CHAP28-TRISTAN
[TRISTAN’S SIDE]
“So kamusta yung first day mo?” bungad kong tanong sa kaniya. Galing kasi siyang eskwelahan teacher na siya dun sa eskwelahan nya dati ng high school.
“Eto pagod pero syempre masaya” bakas sa mukha niya yung pagod pero nakangiti siya.
“Hmm Nicole, pwede ba kitang makausap?”tanong ko.
“di pa ba tayo nag-uusap?”
-_-“
Err..tsk ano ba yan nakakapanghina tuloy ng loob..
Nung nalaman ko na nagkasakit si Nicole at pumunta sila sa ibang bansa para magpaopera eh sinundan ko siya. Binantayan hanggang sa gumaling siya. Akala ko nga eh pati ako makakalimutan niya. Pero laking pasalamat ko kasi ang nakalimutan niya lang eh yung 1 year na naganap sa buhay niya bago siya maoperahan.
Lagi akong nakabuntot sa kaniya, pero napanghihinaan parin akong sanihin sa kaniya na higit pa sa bestfriend yung turing ko sa kaniya.
Sinasabihan ko siya ng salitang I LOVE YOU pero akala niya biro lang yun.
Kaya ngayon eto lang ang masasabi ko. Its now or never.
“Ah eh Nicole Mahal na mahal kita” sabi ko sa kaniya ng nakayuko..ayoko kasing Makita yung reaksyon niya baka kasi..
“HA? Ayusin mo Tristan ah nagjojoke ka nanaman” sabi niya.
“No Nicole I’m not joking, sa limang taon na nakabuntot ako at sinasabihan kita ng I LOVE YOU, lahat yun totoo, hindi yun biro!”
“Sorry!”
“Nicole can you give me a chance para ligawan kita??” tanong ko sa kaniya.
“Tristan, alam mo naman na may boyfriend ako diba?” tanong niya sakin.
“……….” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya..siguro sign na yun para lumayo ako sa kaniya..
Paakyat na ako ng guest room, doon kasi kami nakakwarto ni Natty ngayon.
“Tristan!!” huminto ako pero hindi ako humarap sa kaniya.
“Tristan sorry kasi hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo!” sabi niya pa pero hindi na ako sumagot, umakyat na ako.
Kinuha ko yung maleta ko, kinuha ko din yung mga damit ko sa closet ko. Nilagay kong lahat sa maleta. Siguro eto yung tama kong gawin ang lumayo, magco-condo nalang ako, kasi habang nandito ako hindi ko mapipigilan ang sarili kong mahalin siya ng sobra.
Palabas na ako ng bahay nila ng tawagin niya ako..
“Tristan” hindi parin ako lumingon, kasi tumutulo na yung luha ko..
“Tristan wag mo naman gawin sa akin to oh, wag mo naman akong pahirapan!!” sabi niya, hindi ko na siya hinarap kaya lumabas na ako.
Nilakad ko lang hanggang gate ng subdivision. Pumara ako ng taxi at pumunta sa pupuntahan..
“Excuse me I need a condo” sabi ko doon sa babaeng nag a-assist.
“Okay sir, what kind of room do you want?”
“Deluxe” matipid kong sabi tsaka ko binigay yung credit card ko and she swipe it to the computer.
“Okay na sir, here’s the key, room A24, kung may kailangan kayo sir tumawag lang kayo”
“Okay” kinuha ko na yung susi at pumunta na sa room nay un.
Well hanggang dito nalang siguro ako..

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Fiksi RemajaAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...