CHAP13-JHEYS AT MARCO?
[FLASHBACK]
tsk hindi niya sa akin sinabi...haixt hangdaya naman niya. tumayo na ako akmang aalis pero hindi niya ako pinigilan...huhu T_T
di ba niya ako mahal???
"I LOVE YOU"
tama bumalik ako para sabihin yan. e di ko siya atiis eh. mahal na mahal ko kaya siya.
"HAHAHAHAHAHAHA I LOVE YOU TOO SABI KO NA NGA BA DI MO IIWAN EH"
"tss.ewan ko sayo ang daya mo kasi eh"
"Alam mo ba na indi ako humiling? kundi nangako ako" siya
"nangako ka?"
"oo nangako ako na hanggang sa huli ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko, ikaw lang ang makakasama ko habang buhay at nangako akong hinding hindi kita iiwan kasi mahal na mahal kita 'to infinity and beyond' "
[END OF FLASHBACK]
takte ako’y kinikilig nung naalala ko yun. Tinanong ko naman kung kami na pero sabi niya indi daw kailangan ko pa daw manligaw....okay manliligaw ako kung yun ang gusto niya...hihi
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
she loves me and i love her so meaning the feeling is mutual....hihi kinikilig ako...
Dinial ko na yung number.
*kriiiiiinng krinnnnnnggg*
[hello sino to?]
"insan si Jerald to"
[o anjan na pala kayo, napatawag ka?]
"ah eh si Nicnic nakita mo ba??"
[Oo kanina, grabe insan nakita ko syang may kasamang lalaki, nakaakbay sa kanya ang sweet nga nila eh]
lalaki?? sweet?? bigla namang uminit yung ulo ko..akala ko ba mahal niya ako...ano to niloko niya lang ako, nagsinungaling siya sa akin na mahal niya daw ako??
[hoy insan nanjan ka pa ba??]
"ah oo..teka hindi ba si Tristan yung kasama niya?" tanong ko
[hindi eh]
"insan pakibantayan naman siya ah para sakin..paki sabi din kay Aivhan pakibantayan yung bahay ko"
[sige sige]
"thanks insan" pinatay ko na yung tawag mahal kaya yung international call.
Wew baka friend niya lang...
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal na mahal kita 'to infinity and beyond'
mahal niya daw ako..yan ang paniniwalaan ko...kahit na alam kong may kasama siya dun. oo nagseselos at nagagalit ako dahil sa nalaman ko kay JM...pero may tiwala ako kay Nicole, mahal niya dawa ako at yan ang totoo at paniniwalaan ko.
[KINABUKASAN]
Nagshoshoping kami ngayon dahil bukas na ang christmas, mamimili kami ng panghanda at pangregalo sa isa't-isa. yeah my sarili akong pera naipon ko to, kailangan lang eh ipapalit sa bangko para maging dollars tong pera ko. bibili ako ng regalo para sa kanilang lahat. kung anu-ano yun? malalaman nyo rin.
Si Marco ang kasama ko naghiwa-hiwalay kasi kami.
"Baaaaaaaaaaaaaaaaaaaabbbbbees" huh? ang ingay naman ng babaing yun?? sino ba yun?? hinanap ko kung sino at guess what..
Binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap..
"babes sinundan mo ba ako dito???" tuwang sabi niya sa akin.
"Ano ba Jheys bitiwan mo nga ako" tama si Jayssamine Dioquino po. Nung araw na napagalitan siya ni Tita Rich eh agad-agad nakausap ni Tita Rich yung stepmother ni Jheys tsaka yung Daddy niya at kinagabihan ayun pinalipad na nga dito.
"namiss mo ba ako babes?"
"miss missin mo mukha mo tigilan mo nga ako Jheys"
"Ehem ehem" si Marco..
*LIGHTBULB*
Kinuha ko yung kamay ni Jheys.
"Jheys please tigilan mo na ako please, maawa ka naman sakin wala kang mapapala sakin" kinuha ko din yung kamay ni Marco then pinagdikit ko yun hanggang sa mag mukha na silang couple.
"Yan perfect bagay na bagay kayo, gue una na ako sa inyo. Bok kita nalang tayo dito mamaya ha ikaw na bahala kay Jheys"
"hoy wag mong momolestyahin yang kaibigan ko ha" sabi ko kay jheys
Umalis na ako.....
[MARCO'S SIDE]
Nakanaks nagkaPOV ako dito sa kwento ni Jerald.hahaha
Malayo na si Jerald pero magkahawak parin kami nitong babaeng to. Di ko alam pangalan eh pero kilala siya ni Jerald.
Matagal-tagal na din na rin akong nakamove-on, hindi man natuloy yung arrange merriage eh masaya naman ako kasi nakikita kong masaya si Mina sa feeling ni Paul.
[A/N: Basahin nyo po yung kwento ni Paul, Mina at Marco sa isa kong kwento na pinamagatang 'YOU MADE ME HAPPY']
Binitawan ko na yung hawak ko sa kamay nung babae pero hinigpitan niya ako lalo.
"Kaibigan mo ba si Jerald?" tanong nya sakin.
"ah eh Oo, miss pwede pabitaw na ng kamay ko pinagtitinginan na kasi tayo dito eh" sabi ko.
Binitiwan naman niya.
"Please help me to move-on" sa pagsabi niya ng mga salitang yun eh nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya.
Wala na akong nagawa kundi ibalik yung pagkakahawak ko sa kamay niya kanina. Kumain muna kami sa isang fastfood. Habang kumakain kami eh hindi ko mapigilang tanungin siya.
"Ano nga palang name mo?" tanong ko sa kaniya.
"Jayssamine Dioquino, Jheys nalang itawag mo sakin" sabi niya.
"Ah kaanu-ano mo si Jerald?" tanong ko sa kaniya.
"Wala, never kaming naging magkaibigan pero minahal ko siya, mahalko siya higit pa sa buhay ko"
"and?"
"Pero hindi niya ako mahal"
"sige I'll help you" sabi ko
"For what?"
"diba sabi mo kanina tulungan kita, kaya pumayag ako"
Ngumiti siya sa mga sinabi ko.
Nagpalitankami ng cellphone number at nagkwentuhan lang tungkol sa mga buhay-buhay.
Naglibot din kami ng mall.
Nakita nga kami ng barkada eh sabi pa nila eh bagay daw kami. Ako naman eh nakangiti lang.

BINABASA MO ANG
Nicnic and Jeje Story [REVISING]
Teen FictionAng Ulan kung kelan hindi mo akalaing bubuhos saka bubuhos at kahit anong tago mo mababasa ka prin, ang nakakalungkot lang kung kelan ka ngag-eenjoy ka na tsaka naman titila at mawawala. Parang Love diba?. Tulad ni Jerald, He doesn't expect na maii...