NICOLE
Pagpasok na pagpasok ko ng room eh biglang nasira ng bonggang bongga ang araw ko. Ikaw ba naman eh nabwisit ka na kahapon dahil sa kaniya at ngayon tsk. Ewan nabwisit nanaman ako eh.
Naghanap ako ng pupwestuhan kong upuan at umupo na, hindi ko lang siya pinansin. May kasama siyang dalawang asungot eh mamaya pagtripan nanaman ako niyan.
Si Niccolo naman eh ayun nakipagdaldalan sa tatlo. Tinignan ko naman sila.
0_0 kakagulat ha close agad si Niccolo dun sa tatlo? Maya-maya eh nakita ko si Niccolo na tinutulak si Jerald sa akin.
Ano nanaman bang kalokohan 'to?
Ayun na nga nasa harapan ko na si Jerald.
0_o Lumuhod siya? teka bakit?
"Ah eh Nicole gusto ko sanang humingi ng sorry sayo sa nangyari sayo kahapon. Sana mapatawad mo ko *magkadikit ang mga palad at nagbeautiful eyes*"
Shocks ang cute.
"Mukha kang shunga jan, oo na oo na pinapatawad na kita" sabi ko, tumayo naman siya.
"YEHEY *yakap sa akin*"
0_______0"
Waaaaaaahhh bakit niya ako niyakap???
Ang bango niya.
"KISS KISS KISS" halah! Madami na palang nanonood sa amin?
Naghiwalay kami agad, para kaming mga tanga sa scene na yun ah.
pero ambango nya talaga.
"WHAT'S HAPPENING HERE??" lagot ayan na si Ma'am.
Umayos naman na kaming lahat. tapos may pinakilala si Ma'am Santos, 2 subject kasi yung hawak niya sa section namin.
"I'd like you to meet Crystal Kath Dela Cruz and Maicah Claire Gregorio, okay magpakilala muna kayong dalawa sa kanila" Ma'am Santos.
"My name is Crystal Kath Dela Cruz, just call me in my nickname Kathy, I'm 17 years of age, sana maging kaibigan ko kayong lahat ^___^" sabi nung Kathy.
"Hello Guys, I'm Maicah Claire Gregorio, call me what you want but I prefer Maicah nalang, kaka17 ko lang kahapon, and yun" sabi nung Maicah with her smiling face.
Nag-umpisa na kaming maglesson. Hay so bored.
****KRIIIING****
Wahahaha breaktime na yahoo!
"Hello!!" bati ko sa dalawa, Oo nga pala seatmate ko silang dalawa, si Maicah sa kaliwa at si Kathy naman sa kanan.
"Hello din ^__^" sagot nilang dalawa.
"Pwede ba akong sumabay sayo?" tanong nung Maicah.
"Ako din!!" sabi naman ni Kathy.
"Okay tara na" sabi ko.
Pumunta na kami sa Canteen para kumain, si Niccolo ayun kasama yung Jerald tsaka yung dalawa, ewan ko kung anong name nung dalawa. Buti naman hindi ako pinansin ni Jerald. Nakakahiya talaga yung kanina. Alam mo yung feeling na nakita ka ng mga kaklase mo na yakap-yakap mo yung taong kinainisan mo kahapon.
Natapos na yung breaktime namin 30 minutes lang kasi eh kaya pumunta na kami na kami sa room, Sila Niccolo naman nakabalik narin pero hindi nila kasama si Jerald.
"Nasaan si Mr. Wilson?" tanong ni Ma'am
"Wait akala namin nauna na siya?" tanong nung isang lalaki, yung kasama ni Niccolo kanina
"Oo nga" sumang-ayon naman 'tong si Niccolo.
Walang sumagot sa tanong ng prof namin. Hindi na siya bumalik. Ano kayang nangyari dun? Hanggang matapos yung first subject eh walang jerald na bumalik.
"Ah Miss nakita mo ba ang pinsan namin ni JM?" tanong nung kasama kanina ni Jerald nung pumasok ako ng room.
So pinsan niya pala yung dalawa? how come ang gwapo nila, ang ganda ng lahi nila ha.
"ah hindi eh, nagtataka din nga ako kung bakit di yun bumalik eh"
Palabas na kami ng room ng may nakasalubong kaming guard.
"Sir JM, sir Hiro, si Sir Jerald po" sabi nung guard.
Sir Jm? Sir Hiro? at Sir Jerald?? bakit sila siniSIR ng guard? ano ba sila sa school na to?
"sinabi ko ng wag mo kaming tatawaging sir diba?" maotoridad na sabi ni JM.
"Wait anong nangyari kay Jerald?" tanong ni Hiro.
"Ah eh Sir este Hiro si Jerald nakita naming binubugbog nila Hyrum!"
"WHAAAT??" sigaw ni Ma'am Santos.
"Yes Ma'am, Oo nga po pala Ma'am yung anak nyo nga po pala si Aivhan na kaibigan ni Hyrum, kasama din po siya sa pagbugbog kay Jerald" sabi nung guard.

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...