Chap19

40 0 0
                                    

CHAP19-KWINTAS

[NICOLE'S SIDE]

"oh san kayo galing? kanina po ko nandito ha..." bungad ni Jerald na kanina pa pala naghihintay sa amin sa loob ng kwarto.

"nagmall" biro kong sagot

"mall mo mukha mo...may oras ka pang magbiro ha..." sagot ni Jerald sabay alalay sa akin pabalik ng kama.

Naging palaisipan sa akin yung lalaking pangalan ay Peter kasi umalis siya baka daw operahan na siya. Hindi ko tuloy maalis sa isip ko ang takot na nararamdaman ko sa nalalapit kong kamatayan. Ganun pala yung feeling na naghihintay ka nalang ng oras mo, hindi tulad nung iba biglaan nalang namamatay.

February 3, 20**.

Nasanay na ako dahil suka at hilo ang bumabati sakin ng BAD MORNING. Tulad din ng dati, inilalabas ako nila Niccolo sa garden ng ospital para masinagan ng araw at makalanghap ng sariwang hangin.

"nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Jerald.

"okay lang, naaalala ko kasi yung namatay na bata kagabi e" sagot ko.

"namatay na bata?" pagtataka ni Jerald.

"inilibot ko kasi siya kagabi sa ospital, e sakto may namatay na bata sa ICU kaya ayun..." sagot ni Niccolo na inaantok pa.

[JERALD'S SIDE]

Lumabas kami ni Niccolo para hindi marinig ni Nicole yung pag-uusap namin.

"loko-loko ka ba, ba't mo ginawa yun, alam mo masama kay Nicole yung masyadong nag-iisip..." sabi ko kay Niccolo

"loko-loko ka din ba? ginawa ko lang naman yun para marealize niya na maraming may sakit ang gustong gumaling, maswerte siya at may pag-asa pa siyang mabuhay at alam natin na hindi natin matatanggap ang pagkawala nya kung sakali kaya kinonsensya ko siya..." sagot ni Niccolo sabay tingin sa akin.

[NICOLE'S SIDE]

"ano na namang ginawa nyo sa labas?" tanong ko sa kanila.

"wala. May chicks kasing dumaan kanina nakita ko sa salamin ng pintuan.." biro niya.

"Chicks? E kung gawin kong chicken yang mukha mo..." inis kong sagot.

"biro lang naman..."

"kahit si Anne Curtis, Erich Gonzales o Angel Locsin pa yang nasa harap ko, ikaw pa rin ang mahal ko..." sagot ni Jerald sabay pacute.,....

>///////<

AYIEEEEHHHH KINEKELEG AKO..hahaha ANG GWAPO NIYA KASI...hahaha

"ewan ko sa inyo..."

"tulog ulit ako ah, antok pa talaga ko..." sabi ni Niccolo at bumalik na nga siya sa kwarto para matulog ulit.

Simula nga nun ay hindi ko na mapigilang alamin yung mga sakit ng iba kong nakakasabay magpaaraw sa hardin. May mga pasyenteng may cancer, sakit sa puso, baga, mayroon ding batang may kanser, at kung anu-ano pa.

"Ikaw anong sakit mo?" tanong ng isang lalaking may butas yung puso.

"tumour sa utak..." sagot ko sabay ngiti.

"ah, gagaling ka pa daw?" tanong niya.

"Sabi ng doktor, Oo."

"kaso brain surgery na ang kailangan..."

"yun nga lang, amnesia naman ang magiging resulta..." positibo kong sagot sabay ngiti.

"maswerte ka pa rin kasi kahit paano ay gagaling ka..."

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon