Kabanata 19

57 1 0
                                    

Isang babala ang nakasulat sa liham. Binalaan sila ni Crystal na mag-ingat sa mga taong dumakip sa kanila. Mayroon ding susi na nakasiksik sa tinuping liham. Nakasaad dito na susi ito ng truck.

Vince: Mukhang may plano na tayo sa pagtakas.
Alfred: So kailangan na lang natin pag-aralan ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito.
Paul: Kailangan natin hanapin yung mga lagusan palabas ng mansyon.
Jes: Syempre yung truck muna ang kailangan nating hanapin.

Dumating ang ilang mga bandido na dumakip sa kanila. Agad na tinago ni Paul ang susi sa loob ng sapatos niya.

Bandido 2: Lumabas kayo. Haharapin niyo si Boss.

Pinalabas ng mga bandido ang mga kalalakihan at hinatid sa opisina ng boss nila. Nandoon din ang mga babaeng mag-aaral ng IV-Narra.

Bandido 2 (Martin): Nandito na po sila.
Victor (Boss): Salamat Martin. Napaliwanag naman siguro sa inyo ng aking asawa (Ana) kung bakit buhay pa kayo ngayon. Ako nga pala si Victor, ang tumatayong pinuno ng lugar na ito.
Hersiel: H*y*p ka! Pinatay niyo ang mga kaibigan namin.
Erycka: Hersiel, tama na yan. Delikado ang ginagawa mo.

Lumapit si Victor kay Hersiel at sinampal ito. Natakot ang mga mag-aaral sa sinapit ng dalaga.

Victor: Sa susunod na marinig ko pa ang pagtalak mo, di lang sampal ang aabutin mo. Mayroon pang gustong matulad sa kanya? Wala? Kung ganun, Martin, dalhin niyo na sila sa mga lugar na pagtratrabuhan nila.
Martin: Opo Boss.

Dinala ang mga kalalakihan sa garahe ng mga truck at ang mga babae naman sa hardin, kusina, at kwarto na nagsisilbing klinika ng mansyon.

Sa garahe ng truck, sinundan ni Ana si Paul.

Ana: Ikaw ba ang tumatayong lider nila?
Paul: Parang ganun... Anong sadya ninyo?
Ana: Kailangan ko ang tulong niyo?
Paul: Hindi ko po kayo maintindihan.
Ana: Nagagalit ba kayo sa asawa ko? Sa akin?
Paul: ...
Ana: Ganun ba. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, hindi kami pabor sa pagpatay ng mga kaibigan ninyo. Nahahati ang grupong ito sa dalawa. May mga mabubuti pero karamihan ay sumasang-ayon akong masasama.
Paul: Sinasabi mo ba sa akin na dapat ka naming pagkatiwalaan dahil mabuti ka?
Ana: Makinig ka sa akin. Matagal na naming gustong patalsikin ang mga halimaw na iyon na pumatay sa kaibigan ninyo, ngunit masyado silang marami at sila ang may hawak sa mga sandata. Pero kung papanig kayo sa amin, magagawa natin silang matalo.

Napaluha si Ana.

Ana: Buntis ako. Ginahasa ako ng isa sa mga pumatay sa mga kaibigan ninyo.  At ganun din ang pwede niyang gawin sa mga babae niyong kamag-aral.

Naawa si Paul sa sinapit ni Ana at nabahala rin siya sa maaaring sapitin ng mga babae niyang kamag-aral.

Paul: Itutuloy mo ang panganganak mo?
Ana: Oo. Kahit demonyo ang tatay niya. Sisiguruhin ko na lalaki siyang ligtas at mabuti.
Paul: A-ano bang pwede naming matulong?
Ana: Sa ngayon, kailangan ko munang malaman kung tutulungan ninyo kami.
Paul: Ahm. Sige tutulungan namin kayo. Sino-sino po ba ang mga pwede naming pagkatiwalaan dito?
Ana: Ako, si Victor, Crystal, Dr. Marquez, Chef Mendoza, Ka Lito, at Aling Maria.

Paul: Total tiwala naman ang pinag-uusapan natin ngayon, patunayan niyo muna na pwede namin kayong pagkatiwalaan. Huwag niyo na kaming ihiwalay sa iba pa naming mga kamag-aral.
Ana: Sige susubukan kong kausapin si Victor tungkol dyan.

Matapos ang pag-uusap, bumalik si Paul sa kanyang trabaho sa garahe ng mga truck. Sa puntong ito, alam na niya kung saan makikita ang truck na gagamitin nila kung sakaling kailanganin nilang tumakas. Narinig niyang nagtatalo ang dalawang bandido malapit sa truck.

Martin: Nakita mo ba yung susi Ramon (Bandido 3)?
Ramon: Aba, hindi ko alam. Hindi ba't ikaw ang may hawak nun.
Martin: Di bale. Wala namang masasabi yang boss natin. Takot lang nun na mag-alsa tayo laban sa kanya.
Ramon: Oo nga. Pabayaan mo na lang yan. Gawin mo munang tambakan ng mga suplay.

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon