Chap32

15 0 0
                                        

CHAP32-KASAL?

[JERALD'S SIDE]

Nasaan ba ako??

Wala akong ibang makita kundi puro puti lang...Patay na ba ako?? paano na sila?? paano na si Nicole?? Ibabalik pa namin ang alaala niya..

"Jerald!" may narinig akong isang boses, isang boses ng isang babae na matagal ko ng hindi naririnig..

"Jerald Anak" tawag ng isang lalaki sa akin.

"Apo ko" hindi ako pwedeng magkamali sila yun. sa kanilang boses yun..

"Mama? Papa? Lola asan kayo???" sigaw ko

"Nandito kami sa likuran mo" Lumingon ako sa likuran ko at tama nga nakita ko silang tatlo..

Niyakap ko sila habang umiiyak.

"Ma, Pa, Lola Miss na miss ko na kayo"

"Shhhh tama na apo, nandito na kami"

"Dito nalang po ako, hindi na ako aalis" -ako

"Hindi pa ito ang oras anak, maraming tao ang nahihintay sayo na magising ka" sagot ni Papa

"Pero miss na miss ko na po kayo" -ako

"Anak hindi pa ito ang oras mo" -mama

"Pero ma"

"Eto ang tatandaan mo nandito lang kami, parati mong kasama, binabantayan ka namin" si Lola

"Basta mahal na mahal ka namin anak" -papa

"Pero---"

Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang silang nawala at may humila sa akin pababa...

[JOANNA'S SIDE]

Nandito na ako sa bahay, umuwi na ako naiinggit na kasi ako sa kanila eh..lahat sila may lovelife..

Si Paul at Mina na isang taon ng kasal.

Si Jerald at Nicole.

Si Gifford at Sandy.

Si Marco at Jheys na may anak na.

Si Franco at Monique malapit ng ikasal.

Si Nathaniel na bumalik para kay Hannah.

Si Niccolo at Maicah.

Si aivhan at Kathy.

at si Kuya Clyde naman sabi ni Mina eh katxtmate daw yung pinsan niya..

tapos yung mga wala namang lovelife.

Ako, si Jm, si hyrum,hiro at si Jaime..

haixt di lang pala ako nag-iisang walang lovelife.

***Ding Dong***

"Nak buksan mo nga" utos ni Mama. Maliit lang bahay namin hindi naman kasi kami mayaman eh, pero may buzzer kami para sa mga bwisita este bisita pala...

Binuksan ko yung gate at guess what kung ano nakita ko..

Isang boquet of flowers na kasing tangkad ko..de joke lang...

"For you" binigay niya sakin yung bulaklak..

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"SH*T" teka nagmura ba siya..

"huh bat mo ko minumura?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kita minumura noh" sabi niya

"Eh bakit ka nagmura?" tanong ko

"Eh nakakatorpe eh" sabi niya...huh? di ko maintindihan

"Ano di kita maintindihan?" sabi ko.

"MAHAL KITA JOANNA, MAHAL NA MAHAL" sigaw niya.

ako naman eto..wahahahaha KELEG MUCH sinabihan ako ng mahal ko na MAHAL NYA DAW AKO..

ANUBEY KELEG AKO...

Matapos niyang sabihin yun eh, niyakap nya ako..

"Joanna sabihin mo may pag-asa ba akong mahalin mo?" tanong niya.

"Matagal na kitang mahal Mr. Jaime Villaruel" sabi ko. Nakita ko naman ang ngiti niya at niyakap nya ulit ako..

"Hey Lovebirds miryenda muna kayo, tama na yan nilalanggam ako dito" -sita ni Mama..

Opo si Jaime nga po, akala ko one sided love lang ang meron saming dalawa, naging magbestfriend kami pero higit pa sa bestfriend yung nararamdaman ko sa kaniya. Di ko nga akalain na mahal niya din ako eh..kaya nung sinabi niya sakin yung mga katagang yun eh KELEG MUCH ang naramdaman ko...wahahahaha

SYETE KELEG MUCH AKO...

"Sorry po Mama" Anudaw? Mama tawag niya kay Mama?

"Err ano tinawag mo kay Mama?" tanong ko..

"Mama! bakit pakakasalan na kita bukas kailangan mama narin ang tawag ko sa kaniya" anu ba talaga..

Huhu sasabog na ulo ko sa kilig..

"Anong pinagsasabi mo na ikakasal na tayo bukas?" tanong ko sa kaniya..

"Anu ba? kung hindi kayo papasok tututol ako sa kasal nyo..lentek nayan kanina pa ako nilalanggam dito" reklamo naman ni Mama..

Pumasok na kami, dumiretso kami sa dining area ng bahay..

"Ma ano yung sinasabi nyo kaninang kasal?" tanong ko.

"Ah kasi nung isang buwan napagkasunduan namin ng magulang ni Jaime na ikasal kayo bukas"

0_0???????? HUWAAAAAAAAAAAAAAATTT???

"Teka natanong nyo na ba ako kung gusto ko????" tanong sa kanila..

"Ah Mama este Tita alis na po ako, ayaw po ata ng anak nyo eh" paalam ni Jaime akma naman siya tatayo ng magsalita ako..

"Takte Jaime baliw ka ba??? mahal kita at payag ako" -ako

0_0 <-- mukha yan ni Jaime tapos biglang ngumiti.

"Wala ng bawian Joanna ha!!" sabi niya.

"Oo naman, pero sa isang kondisyon" -ako

"Ano yun?" tanong niya habang nakakunot yung noo...Gosh ang cute niya..

"tsaka na tayo magpakasal kapag gumising at gumaling na si Jerald" -ako

"Sige yun lang pala eh, sa katunayan niyan eh gusto ko rin yang sabihin sa inyo kasi napag-usapan namin ni Daddy yan kagabi" paliwanag niya..

***Tunog ng cellphone kapag may text***

parehas tumunog ang cellphone namin ni Jaime...

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon