Chap30

14 0 0
                                    

CHAP30-TOTOO

[NICOLE’S SIDE]

Habang nandito ako sa kapilya eh dumadaing ako..Eto na ba yung parusa sa akin sa hindi ko pagsabi sa kaniya na nagbalik na yung alaala ko??

Sakto kaninang pagdating naming kanina ni Natty sa pinangyarihan ay dumating din sila Hyrum at yung mga pulis kaya nauli yung mga nambugbog sa kay Jerald.

"Wag mo kong iwan Je, mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sa akin" sabi ko

"JEJE??" nariig kong gulat na sabi ng dalawang tao sa gilid ko..si Jheys at Maicah.

"Bumalik na ang alaala ko 2 weeks before nyo akong makita" sabi ko sa kanila habang umiiyak...

"Jheys alam kong may asawa't anak na kayo ni Jerald, ayokong masira ang pamilya nyo, gusto ko siyang agawin pero ayoko talagang makapanira ng isang pamilya" ako

Lumaki ang mga mata ni Jheys ng marinig niya yun sakin..

Ngumiti si Jheys at nagsalita... "Hindi mo siya maaagaw sa akin Nicole, pinalitan ko na ang mga alaala mo sa isip niya"

"Tumahimik ka nga Jheys, kotongan kita jan gusto mo?? anong hindi maaagaw si Jerald, isusumbong kita kay Marco"

"Joke lang, sineryoso mo naman Maicah nakisakay ka nalang sana"

"Teka naguguluhan ako" sabat ko sa kanilang dalawa..

"Nasabi samin ni Jerald na nakita mo kami kasama ang anak ko, pero nagkakamali ka sa iniisip mo, hindi ko asawa si Jerald, si Marco ang asawa ko, Oo palagi kaming magkasama ni Jerald pero mali yung iniisip mo hindi kami mag-asawa kasi magbestfriend kami ni Jerald"

Biglang lumiwanag ang pag-iisip ko dahil ang mga nakita ko sa mall ay isang maling akala lang..akala ko talaga sila ang nagkatuluyan..pero bakit Daddy ang tawag nung bata kay Jerald??

"Teka Bakit Daddy yung tawag nung anak mo kay Jerald???" tanong ko sa kanya..

"Ganito kasi yun, silang lahat eh ninong at ninang ni yuki, ang tawag ni yuki sa kanila eh mommy at daddy rin kahit sayo dapat mommy din ang tawag niya sayo" sabi ni Jheys..

"Bakit??"

"Dahil ninang ka nila hindi ka man nakapunta nung binyag niya eh inilagay ka parin namin bilang ninang ni yuki" pahayag ni Jheys..

Tuluyan ng nawala ang pagkabagabag ng puso ko(naks ang lalim nun ah). Akala ko wala ng pag-asa na maging akin muli si Jerald..

"Teka, teka may dapat kaming itanong sayo" -Maicah

"Oo nga" -jheys

"Ano yun?" tanong ko sa kanila..

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

“Kayo ba nung Tristan??” tanong ni Maicah

“Naku hindi ah, kaibigan ko lang sya” pagkasabi ko noon ay lumungkot nanaman ang itsura ko..

Umalis na kasi siya sa bahay noong unang araw ko sa pagtuturo. Nasaktan ko siya. Hanggang kaibigan nalang kasi ang turing ko sa kaniya. Hindi ko kayang suklian yun.

“Bakit nalungkot ka?” tanong ni Maicah.

“Wala! Inaalala ko lang si Jerald” sabi ko.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon