Paul: Nasaan na sila?
Isang malakas na pagsabog ang nakita nila sa isang restaurant. Sa pagkakataong ito ay alam na nila na hindi nakaligtas sina Matthew at Adel.
Vince: Tara na!
Ian: Teka! Pano sina Pocholo?
Nasa harap na sila ng pintuan palabas ng mall ngunit hindi sila tumuloy na lumabas. Kailangan pa nilang iligtas ang iba pa nilang mga kasama na nasa loob.
Diana: We're here! Help!
Ian: Sina ate Diana!
Nalaman na ng grupo ni Paul kung nasaan sila ngunit nalaman din ito ng mga naglalakad na patay dahil sa sigaw ni Diana. May ilang mga naglalakad na patay ang umaakyat sa second floor. Dumating na rin ang grupo ni Pocholo na nanguha ng mga kagamitan para sa kalusugan mula sa drug store.
Pocholo: Ano na nangyayari?
Mark: Bigla na lang may sumabog tapos nagsisulputan yang mga yan.
Paul: Pocholo! Bumaba na kayo. Bibigyan namin kayo ng daan.
Binaril ng grupo ni Paul ang mga naglalakad na patay na umaakyat papunta sa grupo ni Pocholo. Agad na nagsibabaan ang grupo ni Pocholo. Ngunit, kamalas-malasan na nahila ng isang naglalakad na patay ang damit ni Margarett.
Margarett: Aaaaah!
Sinubukan siyang tulungan nina Mark at Winona ngunit maging sila ay inaatake na ng mga naglalakad na patay. Tuluyang nakagat sa leeg si Margarett habang ang dalawa ay ganun rin ang sinapit. Dahil rito ay nabigyan ng oras ang ibang miyembro ng grupo ni Pocholo na makatakas.
Diana: Oh my God!
Warren: Diyos ko po sina Margarett.
Muling nagsama-sama ang mga nabuhay na miyembro ng grupo nina Pocholo at Paul. Wala silang magawa sa sinapit ng mga pinagpiye-piyestahan nilang mga kaibigan. Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang kanilang kalbaryo, mula sa kung saan ay may namaril kina Franz, Jerome, John, at Niño na agad na nagpatumba sa kanila.
Alliana: Sinong namamaril sa atin?
Pocholo: Lumabas na tayo!
Tuluyan ng nakalabas ang grupo sa mall. Nakita nila mula sa labas na isa-isang namamatay ang mga naglalakad na patay. Batid nila na kung sino man ang nasa loob ng mall ay mapanganib. Agad silang tumakbo papalayo dala ang kanilang mga supplies.
Habang naglalakad pabalik, nadaanan nila ang chapel kung saan umaawit bilang miyembro ng isang choir si Warren. Ang lahat ay balisa parin sa nangyari. Minabuti nila na huminto muna sa chapel upang magpahinga.
Warren: Nakakamiss na yung buhay natin bago ang lahat ng ito ano?
Jayson: Oo nga eh. Minsan hindi ko alam kung pinabayaan o pinaparusahan na tayo ng Diyos. Sobra-sobra na itong nangyayari sa atin.
Warren: Huwag kang ganyan Jayson. Manalig ka pa rin sa kanya.
Jayson: Ang unfair kasi. Mga highschool students pa lang tayo. Ni-hindi pa tayo nakakagraduate. Marami pa tayong pangarap sa buhay. Gusto kong mag-kolehiyo, maging marine engineer. Ngunit ito ang binigay niya sa atin. Isang mundo kung saan walang katuturan ang mangarap.
Warren: May dahilan ang Diyos sa lahat ng ito. Manalig ka lamang at magpatuloy mamuhay. Wala namang masama kung magkakaroon tayo ng kahit unting pananamplataya.
Jayson: Siguro nga. Tama ka.
Matapos makapagpahinga, ay nagpatuloy sa paglalakbay ang grupo pabalik sa kanilang paaralan. May nadaanan silang kotse na pinagkakaguluhan ng mga naglalakad na patay. Isa-isang pinatay ng grupo ang mga ito hanggang maubos. Binuksan nila ang trunk o ang likurang parte ng kotse na kadalasang pinaglalagyan ng mga bagahe. Nakita nila sa loob ang isang nanghihina at nanginginig sa takot na si James.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
KorkuAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...