CHAP24-INISA-ISA
[JERALD'S SIDE]
"Tukz sigurado ka na ba sa gagawin natin?" tanong ni Aivhan
"Oo nangako tayo sa kanya kailangan nating tuparin yun" -ako
Papunta na kami sa bahay nila Nicole. Kabisado ko pa ang daan dahil linggo-linggo ako pumupunta doon nagbabaka sakaling umuwi na sila galing America. Bali dalawang kotse ang gamit namin, yung kay Paul ay kay Hiro.
"Teka mukhang may away oh" turo ni Franco sa kalsada..
Nakita namin na may babae at lalaking nakikipagrambulan sa limang lalaki..
Lumabas kami at pumunta sa kinaroroonan nila..laking gulat namin dahil nakita namin si Nicole na umiiyak at takot na takot habang hinahawakan siya ng isang lalaki..Yung dalawa namang kasama ni Nicole ay puro bugbog na sa katawan kaya hindi na nila natutulungan si Nicole.
Nakita kong sinampal ng lalaki si Nicole..Nag init yung ulo ko at sumugod ako pinagsusuntok ko rin ang mga lalaki. Nasasaktan din nila ako pero hindi ako nagpatalo, may background ako ng martial arts dahil nag-aral kaming magbabarkadang mag martial arts ng dalawang taon. Sumugod na rin sila..
Sa huli ay napatumba namin yung lima..
"Maraming salamat sa inyo” sabi nung lalaking kasama ni Nicole.
Niyakap ko si Nicole..
"Nicole nasaktan ka ba???" tanong ko sa kanya habang nakayakap..
"Hindi pa tayo tapos!" sabi nung lalaking natalo namin..
Inilayo niya ako sa sarili niya..
"Sino ba kayo? bakit kayo naki alam?" tanong ni Nicole..
Lumapit kaming lahat kay Nicole..
"Hindi pa nga nagbabalik ang ala-ala mo" sabi ko habang tumutulo na ang luha ko..
"Pero ganun pa man nangako kaming ibabalik namin ang alaala mo"
Isa-isa kaming nag pakilala sa kanya at ako ang pinakahuli sa lahat....
"Ako nga pala si Jerald Wilson, ang lalaking naghintay sayo ng limang taon, ang lalaking nagmahal sayo ng sobra sobra, ang lalaking pinangakuan mo na ako lang ang mamahalin mo at wala ng iba, ang lalaking nagbigay sayo ng kwintas na suot-suot mo" umiiyak ako habang sinasabi yun sa kaniya..
"Niccolo!!!" lumingon kami sa likod namin dahil tinawag ni Nicole ang pangalan ng kakambal niya.
Humarap kami kay Niccolo ng galit ang mukha...
"Woy teka magpapaliwanag ako" lumapit kami sa kaniya..
Si Aivhan at JM sinuntok si Niccolo..
"Takte kayong dalawa sinabing magpapaliwanag nga ako eh" sabi ni Niccolo..
"Kayo kakakilala ko palang sa inyo eh pero yung saktan nyo yung kakambal ko, hindi ko pwedeng palampasin yun!!!" sabi ni Nicole..
"Hoy Monique, Mina, Jheys, Kathy, Maicah, Hannah, Joanna, Paul, Aivhan, Jm, Hiro, Gifford, Franco, kuya Clyde, Marco, Jaime, Hyrum, Jerald alis na tayo, mali ata yung sinabi mo samin Jerald na mabait si Nicole, tara na siya na nga tong tinulungan eh siya pang galit" umalis na si Sandy tapos sumunod sila..
“Hanep talagang inisa-isa tayong tawagin ah” may pagkabilib na tono ni Jaime.
Ako nandun lang nakatingin kay Nicole, nagbago na siya, gumanda siya, sumexy, pero ang ugali niya ganun parin.
"oh ikaw sumunod ka na dun sa kanila, wala akong pakialam kung tinulungan nyo kami, hindi naman kasi namin sinabing tulungan nyo kami, kung ayaw mong umalis kami nalang, tara Niccolo, Tristan, Natty uwi na tayo..."
Umalis na si Nicole at yung kasama niyang Natty at Tristan ang pangalan. Pero si Niccolo nandito parin sa harapan ko.
“Jerald pasensya na!” matapos humingi ng sorry si Niccolo ay umalis na siya..

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...