku alam kung bakit parang galit si Jerald.

"Ano? b--brain surgery???" ako..kahit alam ko na may paraan pa na gumaling ako hindi kailanman nasagi sa isip ko na magpabrain sugery dahil kapalit nito ang ala-ala ko..

"yun nalang ang paraan Nicole para mabuhay ka pa at makasama ka pa namin ng matagal" sagot ni Jerald na ngayon ay hawak na ang mga kamay ko ay umiiyak.

"mabuhay? makasama ng matagal? alam nyo po ba kung ano ang sinasabi nyo?" galit kong sagot.

"Nicole huminahon ka..." pagpapakalma ni Daddy sakin

"DAD HUMINAHON? PAANO AKO HIHINAHON KUNG ANG HIRAP HIRAP NG PINAPAGAWA NYO SAKIN?" galit ko pa ding sagot.

"Nicole mahal ka namin, mahirap ba yung hinihingi namin? gusto naming gumaling ka para makasama ka pa namin ng matagal" umiiyak si Jerald ng sabihin niya yan habang pinipigilan siya ni Hiro.

"JERALD ANG HINIHINGI NYO E MAKALIMUTAN KO KAYO, IKAW. OO JERALD GUSTO KO PANG MABUHAY KASI MARAMI PA AKONG PANGARAP PARA SA SARILI KO, PARA SA MAGULANG KO AT PARA SATIN..PERO PAANO KO GAGAWIN YUN KUNG HINDI KO NA KAYO MAALALA!!" sumigaw na ako hindi ko talaga kaya ang hinihingi nila..mas mabuti na mamatay ako kesa pagpaopera..

"mas gugustuhin ko pang mamatay kasama ang alaala na yun..kaysa mabuhay na wala ni isa sa inyo ang kilala ko..." pagmamatigas ko.

"ayoko hindi ako magpapasurgery..." dagdag ko..tumakbo si Jerald palabas ng kwarto at sinundan naman siya ng barkada..Kung alam lang nila kung gaano ko sila kagustong makasama ng matagal pero ayakong isaalang-alang ang ala-ala ko para mabuhay.

Hindi na sila bumalik pa..alam kong nadismaya ko sila dahil sa desisyon ko...naaawa na ako sa sarili ko..oo alam kong may pag asa pa akong mabuhay pero tinanggihan ko..ganun talaga ang buhay eh kung oras ko na edi oras ko na.

2:30 ng umaga nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko hindi naman tumagal ay nawala din dahil uminom ako ng pain reliever. Nakita ko yung bag ni Mommy naghalungkat ako at nakakita ako ng dalawang coupin band at nagsulat.

Dear Coupon band,

January 21 na ngayon 5 days na akong nandito sa ospital. Napakabata ko pa para sa ganitong karamdaman. Ako nga pala si Nicole Reyes, birthday namin ngayon ni Niccolo kaya 17 years old na ako sa mundong eto at nakakalungkot mang isipin eh hanggang doon nalang ang edad ko bago ako mawala sa planet earth.Ang bata ko pa nu pero wala ka ng magagawa dun. 2:30 na ng umaga pero nagising ako kasi bigla pong umatake si headache buti nalang nakita ko agad yung painreliever. Mahimbing ang tulog ni Mommy at Daddy at dahil tulog sila malas mo at nakita kita sa bag ni Mommy hahaha. Si Niccolo naman nasa bahay.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon