Paul: Pocholo!
Pocholo: Paul? Walang hiya ka. Kayo lang pala yan.
Paul: Hahaha. Nasaan na yung iba?
Pocholo: Nandun sila, nakatago.Bumalik si Pocholo sa lugar na pinagtataguan ng kanyang grupo.
Kristel: So, sino raw sila?
Pocholo: Sina Paul.
Diana: Seriously?
Warren: Eh, kung ganun pala bakit nagtatago pa tayo rito?
Pocholo: Kaya nga papasok na tayo sa mall.
Mark: Tara na!Muling nagtagpo ang grupo nina Pocholo at Paul. Napagkasunduan nila na sabay-sabay nilang papasukin ang mall. Ngunit magkakanya-kanya sa paghahanap ng mga supplies.
John: Uy kamusta! Tagal nating di nagkita ah!
Franz: Oo nga long time no see.
Jayvee: Sino yang kasama ninyong bata?
Ivy: Ah. Si Crystal.
Jeremiah: Hi Crystal.Ngumiti lamang si Crystal kay Jeremiah.
Jerome: Sige, magkita-kita na lang ulit tayo kapag nakuha na natin ang pakay natin dito.
Pinasok ng grupo ang mall.
Vince: Mukhang may mga nauna na sa atin dito.
Maurick: Pano mo naman nasabi?
Vince: Kung tayo pa lang ang unang papasok dito, hindi ba dapat maraming mga naglalakad na patay sa loob? Kaso, wala. Nalinis na ang lugar na ito.
Paul: Tama si Vince. Pero kailangan pa rin nating mag-ingat lalo na't wala tayong dalang armas. Oh pano Pocholo mauna na kami ah. Mag-ingat kayo.
Pocholo: Oo. Kami na bahala sa amin.Diana: OMG I'm so excited. Let's go shopping.
Mark: Ilang buwan din tayong di nakakapag-mall ano?
Margarett: Salamat naman at mapapalitan na natin ang damit natin.
Alliana: Huwag kayo masyadong mawili rito. Hindi mga bagong damit ang priority natin.
Nicole: Relax, magandang opportunity natin to para magpakasaya.
Winona: Maghiwalay na lang kaya tayo. Pocholo, Kristel, Jayson, Ivy, Grench saka Ian kayo na muna maghanap ng mga gamot sa drug store.Jayson: Di'ba dapat hindi tayo maghiwa-hiwalay?
Pocholo: Pabayaan mo sila, mga malalaki naman na yan.
Ivy: Okay lang sa'kin kung tayo na lang ang kukuha ng mga gamot. Di ba Crystal?
Crystal: Opo ate :)))
Grench: Sige, tayo na lang ang manguha.
Kristel: Pero gusto ko rin sumama sa kanila.
Ian: Huwag na, susunod na lang tayo. O kaya magpadala ka na lang sa kanila.
Kristel: Ate Diane! Alam mo na sukat ko ah!
Diana: Sure!!!!Nagpaiwan sa isang malaking tindahan ng mga magagarang damit sina Warren, Alliana, Nicole, Diana Faye, Winona, Margarett, at Mark. Nagtungo naman sa drug store ang mga natira sa grupo ni Pocholo.
Mark: Wow! Ang gaganda ng mga damit.
Margarett: Tara mamili na tayo.
Nicole: Shop all you can guys. Pero actually pwede natin kunin lahat ng gusto natin hahaha.Agad na namili ang bawat isa ng kani-kanilang susuutin. Kumakanta naman sina Warren at Winona upang mas lalong maging masaya ang paghahanap nila ng bagong masusuot. Sa labas, isang malakas na pagsabog ang gumulat sa kanila.
Alliana: Ano yun?
Nagsilabasan ang lahat. Kasalukuyan silang nasa ikalawang palapag at mula rito ay nakita nila na may nasusunog na restaurant sa baba. Nakita rin nila ang grupo ni Paul na dali-daling pumunta sa labas ng mall dala ang mga bag ng pistol at bala.
Diana: Oh no! What are we gonna do?
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...