CHAP23-WHO ARE YOU?
[JERALD’S SIDE]
1 week later....
"Bok ano bang gagawin natin dito?" tanong ni Paul.
"Bok basta samahan nyo nalang ako" ako
"ano nga kasing meron tuks" si Aihan
Bumulong ako kay Aivhan..
"Nakita ko kasi dito si Nicole last week"
"huh? diba sabi patay na daw si Nicole???" bulong nyang sagot sa akin.
"Pero nakita ko siya dito" bulong ko pa..
Bumili nalang ako ng mga gamit na gagamitin ko sa pag tuturo..pagkatapos nun eh pumunta kami sa foodcourt para kumain..ako na ang bumili ng mga bibilin nila..ambait ko noh..
Pero pag tayo ko ay aksidente kong nasagi ang isang babae…
Pero laking gulat ko ng tinignan ko kung sino yung babaeng nasagi ko.
"Nicole???" tama si nicole nga..
Niyakap ko siya..
"Nicole, ikaw nga sabi ko na nga ba buhay ka pa niloloko lang kami ng kakambal mo" sabi ko habang yakap yakap ko siya..
"Wait!! who are you??"
"ako to si Jerald"
"Sorry I didn’t know you" sabi niya napatinin ako sa leeg niya suot suot niya yung kwintas na binigay ko sa kanya..napansin niyang nakita ko yung kwintas na suot niya, hinawakan niya ito at tumakbo hinabol siya nung laking nakausap ko noon tsaka yung isa...
"Teka Sino ba yun? ano bang nangyayari??" naguguluhang tanog ni Paul.
"Uwi na tayo diretso tayo sa bahay ko, papupuntahin ko rin sa bahay ang barkada para maikwento ko sa inyo"
Tinext ko silang lahat maliban kay Niccolo.
Lahat kayo pumunta kayo sa bahay ko ngayon na..Maicah please wag mo isama si Niccolo wag mo rin sabihin sa kanya na pupunta ka samin..Kathy nagsinungaling sa atin si Niccolo...
Lahat kayo wag nyo sabihin kay Niccolo na pinapapunta ko kayo sa bahay..
Gm.buhay siya.. :]
-----------------------------
"So all this time hindi ka pala bakla Bok" pang-aasar ni Franco..
"Takte kayo lang naman ang nag-iisip niyan buti pa sila Jm naiintindihan ako.."
"eh bakit hindi mo sinabi samin?" tanong ni Marco.
"kasi alam namin ang mga ugali nyo" sabi ni Kathy
"Aray naman, ang sama nyo ha" si Franco
"Baliw, alam kong aasarin nyo lang ako kaya hindi ko sinabi sa inyo.." -ako
**POINKKKK**
"Aray para saan yun Gifford?" tanong ko.
"Para sa pagtatago mo ng sekreto" sagot niya..
**baby you light up my world like nobody else**
"Je tumatawag si Niccolo!!" sabi ni Maicah
"sagutin mo na!" utos ni JM
"Je sasagutin ko ba?" tanong ni Maicah sa akin..
"Te--teka ako sasagot!" kinuha ko yung cellphone niya.
"Hello!!" -ako, niloudspeaker ko yung tawag nya paea marinig ng lahat..
[Jerald?]
"pasensya na ako sumagot ng cellphone ni Maicah nandito kasi sya sa bahay"
[anong ginagawa niya jan?]
"Alam mo na yung ginagawa ng mag-asawa" nakita ko naman silang nagpipigil ng tawa kahit si Maicah mukhang alam nya kung ano ang ginagawa ko..
[G*go ka!! anong ginawa nyo, Maicah! Maicah!, wag mo kong pinagloloko Jerald mabubugbog kita, hindi mo alam kung ano ang ginawa mo]
"Easy ka lang ha, teka ibibigay ko kay Maicah"
Binulungan ko si Maicah na umarte.
"*snif* Ni-niccolo, tulungan mo ko, si-si-si Jerald *snif*"
[Papunta na ako jan, JERALD HUMANDA KA SAKIN PAPATAYIN KITA G*GO KA]
Pinatay na ni Maicah yung cellphone..alam naming masamang biro yun para kay Niccolo, pero kailangan dahil may balak.
[NICCOLO'S SIDE]
"Niccolo alis muna kami ha" paalam ng kakambal ko..
Pag-alis nila eh naisipan kong tumawag kay Maicah..Miss ko na siya eh..
[Hello!!] teka bakit si Jerald yung sumagot??
"Jerald?"
[pasensya na ako sumagot ng cellphone ni Maicah nandito kasi sya sa bahay]
"anong ginagawa niya jan?" alam ko na parating nandun siya sa bahay ni Jerald, pero bakit iba yung dating nung boses ni Jerald.
[Alam mo na yung ginagawa ng mag-asawa] nakita ko naman silang nagpipigil ng tawa kahit si Maicah mukhang alam nya kung ano ang ginagawa ko..
P*t*ng-i*a sinasabi ko na nga ba, kala mo ang bait g*go sya napakasama niya.
"G*go ka!! anong ginawa nyo, Maicah! Maicah!, wag mo kong pinagloloko Jerald mabubugbog kita, hindi mo alam kung ano ang ginawa mo" biglang dumating si Juno.
[Easy ka lang ha, teka ibibigay ko kay Maicah........*snif* Ni-niccolo, tulungan mo ko, si-si-si Jerald *snif*] tumutulo na luha ko..p*ta di kita mapapatawad Jerald
"Papunta na ako jan, JERALD HUMANDA KA SAKIN PAPATAYIN KITA G*GO KA" sumigaw na ako sa sobrang galit
biglang namatay yung tawag...
"Juno, eto na ang pagkakataon mo para mapatunayan sakin na tapat kang kaibigan at katrabaho..."
"sige"
pumunta na kami sa bahay ni Jerald pero tila walang tao sa loob ng bahay...
**tok tok**
may narinig akong naglalakad papalapit sa pinto..
Pagbukas ko ay nakita ko si Maicah..Nakasmile...
Kumunot yung noo ko...di ba may nangyari sa kanila ni Jerald tapos umiiyak siya kanina sa tawag....
"I Love You" sabi ni Maicah sa akin.
"T..t..teka ano bang nangyayari?" naguguluhan kong tanong...
"Wala it's just a joke" she smiled
Niyakap ko siya. Akala ko talaga, walangyang yan joke lang pala yun..
"Eh nasan si Jerald?"
BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...