Maglilimang buwan na rin nang kumalat ang isang nakakahawang sakit sa Pilipinas. Matiniding pagkagutom at labis na pagkauhaw na hindi napupunan ng karaniwang pagkain at inumin ang sintomas ng mapanganib na sakit. Tanging ang sariwang laman at dugo ng buhay na tao ang pansamantalang makakapigil sa pag lubha ng kanilang karamdaman. Sa bawat araw na hindi sila makakain nito ay magdudulot ng pagkaagnas ng kanilang katawan. Nawawala sila sa katinuan at laging naghahanap ng mabibiktima na kalauna'y magiging tulad nila sa pamamagitan ng kagat. Napabalitang nagmula ang sakit sa isang dayuhan na nang-atake ng pasahero sa airport. Halos lahat ng nasa airport ay naging tulad ng dayuhan. Nagpatuloy ang pagkalat ng sakit at walang nagawa ang pamahalaan ukol dito. Hindi lumabas ang balita sa telebisyon o radyo. Lahat ay walang kamalay-malay sa nangyayaring epidemya sa bansa. Wala pang natutuklasang gamot para rito at ang tanging paraan upang mabuhay ay ang pumatay.
Pasko ng taong 2114, isang grupo ng mga mag-aral ang sama-samang namumuhay sa loob ng malalaking pader ng kanilang paaralan. Bago ang epidemya, ang mga mag-aaral ng IV-Narra ay nagkaroon ng pagtitipon para sa paaralan kahit walang pasok.Wala ring mga guro at iba pang mga nagtatrabaho sa paaralan noong araw na iyon, tanging ang kaisa-isahan nilang school guard and nandoon. Hindi na nakalabas ang mga mag-aaral mula ng mabiktima ang kanilang school guard habang bumibili ng pagkain sa labas. Sinubukan nilang tumawag sa kani-kanilang mga magulang ngunit wala namang signal. Naghintay din sila ng tulong ngunit wala ni isang naglakas ng loob. Kinailangan nilang tumayo sa sarili nilang mga paa. Nagmumula ang kanilang kinakain sa mga nakaimbak na mga pakete ng biskwit at juice sa kanilang canteen. Natutulog sila sa mga classrooms at inuubos ang kanilang oras sa pakikipagkwentuhan. Madalas din silang nakasilip sa bintana, nag-iisip kung may nabubuhay pa sa labas ng paaralan.
Napansin ni Paul na kakaunti na lamang ang natitirang pagkain sa canteen. Bilang isang mag-aaral na may kakayahang mamuno sa isang grupo dala ng kanyang pagiging presidente ng pinakamataas na organisasyon ng paaralan, isang pagpupulong ang kanyang pinangunahan. Napag-usapan ng klase na kailangan na nilang lumabas ng paaralan at mangalap ng makakain at iba pang mga bagay na kakailanganin nila. Hinati ang mga mag-aaral sa apat. Ang unang grupo ay para sa pagkain at inumin, ang ikalawang grupo ay para sa mga kagamitang pangbarikada at kalusugan, ang ikatlong grupo ay para sa mga sandata, at ang natira ay maiiwan upang magbantay sakaling may tulong na dumating.
Bago magtungo sa kani-kanilang lugar, naghanap sila ng mga bagay na maaring gamitin sa pagtatanggol sa sarili tulad ng piraso ng bakal, kahoy, kutsilyo at iba pa. Tinaggal nila ang mga laman ng kanilang bag para magamit ito sa pagdadala ng mga kagamitan. Nagtungo ang tatlong grupo sa gate. Nakita nila ang nagbagong anyong security guard ng paaralan sa labas.
Alfred: Pano na gagawin natin?
Jes: Kailangan nating patayin yung guard.
James: Paano?
Erycka: Hoy! lumapit ka rito.
Lumapit ang guard sa gate. Sinaksak niya ito sa dibdib gamit ang kutsilyong nakuha niya sa canteen. Hindi namatay ang guard.
Erycka: Ayaw matanggal.
Nahila ng guard ang kamay ni Erycka.
Erycka: Tulong!
Hinila palayo nina Sweney, Hersiel, at Jennielyn si Erycka ngunit ayaw bumitaw ng guard. Pinagsasaksak naman nina Alfred, James, at Jes ang guard hanggang sa mapatay nila ito ng masaksak ni James ang ulo nito. Nalaman ng grupo na mapapatay lamang ang mga ito kapag tuluyang nawasak ang kanilang utak.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...