Kabanata 5

163 1 0
                                    

Isang bata ang nasa loob ng kwarto.

Kristel: Anong sinisigaw-sigaw mo? Bata kaya yan.
Margarett: Ang cute naman! Anong pangalan mo?
Bata: Crystal po.
Nicole: Ilang taon ka na?
Crystal: 11 po.
Diana: What are you doing here, sweetie pie?
Crystal: Naghahanap po ng pagkain. Akala ko po mga masasamang tao kayo eh.
Winona: Hindi kami masama. Bakit naman ganun yung naisip mo?
Crystal: Marami na po kasi akong mga taong nakasalamuha. May mga nagnanakawan ng mga gamit. Minsan nagpapatayan.
Alliana: Nagsasabi ka ba ng totoo?
Crystal: Opo.

Hindi makapaniwala ang grupo sa sinabi ng bata. Inisip nila na baka nanaginip lang ito o kaya naman ay nabaliw dahil sa gutom.

Pocholo: Nasan ba mga magulang mo? Bakit iniiwanan ka nilang mag-isa?
Crystal: .......
Pocholo: Pasensya kung... tinanong ko.
Warren: Huwag ka mag-alala Crystal. Simula ngayon kami na ang mga ate at kuya mo.
Mark: Marami ka pang mga ate at kuya sa lugar namin.

Isang panibagong kaibigan ang nadagdag sa grupo. Matapos makuha ang kanilang mga kailangan, tuluyan nang nilisan ng grupo ang bahay ni Ivy.

Habang naglalakad papunta sa Mall, napansin ng grupo ang kanina pang nanahimik na si Ivy.

Nicole: Ivy? Okay ka lang.
Ivy: Ah? Okay lang ako. Huwag niyo na ko pansinin. Hehehe.
Alliana: Ahm. Tungkol nga pala sa liham...
Ivy: Okay lang. At least nalaman ko na ligtas sila. Baka nandun pa nga yung mga parents ninyo di ba? Okay lang talaga ako.

Hinawakan ni Crystal ang kamay ni Ivy.

Crystal: Sa panahong ito, maraming mga bata ang nauulila, mga magulang na nawawalan ng anak, at mga relasyon na nasisira. Maraming bagay ang hihila sa'tin pababa. Kung magpapatalo tayo sa mga bagay na ito, matutulad tayo sa mga naglalakad na patay na naghihintay na lamang ng kanilang tapusan.

Nagulat si Ivy sa sinabi ng bata. Ngunit, napagtanto niya na tama ang mga ito. Pinunasan ni Ivy ang kanyang pinipigilang luha . Niyakap nito ang bata.

Sa malayo, isang grupo ng mga kalalakihan ang nakita ni Pocholo papunta sa Mall. Sinabihan niya ang grupo na magtago at magmasid.

Diana: What are we gonna do?
Pocholo: Dito lang kayo. Kakausapin ko sila.
Warren: Are you serious? Pa'no kung bigla ka nalang barilin ng mga yan.
Pocholo: Huwag kayo mag-alala. I can handle this.
Jayson: Pa-english english ka na ah. Wish you luck bro.
Pocholo: Basta ako na bahala.

Dahan-dahang lumapit si Pocholo sa lugar na pinuntahan ng mga kalalakihan.

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon