NICOLE
Grabe badtrip, kaklase ko pa tong lalaking to? Hindi ko lubos maisip na parehas kami ng school at magkaklase pa..
Kung sabagay sabi nga nila Expect the unexpected..
Nagkita ulit kami in the same scene. The bungguan scene. Bakit parati nalang kaming nagkakabungguan??
Oo nga pala mahirap lang siya diba? Bakit siya nakapag-enrol dito eh ang mahal mahal ng school na to, haler sister school kaya 'to ng Viñas Academy.
Grabe ang yaman talaga ng pamilya ng may-ari nito.
"Ms. Reyes!!"
"Yes Ma'am??"
"Anong meron sa mukha ni Mr. Wilson?"
Halah sa sobrang inis ko tinitigan ko pala si Jerald nun. Gosh, baka kung ano ang isipin ng lalaking yun.
"Ah Ma'am, I think she's falling in love with me!"
Oh Shoot! Sabi ko na nga ba eh, ang manyak ng lalaking 'to. Kung makapang-asar akala mo babae eh noh.
"Hoy tumahimik ka ngang bakla ka?" sigaw ko sa kanya.
Tumayo siya at...at..at lumapit sa akin.
Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko.
*DUGDUGDUG*
Gosh ang POGI..at...at ang BANGO.
Hindi, hindi pwede nakakailang. Huhu ano na bang nangyayari sa akin..
"Sinong bakla?" tanong niya.
Siomai ang BANGO NG HININGA niya. Can i Kiss him??
Ano ba 'tong iniisip ko.
Hindi ako pwedeng magpatalo sa baklang to..
"I..I...ikaw?"
**kiss sa cheeks ko**
"Bastos!!!*sampal sa mukha niya*" kapal ng mukha hinalikan ako sa pisnge..
Hinawakan niya yung pisnge niya.
"Sarap nun ah, isa pa nga!!"
"Ang alin 'tol yung halik mo sa kapatid ko oh yung sampal niya sayo?" tanong naman ng pakialamero kong kambal.
"Yung kiss" sagot ni Jerald.
"then Go" ay syete, kapatid ko ba talaga to?
"Ehem..ehem..ehem" kunyariang ubo ni Ma'am Santos
Napaayos naman kami..
"Mr. Wilson, ibinilin ka sa akin ng Mama mo, wag ka sanang gagawa ng gulo"
"Ah..eh Okay po Ma'am"
Ibinilin siya ng Mama niya kay Ma'am Santos??
Ang weird lang ha? Sino ba 'tong Jerald na 'to..
Lumipas naman ang buong period ng klase. Accounting 101 kasi yung subject namin nun eh. Secondary Education ang kinuha ko. Hindi ko nga alam na matalino pala 'tong si Jerald.
Eh ano bang maaasahan ko jan eh haler! 7th honorable mention kaya yan nung high school.
2nd subject na namin. Nandito na ako sa Room 302. And guess what? Nandito rin siya.
"Hoy sinusundan mo ba ako?" sigaw ko sa kanya.
"BSEd A1 ka di ba?"
"Oo bakit??"
"edi magkaklase tayo sa lahat ng subject"
Patay tayo, ibigsabihin lang nun kasama ko siya in a whole sem..
"Mr. Wilson" dumating na yung prof namin.
"Ah eh yes Ma'am??"
"Pakidala 'to sa Viñas Academy, ibigay mo sa Mama mo, Listahan yan ng mga student dito na galing sa school nyo"
Lahat nalang ng teacher kilala siya..
"Ah you Miss, last name?" tanong ng prof namin.
"Reyes po Ma'am"
"Okay, Mr. Wilson Excuse na kayo ni Ms. Reyes, pumunta kayo sa Viñas Academy"
"ah Ma'am pwede po bang tumanggi?"
"Hindi pwede mukhang mapagkakatiwalaan ka naman, isama mo na rin yang kambal mo, teka kambal ba kayo magkamukha kayo eh"
Harujusko talagang napansin yun ni Ma'am??
"Ah yes Ma'am kambal po kami" sagot naman ni Niccolo.
Umalis na kami ng school. Magcocomute sana kami kaya lang haler may kotse kami at may driver. Sabi naman ni Niccolo eh magkotse nalang kami, hindi naman na siya tumanggi.
Sa loob ng kotse eh ang dami kong tanong sa kaniya na kailangan nyang sagutin.
"Diba mahirap ka? Paano ka nakapasok sa school na yun eh puro mayayaman lang naman nakakapasok dun? bakit kilala ka ng mga teacher dun? Tsaka sino yung Mama mo?"
"Sis pwede isa-isa lang?" sabi ni Niccolo.
Hindi sinagot ni Jerald yung mga tanong ko snob lang siya at tahimik na bata nagpapakagoodboy o nagpapakaweird kanina lang eh kung makapang-asar.
"Ah Manong, pwede po magtanong?" tanong niya kay kuya Lito na driver namin.
"Nagtatanong ka na kaya?" sabat ko.
Napatingin nalang si Kuya Lito sa salamin.
"Ano yun iho?" tanong ni Kuya Lito.
"ilang taon na po kayong driver nila?" huh? Bakit ganun yung tanong niya.
"Hmm mga tatlong taon na rin. Bakit?" –Kuya Lito.
"Ah siguro po madalas sumasakit yung Malicus mo" huh? Anong konek ng tanong niya sa kung ilang taon nang driver si Kuya Lito tsaka ano yung malicus?
"Haha, hindi naman Sir" sabi ni Kuya Lito habang nakangiti.
"Kuya Lito ano yung Malicus?" tanong ko.
"Ano ba naman yan Nics, yun lang hindi mo alam? Malicus part yan ng inner ear" sabi ni Niccolo.
"Ahh yun pala yun, teka bakit mo natanong yun kay Kua Lito?" tanong ko naman kay Jerald.
"~tss, malicus lang hindi pa alam, sa tatlong taon niyang driver nyo siguradong sumakit ang malicus niya dahil sa kaingayan ng bibig mo" sabi pa niya. Napansin kong napatawa naman si Kuya Lito at si Niccolo.
"AAARRGGG!!" sabi ko. Naku, buti nalang nandito ko sa front seat kung hindi kinalbo ko na yang lalaking yan.
Ilang minuto lang eh nandito na kami sa Viñas Academy.
"KYAAAAAAHAAAAHHHH"
"SI JERALD BA YAN??"
"OH GOSH ANG GWAPO PA RIN NIYA?"
"OPPA JERALD AKIN KA NALANG!!"
OH gosh sakit ng malicus ko.
Huh? Malicus?
~tss nakakainis pati ako nadamay sa mali-malicus nitong Jerald na'to.
Pumunta kami sa room na katabi ng Principal's Office.
Halah, dito yung opisina ng may-ari ng school ah.
Tapos binuksan ni Jerald, bastos na bata, hindi man lang kumatok.
"Oh Jerald bakit?"
"Ah Ma pinabibigay po sayo nung teacher namin sa 2nd subject di ko kilala eh, eto daw po yung listahan nung mga student dun na galing dito"
Ma? ows di nga? Eh diba Mama 'to nung Paul?? tsaka eto din yung may-ari ng school eh.
"Ah okay" yung Mama DAW niya.

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Подростковая литератураAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...