Chap5

48 1 0
                                    


JERALD

Natatawa nalang ako sa reaction kanina nitong si Nicole. Haha. Ang saya niya kasi pagtripan.

Nandito na nga pala kami sa opisina ni Mama Asul.

"Ah Ma pinabibigay po sayo ung teacher namin sa 2nd subject di ko kilala eh, eto daw po yung listahan nung mga student dun na galing dito"

"Ah okay" inabot ko naman yung papel kay Mama. Napansin niya siguro si Nicole at si Niccolo kaya ngumiti siya.

"Je may mga kaibigan ka na pala agad? Nicole and Niccolo right? the twins of section 2?"

"Ah eh yes Ma'am" sabay na sabi ng kambal. Haha, kambal nga.

"Don't call me Ma'am, since kaibigan nyo na 'tong anak ko eh Tita na itawag nyo sa akin"

"A-anak nyo po si Jerald?" tanong ni Nicole.

"Oo bakit?" sagot ni Mama

"Ah eh di po ba tatlo lang anak nyo?" -Nicole

"hmm Jerald is my long lost son"

"ah eh okay po"

Pinalabas ko muna yung kambal. Para makausap ko si Mama.

"Ma bakit nyo po sinabing long lost son nyo ko?"

"hehe ayaw mo nun sa mata nila tunay kitang anak, hahaha"

"hahaha. Ah, oo nga po pala Ma, bakit po kilala ako nung mga teacher dun sa pinapasukan ko?"

"hehe ibinilin kasi kita sa kanila, yung may-ari kasi ng school na yun eh kapatid ko!"

Grabe ang yaman talaga nila noh!

Kumuha ako ng cake sa ref. May ref kasi dito sa loob ng opisina ni Mama Asul. Nilagay ko sa isang plato.

Tapos pinapasok ko sila Nicole sa loob ng opisina.

"Tara, kain muna kayo ng cake" yaya ko sa kanila.

"Oo nga, haha madalas kasi akong bumibili ng cake pero hindi ko nauubos, kaya kainin nyo na yan" sabi pa ni Mama Asul.

"Naku, hindi na po" pagtatanggi ni Nicole.

"May klase pa po kami eh" sabi pa niya.

"Shh, wala na yung subject na inalisan natin eh patapos na, kaya wag kang ano jan, nagugutom ako" sabi ni Niccolo. Napatawa nalang kami ni Mama Asul.

"Haha, may softdrinks din sa ref. Je, kunin mo nga" sabi ni Mama Asul. Kinuha ko naman at naglagay ako ng isang baso para ibigay kay Mama Asul.

"Ganito po pala dito sa loob ng opisina mo Tita noh? Ang ganda, akala mo nasa sala ka ng bahay nyo" sabi ni Niccolo.

"Haha, oo pinacostumize ko pa ito para sa barkada ni Je, feel at home lang" sabi ni Mama Asul.

* * *

Dumiretso na ako sa canteen para tumulong.

"KYAAAAHHHHHHH OMG SI JERALD BA YAN?" girl1

"SI JERALD MY LOVE NAGTATRABAHO DITO SA CANTEEN" girl2

"bibili ako dito araw-araw para makita siya" girl3

"oa mo teh malamang dito ka nag-aaral bibili at bibili ka dito" girl4

Dami pala nagkakacrush sa akin noh. Gwapo ko kasi eh.

Past 1 o'clock na at nandito pa ako sa canteen. Kasundo ko naman na yung mga nagtitinda dito.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon