Arvin: Tulong!!!!!!
Desiree: Si Arvin! Tara alisin niyo na ang mga harang.Agad na inalis ng grupo ang mga upuan na nakaharang sa butas.
Arvin: Bilisan niyo malapit na si---- agggh!!!!!!
Daria: Arvin!!! Anong nangyayari diyan?Nang matanggal na ang huling upuan na nakaharang sa butas, wala ng buhay ang katawan ni Arvin. Pinagpiyepiyestahan na siya ng mga naglalakad na patay.
Alainne: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Tumakbo si Alainne palayo. Dahil sa sigaw niya, nagsilingunan ang mga naglalakad na patay sa grupo.
Jun: Harangan niyo yung butas!!!!!!
Agad na tinakpan nina Jun at Paula ang butas gamit ang plywood. Subalit napakarami ng mga naglalakad na patay na gustong pumasok sa loob.
Paula: Hindi na namin kaya!
Tuluyang nakapasok ang mga naglalakad na patay sa butas. Nadaganan ng mga naglalakad na patay si Joy na maglalagay sana ng upuan para madagdagan ng harang ang butas.
Joy: Aaaaah! Tulungan ninyo ako.
Ngunit bago pa nila matulungan si Joy ay nakagat na ito sa leeg ng isa sa mga naglalakad na patay.
Cess: Hindi na natin siya matutulungan. Tara na!
Walang nagawa ang grupo. Agad na lamang silang nagsipagtakbuhan para makalayo. Nakakalat ang mga silya sa kanilang daraanan. Kamalas-malasan na sumabit ang palda ni Justine sa isa sa mga ito. Dahil magkasunuran lang sina Cess at Daria sa likuran ni Justine, nadapa sila ng biglang mapahinto si Justine dahil sa sumabit na palda. Nabangga ang ulo ni Cess sa silya at nawalan ng malay. Naiwan ang tatlo habang ang iba ay malayo na sa kanila.
Justine: Ayaw matanggal.
Daria: Cess!
Justine: Bakit anong nangyari?
Daria: Nawalan siya ng malay.Papalapit na ang mga naglalakad na patay sa kanilang kinaroroonan. Ginigising ni Daria si Cess ngunit ayaw nitong magising. Sa sandaling iyon ay kinailangang mamili ni Daria kung sino ang kanyang tutulungan.
Justine: Daria, tulungan mo ako!!!!!!!
Pinili ni Daria na sagipin muna si Justine. Pinunit ni Daria ang palda piraso ng palda na sumabit sa silya.
Daria: Tara, tulungan mo kong buhatin si Cess.
Dahil malapit na malapit na ang mga naglalakad na patay sa kanila, nagkaripas ng takbo si Justine at iniwan ang dalawa.
Daria: Justine!!!!!!
Walang magawa si Daria kundi iwan na lamang si Cess. Umiiyak siyang tumakbo papalayo sa katawan nito na pinagpiyepiyestahan ng mga naglalakad na patay.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
KorkuAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...