JERALD
*KRIIIIIINNG*
Ayus breaktime na. Si Nicole lumabas na agad ng room mga gutom na ata kasama yung dalawang bago naming classmate.
Tapos lumabas na rin kami ni Hiro at Jm kasama nga namin si Niccolo eh.
Pagkatapos naming kumain eh nagpaalam ako sa tatlo na magsi-CR lang ako.
Grabe kanina nakakahiya lang. Nadala lang po ako kanina kasi pinatawad niya ako. Hahaha ang babaw ng kaligayahan ko..
Pagkalabas ko ng CR eh nakita kong may nagtitindang taho sa labas ng school.
"Manong guard pwede po bang lumabas bibili lang po ako ng taho"
"ah sige po Sir Jerald!"
Sir Jerald? kilala niya ako tsaka bakit niya ako tinawag na SIR??
"ah kilala nyo po ako?"
"ah eh opo ako din po kasi yung guard dun sa Viñas Academy kapag tanghali, alam ko pong anak kayo ni Ma'am Asul"
"ah ganun po ba, teka po manong guard wag mo na po ako iSir"
"ah sige po"
"ano ba yang manong guard wag mo na rin akong iPO mas matanda ka kaya sa akin"
"ah sige" lumabas na ako ng school at bumili ng taho, haha paburito ko 'to eh..
Dalawang 10 pesos na taho yung binili ko, isa para sa akin at isa para sa guard. Ang bait ko noh.
"Ah salamat, ang bait mo naman na bata"
"hehe, sige po"
"salamat ulit Jerald ha"
"your welco----"
*BOGSHHH*
Nabangga ako ng dalawang lalaki, natapon tuloy sa damit nung isa, kayear level ko lang ata 'to eh.
"Ano ba yan tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" lalaki1 yung natapunan ng taho.
"Bakit ako? eh nakatayo nga lang ako dito eh" -ako
"sumasagot ka pa ha" lalaki2
Aray hindi ako makahinga suntukin daw ba ako sa dibdib.
"Eto pa!!" lalaki1
Suntok sa tyan, suntok sa mukha paulit-ulit. gumaganti naman ako kaya lang dalawa sila eh. Yung guard naman pilit na pinipigilan yung dalawa pero ayaw talaga tumigil nung dalawa. Ang sakit na ng katawan ko, may dugo na rin ako sa may labi. Tsk nabangga lang. Hindi ako makaganti kasi nauna sila.
Tinigilan naman ako nung dalawang lalaki.
Napagod ata, umalis na sila. Ang sakit ng buong katawan ko sobra. Nakita ko naman marami na palang nanunuod sa pagbugbog sa akin ng dalawang lalaki. Bakit ba hindi nila ako tulungan?
Dinala ako ng guard sa clinic. Ginamot muna ako nung nurse doon.
"Ah manong guard pakitawag naman po si Hiro at Jm, mamaya pagkatapos ng first subject."
"ah sige" umalis na siya..
Nandun lang ako mga 1 hour. Tapos dumating na yung dalawa kasama yung kambal..
"oh nanjan na pala kayo!"
"anong nangyari insan?" tanong ni Jm
"haha wala nakipagbugbugan lang!" -ako
"Hyrum at Aivhan pumasok nga kayong dalawa dito!" si Hiro.
Sino si Hyrum at Aivhan?
May pumasok naman na dalawang lalaki.
0_0
bakit sila nandito, para bugbugin nanaman ako? Tsk, ang bading ko naman kasi. Halow! Dalawa sila at isa lang ako..
"Hyrum at Aivhan humingi kayo ng sorry!!" si JM
"Pero bro" -Aivhan
"I said humingi kayo ng sorry"
"Okay okay eto na" -Hyrum
"SORRY" sabi nung dalawa..
Nakatigin lang ako sa kanila. Hindi ako sumagot. Pagtitripan ko 'tong dalawang 'to. Lumapit naman si Hyrum.
"ARAY!!!" ang sakit, bakit kailangang sundutin ni Hyrum yung sugat ko sa labi?
"Ay sorry, sorry hindi ka kasi nagsasalita eh" -Hyrum
"Boys FYI lang ha. Si Jerald ay pinsan namin ni JM kaya wag nyo siyang gagalawin"-Hiro
"Huh bakit?" tanong ko.
"hehe okay po bossing" sabi ni Hyrum..
Ah ewan GO-WITH-THE-FLOW nalang.
"Teka naguguluhan na ako, ano ba kayo sa school na to?" nagtatakang tanong ni Nicole.
"Haha, sorry hindi pa pala kami nagpapakilala. si JM ay ang anak ng may ari ng school na 'to, ako naman anak ng may ari ng LV High at si Jerald naman eh anak ni Tita Asul na may-ari ng Viñas Academy, magpipinsan kaming tatlo. Etong dalawang ugok na to eh alalay namin ni Jm kaya ngayon alalay na din siya ni Jerald" sagot ni Hiro
"Te-teka Bro diba tatlo lang anak ni Tita Asul?" si Hyrum.
"Ah hehehe putok sa buho yan si Jerald" -JM
Ngek. Anong putok sa buho?
"Ah Jerald okay ka lang ba? pasensya na kanina ha" ay ang bading naman nito ni Aivhan.
"Potek dre ang bading mo!!" -ako
"HAHAHAHAHA" tawanan naman silang lahat.

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Ficção AdolescenteAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...