Kabanata 6

158 0 0
                                    

Habang nangangalap ang tatlong grupo sa labas ng paaralan, naiwan ang grupo nina Alainne, Jun, Joy, Justine, Daria, Pearl, Cess, Desiree at Arvin para magbantay.

Daria: Mag-gagabi na ah. Wala pa ring bumabalik.
Pearl: Naku kamusta na kaya sila? Pano kung hindi na sila bumalik?
Jun: Huwag kayo mag-alala babalik sila. Sa panahon ngayon, siguradong mahirap maghanap ng mga kakailanganin natin.
Arvin: Paano kung iniwan nila tayo? Pano kung may nag-rescue na sa kanila?
Jun: Hindi nila tayo iiwan. Saka kung  may magrescue nga sa kanila, sigurado akong babalikan nila tayo. Wala ka bang tiwala sa mga kaklase natin? Mag-aapat na taon na rin tayong magkakasama di ba?
Arvin: May tiwala naman ako sa mga kaklase natin. Kaso sa mga pagkakataong nagkakagipitan na, siguradong uunahin ng bawat isa ang sarili nila. 
Jun: Basta! Tiwala ako na hindi nila tayo iiwan. 
Cess: Pwede ba, wag kayong maingay. Kapag dumami yang mga panget na yan sa labas, mahihirapan na sila makapasok dito.

Nagpatuloy sa pagbabantay ang grupo hanggang sa tuluyan ng mag-gabi. 

Justine: Nagugutom na ako.
Joy: Ako rin. May pagkain pa ba sa canteen? 
Desiree: Meron pa naman. Kaso hindi pa sila dumadating eh. Dapat sama-sama tayo maghapunan.
Justine: Tara kumain na tayo! 
Arvin: Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Iniwan na nila tayo. 
Jun: Ano ka ba Arvin, baka nahirapan lang sila sa paghahanap.
Daria: Diyos ko. Ano na ba ang nangyari sa kanila?
Desiree: Ano ba kayo, tama na nga yan. Alam niyo kumain na nga lang tayo. Alainne, pwede ka bang kumanta para sa amin?
Alainne: Ako? Sige.
Desiree: Pagkatapos natin kumain ah?
Arvin: Sige, kayo mauna na kayo magbabantay na lang ako sa labas.

Naghapunan ang grupo liban kay Arvin. Matapos magkainan, inaliw ni Alainne ang grupo sa pamamagitan ng pagkanta. Tuwang-tuwa ang mga nakikinig sa napakagandang boses nito. 

Justine: Hindi pa ba kakain si Arvin?
Cess: Teka guys! Lalabas muna ako ah. I-checheck ko lang si Arvin.

Hinanap ni Cess si Arvin ngunit hindi niya ito mahanap. Nawawala si Arvin. Ipinagbigay-alam niya ang ito sa grupo. Sinuyod ng grupo ang buong lugar ngunit hindi nila nakita si Arvin. Sa halip, nalaman nila na wala na ang mga natirang pagkain sa canteen. May mga yapak rin ng sapatos patungo sa isang pader na may takip na plywood.

Jun: Iniwan tayo ni Arvin!

Nagalit ang buong grupo sa ginawa ng kanilang kamag-aral. Tinaggal ni Jun ang plywood na nakaharang sa pader. Isang masikip na butas ang kanyang nakita. Nang malaman na delikado ang kanilang sitwasyon dahil sa butas na natuklasan, agad na binalik ni Jun ang plywood at inutusan ang iba na magdala ng mga bangko para itoy maharangan. 

Ibinalik ni Jun ang harang na plywood. Sinimulan ng grupo ang paglalagay ng mga upuan nang isang malakas na sigaw ang gumulat sa kanila.


Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon