Kabanata 16

69 0 0
                                    

Dahil sa pagdating ng mga naglalakad na patay, napilitang umatras ang mga bandido.

Hersiel: Tapos na ba? Wala nang nagpapaputok.

Jes: Pero dinumog naman tayo ng mga walker.

James: Tara puntahan na natin sina Paul.

Bumaba ang grupo mula sa ikalawang palapagag ng gusali. Sumalubong sa kanila ang napakaraming mga walker.

Alfred: Akyat!

Napansin ng mga naglalakad na patay ang grupo at sinundan sila sa taas. Pumasok sila sa loob ng isang classroom at sinarado ito.

Jennielyn: Ano nang gagawin natin?

Sa gusali kung saan nakapwesto ang grupo ni Paul, tuluyan nang binawian ng buhay sina Ian at Grench. Hindi naman tumitigil sa pagdugo ang tama ni Pocholo sa braso.

Nicole: Paano na? Unting sandali na lang at magiging katulad na rin nila yung mga nasa labas.

Pocholo: Ako na bahala sa kanila. Magpapaiwan na lang ako rito.

Kristel: Seryoso ka? Hindi mo ba alam kung gaano karami yung nasa labas?

Pocholo: Hindi na rin ako magtatagal.

Lumabas ng silid-aralan si Vince at palihim na pumatay ng isa sa mga naglalakad na patay; dali-dali niya itong hinila pabalik sa silid.

Vince: Dali, balutan niyo ng laman loob ang sarili niyo.

Diana: Are you crazy? I thought you were smart. How did you come up with that stupid idea?

Vince: Sa tingin niyo, bakit kaya nababalutan ng laman loob yung mga umatake sa atin kanina?

Nicole: Sinasabi mo bang gagamitin natin yang camouflage para di tayo mapansin ng mga walker?

Vince: Exactly.

Paul: Dali, lagyan niyo na ang sarili niyo.

Sinaksak ni Vince ang dibdib ng walker at hiniwa ito pababa. Dali-dali namang naglagay ng laman loob nito ang mga miyembro ng grupo ni Paul.

Diana: This is the most disgusting thing we've ever done.

Warren: Well. I'll rather look disgusting than be eaten alive by those zombies.

Diana: Shut up Warren.

Pagkatapos nilang maglagay nang mga laman-loob sa kanilang katawan, lumabas ang grupo maliban kay Pocholo na nanghihina dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Pinalabas na ni Paul sina Alliana, Ivy, Nicole, Diana, Kristel, Warren at Jayson ng paaralan. Dumaan sila sa butas na nasa likod ng paaralan. Sina Paul, Vince, at Maurick naman ay binalikan ang dalawang grupo na marahil ay na-trap sa kani-kanilang mga building. Minabuti nilang tatlo na magsama-sama at isa-isang puntahan ang dalawang grupo.

Una nilang pinuntahan ang grupo ni Jun. Maraming walker ang nagkukumpulan sa isang silid. Pinuntahan ng tatlo ang silid. Bago nila madaanan ang silid, napansin ni Paul na may pinagpipiyestahan ang mga naglalakad na patay sa daanan. Pinatay nila ang mga ito gamit ang kanya-kanya nilang kutsilyo. Nagulat sila na si Paula pala ang pinagpiyepiyestahan ng mga ito. Bukod sa wala na ang ibabang kalahati ng katawan nito, may tama siya ng bala sa leeg na maaaring naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Nagpatuloy ang tatlo sa pagpunta sa isa pang silid. Isa-isa nilang pinatumba ang mga naglalakad na patay na nakaharang. Sa loob narinig nila na may nagsisigawan.

Desiree: Ano nang gagawin natin?

Daria: Wala na akong bala. Kutsilyo na lang ang meron tayo.

Jun: Ano sugurin na ba natin?

Pearl: Mabuti pang maghantay na lang tayo ng tulong.

Kinatok ni Maurick ang pintuan.

Jun: Diyan lang kayo. Ako na ang magbubukas.

Nakahandang sumaksak ang kamay ni Jun. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Maurick: Buhay kay...agh agh

Desiree: Maurick!

Nasaksak ni Jun si Maurick sa mata na tumagos sa ulo nito. Natakot si Jun sa kanyang nagawa. Ang lahat ay nabalisa sa nangyaring aksidente.

Jun: Akala ko mga walker kayo?

Vince: Dali, balutan niyo na ang sarili niyo ng laman loob ng walker.

Jun: Pero, pinatay ko si...

Vince: Nangyari na ang nangyari. Unting oras na lang at magdadatingan na ang mga iyon dito dahil sa sigaw ni Desiree.

Dahil wala na silang magawa para kay Maurick, sinunod na lang nila ang sinabi ni Vince.

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon