Chap20 Part2-Babalik o babalik?
[JERALD'S SIDE]
“Okay, sa mga hindi nakaabot sa enrollment time bumalik nalang kayo sa isang araw” sabi ko habang nakatutok ang mic sa bibig ko.
“Sir anong oras po?” tanong ng isang estudyante.
“Same time” matipid kong sagot.
“grabe ang cute talaga ni Sir Wilson noh” student 1
“Oo nga gwapo pa, haist siya ang dream guy ko” student 2
“Tssk wag ka ng mag-ilusyon bawal yan haha” student 1
Di ko na sila pinansin, agad akong sumakay ng kotse ko at dumiretso ako ng bahay, umakyat ako sa terrace ng bahay..Nagmumuni-muni, nag-iisip kung babalikan niya ba ako.
“Babalik o babalik?”
“Babalik o babalik?” paulit-ulit kong tanong sa saarili ko.
Biglang may tumapik sa akin sa likod..si Aivhan pala.
"Tukz di ka parin ba nakakamove-on?" tanong ni Aivhan
"ayokong magmove-on dahil umaasa parin ako na babalik siya para sakin" sagot ko..
Oo nga pala, isa na akong Dean teacher sa Viñas Academy.
Kaibigan? Madami, mayaman ako sa kaibigan eh, as usual sila parin ang mga kaibigan ko..
"Paano Tukz kung bumalik siya, tapos pag bumalik siya eh hindi ka niya kilala, tayo hindi niya tayo kilala?" tanong ni Kathy na nasa likod lang pala ni Aivhan. Hindi ako nakasagot dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko siya. Magiging masaya ba ako dahil nakita ko siya o malulungkot dahil sa pagkikita namin ay hindi niya ako kilala..
"Pinangako natin sa kaniya na kapag nakita natin siya ay ibabalik natin ang memorya niya" pasulpot naman sabi ni JM.
Si JM. Kathy, Aivhan, Hiro, Hyrum, Maicah lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa babaeng mahal ko. Kilala naman ni Mama Asul at Monique babaeng mahal ko, pero hindi nila alam na mahal ko ang babaeng yun at kung ano ang nangyari sa kanya.
Ang iba ko namang kaibigan ay hindi nila kilala maliban kay Joanna, Hannah at Jheys dahil minsan na nilang binubully ang babaeng mahal ko, sinabi ko din sa kanila na huwag nila itong sabihin sa iba..
Sino ba ang tinutukoy ko at kung ano ang nangyari sa kanya...tandang tanda ko pa kung ano ang meron kami, ang mukha niya, dahil kahit kailan hindi ko siya kinalimutan kasi mahal na mahal ko siya.
***Flashback***
Mag-iisang buwan na siyang may sakit, isang napakarare na sakit. Di ko kakayanin na mawala sya sa akin kaya napagdesisyunan namin ng mga parents niya na sasailalim si Nicole sa brain surgery dahil sa tumour niya.
“Mom di pa po ba tayo uuwi?” rinig kong tanong ni Nicole sa Mommy niya. sabay nun ay pumasok kami sa loob ng kwarto kung saan siya nakaconfine.
“teka, anong nangyari sa inyo?" tanong niya. Nahalata siguro niya ang mga mukha naming malapit na umulo ang luha dahil sa awa sa kanya..Mahirap makita ang taong mahal mo sa ganyang kalagayan.
“Nicole nandito kami para sabihin sayo ang napagdesisyunan namin, natin” sabi ko, kinakabahan ako kung ano ang magiging reaksyon ni Nicole sa sasabiin namin.
BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...