Kabanata 3

189 1 0
                                    

Kinuha ng grupo ang lahat ng mga pinggan sa kusina. Kinuha rin nila ang mga baso at iba pang mga bagay na maaaring gumawa ng malakas na ingay. Bago nila ginawa ang plano, nanguha muna sila ng mga bagay na maaari nilang gamitin tulad ng mga flash light at mga battery.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay nina Jonelle, hinagis nina Alfred, James, at Jes ang mga babasaging bagay sa kabilang iskinita. Tulad ng inaasahan ng grupo pumunta roon ang mga naglalakad na patay. Agad na nagsibabaan ang grupo. Tiningnan ni James kung may mga natira malapit sa gate ng bahay.  "Tara na. Wala na sila.," pabulong na sinabi ni James. Lumabas ang grupo sa bahay at nakalayo sa mga ito.

Sweney: Saan na tayo pupunta?

Alfred: Sa palengke.

Sweney: Ngayong gabi?

Alfred: Oo. Para hindi tayo mabilis makita.

James: Hindi ba mas delikado?

Alfred: Basta. Hindi tayo babalik ng walang dalang pagkain at inumin.

James: Mas mabuti siguro kung bumalik na tayo.

Alfred: Magugutom tayo at mauuhaw kung babalik na tayo.

Napagkasunduan ng grupo na ituloy ang pangangalap ng makakain at maiinom. Nagtungo sila sa palengke kahit na alam nila na maaaring maraming mga naglalakad na patay dito.

Pagdating sa palengke, nakakapagtakang walang kahit isang banta ang mistulang pipigil sa kanilang layunin.

Jes: Nice! Walang manggugulo sa'tin.

Hersiel: Oo nga. Tara kumuha na tayo.

Agad na nanguha ng mga pagkain ang grupo. Naghiwa-hiwalay ang grupo upang mapabilis ang pangangalap. Pumasok sina Grachelle, Jonelle, at Judy sa isang grocery store. Pinuno nila ng mga de lata at mga bottled water ang kanilang bag. Napansin ni Grachelle na parang walang kibo si Jonelle.

Grachelle: May problema ba?

Jonelle: ....

Grachelle: Tungkol ba'to sa mga magulang mo?

Jonelle: Namimiss ko na sila. Nasaan na kaya sila? Buhay p-...

Grachelle: Buhay pa sila. Wala lang sila rito.

Jonelle: Kung buhay pa sila bakit hindi nila ako pinuntahan.

Naputol ang usapan ng isang sigaw ang narinig nila sa labas.

Hersiel: Nandito sila! Umalis na tayo!

Isang "zombie" ang bumangon sa ibaba ng counter kung saan nag-uusap ang dalawa. Nahablot nito ang buhok ni Jonelle.

Jonelle: Aaaah!

Grachelle: Jonelle!

Hinihila ni Grachelle si Jonelle ngunit hindi pa rin bumibitaw ang naglalakad na patay. Dumating si Judy at sinaksak ang ulo nito. Agad na umalis ang tatlo sa grocery store. Napapaligiran na ng mga ito ang lugar. "Dito!" sigaw ni Hersiel na nasa malayo kasama ang iba pang mga miyembro ng grupo.

Judy: Tara na!

Grachelle: Nagbibiro ka ba? Ang dami nila!

Jonelle: Anong gagawin natin?

Judy: Sundan niyo na lang ako.

Mabilis na tumakbo ang grupo. Kamalas-malasang nadapa si Grachelle at mabilis na dinumog ng mga "zombie."

Grachelle: Tulong! Aaaaaaaaaaaaaah! Jonelle! Judy!!!!!

Jonelle: Si Grachelle!!!!! Tulungan natin siya.

Judy: D'yos ko po. Grachelle!!!

Pinagpiyestahan ng mga naglalakad na patay si Grachelle. Kinain ng mga ito ang laman loob niya at pinutol ang kanyang mga kamay at paa na para bang manok na pinag-aagawan. Walang nagawa ang dalawa kundi iwan ang kanilang kaibigan. Hindi na sumunod ang mga naglalakad na patay sa kanila.

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon