Chap3

51 1 0
                                    


JERALD

Nung narinig ko 'yung mga salitang 'yun mula sa doktor ayhindi ko napigilang umiyak at humagulgol. Pumasok ako ng ER nakita ko si Lola nakahiga at wala ng buhay. Niyakap ko siya, wala akong pakialam kung maalog siya ang gusto ko lang ay magising siya.

"Lola bakit mo ko iniwan!!!"

"Lola gumising ka naman jan"

Paulit-ulit kong sinasabi yun hanggang sa dumating si Tita Asul.

"Je. tama na wala na tayong magagawa"

"Hindi Tita, natutulog lang si Lola, hindi niya ako iiwan, siya nalang ang nag-iisang kamag-anak ko, siya ang nagpalaki sa akin, simula nung mamatay ang mga magulang ko. Kaya hindi dapat siya mawala"

"JE TAMA NA!!" sumigaw si Tita na siyang nakapagpatahimik sa akin pero hindi parin ako tumitigil sa pag-iyak.

Si Lola wala na siya. Sa kanya ko din binuhos ang ng buong-buo ang pagmamahal ko.

* * *

Ibinurol namin si Lola sa apartment na tinitirhan namin. Sinagot na ni Tita Asul lahat ng gastusin sa burol. Hindi ko inaasahan na maraming pupunta sa burol ng lola ko katulad ng mga classmate ko sa Viñas Academy at sa eskwelahan na inalisan ko. Umuwi din ng Pilipinas ang barkada para makiramay sa pagkamatay ng lola ko.

Hindi ko sa kanila natago ang imosyon at itsura ko.

Isang linggo lang namin ibinurol si Lola. Bago mailibing si Lola ay umiyak ulit ako at namaalam sa kaniya.

Heart Attack at stroke ang naging rason kung bakit siya namatay, dahil na rin sa init ng panahon, nalaman ko din na may sakit si Lola sa puso, hindi sa akin sinabi ni Lola. Siguro ayaw niyang namumroblema ako sa pambili ng gamot kaya pati gamot eh hindi niya nabili at nainom kaya eto ang naging resulta..

* * *

"Bok aalis na kami" paalam ni Paul

"Salamat mga Bok ha" -ako

"Bok, basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang kami ha" si Gifford

"Pakatatag ka Je ha" sabi s akin ni Mina

"salamat talaga sa inyo" pagpapasalamat ko sa kanila.

Nagpapasalamat talaga ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nila. Sinamahan nila ako sa mga oras na naging mahina ako dahil sa pagkamatay ni Lola.

Nandito kami sa NAIA dahil pabalik na sila sa California si Gifford naman eh sa Korea. Kailangan daw nila agad bumalik dahil may pasok na sila dun.

"Sige Bok salamat sa inyo ha sa inyo din Girls"

Nagbro-hug lang kaming mga lalaki at hinalikan ako ng mga girls.

**TOINKK**

"aray, bakit ba tuwing hinahalikan ako ng mga girlfriend nyo sa pisnge eh bigla bigla nyo nalang akong binabatukan"

"Ang bading mo talaga Bok" si Franco

"sinong bading? Gusto mo agawin ko sayo si Monique?"

"hoy papatayin kita pag ginawa mo yun" -Franco

"Gusto ko yan, para makasama ko si Lola"

***TOINKK***

"tounge in a lungs Bok" si Gifford. Anong klaseng mura yun bat ganun?

Umalis na sila at umuwi naman na ako sa bahay para makapagpahinga.

Pagdating ko sa bahay ay nasa labas lahat ng gamit ko.

Nicnic and Jeje Story [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon