Jeremiah: Umalis na kayo. Sabihan niyo yung iba na maghanda.
Grench: Paano ka?
Jeremiah: Magpapaiwan ako.
Jennielyn: Baliw ka ba?
Jeremiah: Ako na bahala rito. Maurick ilayo mo na sila rito.
Bumalik ng classroom sina Maurick, Jennielyn, Grench at Jonelle. Dala ang isang pistol, mag-isang hinarap ni Jeremiah ang nagbabadyang panganib sa labas ng gate.
Bandido 1: Napapaligiran namin kayo.
Jeremiah: Anong kailangan niyo?
Bandido 2: Narito lang naman kami upang bawiin ang ninakaw niyo sa amin.
Jeremiah: Anong ninakaw namin? Wala kaming kinukuha sa inyo. Ni-hindi namin kayo nakilala.
Bandido 3: Ang tinutukoy namin ay ang mga pistol na kinuha niyo sa gun store kanina.
Bandido 4: Di-bale. Wala naman kayong magagawa. Nasa amin ang ilan sa mga kasamahan ninyo.
Binaril ng isang bandido ang paa ni Niño.
Niño: Aaaaaaagh!!!!
Jeremiah: Niño?
Bandido 1: May tatlo pa rito. Kung gusto mong mabuhay pa ang mga kaibigan niyo. Buksan niyo na ang gate. Isa, dalawa, tatlo...
Binuksan ni Jeremiah ang gate sa takot na baka patayin ang mga kaibigan.
Jeremiah: Franz, Jerome, John? Mga buhay kayo.
Binaril ng isang bandido ang ulo ni Jeremiah nang makapasok sila sa loob.
Sa classroom...
Maurick: Inaatake tayo!
Paul: Ha? Kailangan nating maghanda. Kumuha kayo ng pistol. Alfred, ang grupo niyo, pumunta kayo sa Building 2. Jun, sa Building 3, kami at ang grupo ni Pocholo, dito kami sa Building 4.
Binuksan ni Pocholo ang bag kung saan nakalagay ang mga baril.
Pocholo: Bakit ito na lang ang natira?
Ivy: Nawawala rin si Crystal.
Alliana: Ivy, nakita ko to na nakaipit sa zipper ng bag mo.
Isang liham mula kay Crystal ang nakita ni Alliana. Sinasabi nito na kailangan na niyang bumalik sa grupo na pinanggalingan niya. Nakalagay din dito na siya ang kumuha ng iba sa mga baril. Ngunit nag-iwan siya ng sapat na bilang para sa grupo. Binalaan niya rin ang grupo na may dadating na mga bandido mula sa grupo niya.
Pocholo: Traydor pala ang bata na iyon.
Ivy: Hindi. Gusto lang niya mabuhay; tulad natin.
Alfred: Huwag niyo na abalahin ang bata na iyon.
Dala ang kani-kanilang baril, nagsipagpuntahan ang bawat grupo sa kanya-kanyang pwesto. Dumating na ang mga bandido sa gitna ng mga building ng paaralan.
Bandido 1: Lumabas na kayo. Hawak namin ang mga kaibigan ninyo.
Sinilip ni Vince ang mga bandido.
Vince: Bakit nababalutan sila ng mga laman loob ng tao. Hostage nila sina Franz, Jerome, John at Niño!
Ian: Kaya ko silang patumbahin mula rito.
Paul: Huwag muna. Lalapitan ko na lang sila. Kapag may pinatay sila sa atin o kapag pinaputok ko tong baril ko, dun pa lang kayo magpaputok.
Bandido 1: Ayaw niyo talaga?
Bago makalapit si Paul sa mga bandido, biglang lumabas si Crystal mula sa kung saan. Pinigilan ni Pocholo si Paul sa pagbaba.
Crystal: Mga baril naman ang habol niyo di ba? Ayan na.
Bandido 1: Andito ka pala Crystal. Magaling na bata.
Crystal: Umalis na tayo.
Bandido 1: Kung ganun pala ay hindi na natin kailangan ang mga basurang ito.
Crystal: Huwag!!!!!
Isa-isang binaril ng mga bandido ang ulo nina Franz, Jerome, John at Niño. Dahil rito, nagsimulang magpaputok ang mga mag-aaral ng IV-Narra sa mga bandido. Pinangunahan ito ni Ian na matagal ng gustong subukan ang baril na nakuha. Nagpaputok rin ang mga bandido sa kanila.
Ian: Woooh! Giyera na. Narra ubusin natin ang mga ungas na'to.
Nabaril si Ian sa tiyan at natamaan naman si Grench sa dibdib.
Pocholo: Grench!!!!
Ivy: Ian!!!
Dahil sa galit, nagwala si Pocholo at isa-isang pinaputukan ang mga bandido. Natamaan ng bala ang braso ni Pocholo.
Kristel: Pocholo!!!!
Jayson: Diana! Tumulong ka rito.
Diana: I don't know how to shoot a gun.
Habang nagpapalitan ng baril ang dalawang kampo. Nagsidatingan ang napakaraming walker. Pumatay ng isa si Crystal at binalutan niya ang sarili niya ng laman loob nito. Tumakas siya kasama ang ibang mga bandido nang hindi napapansin ng mga naglalakad na patay.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...