Kabanata 21

23 0 0
                                    

Nagsipagpuntahan ang mga mag-aaral sa opisina ni Victor. Naroon din ang mga bandido na dumakip at nung kailan lang ay naging banta sa kanilang kaligtasan.

Goyong: Turuan mo ng leksyon yang mga bagong salta mo rito ah.
Kristel: Mga sinungaling. Kayo kaya ang nagsimula ng gulo. Mina-maniac niyo si Ate Diana.
Angelo: Manahimik kang bubwit ka. Malilintikan ka sa'kin.
Victor: Tama na 'yan. Pinatawag ko kayong lahat para sabihin sa inyo na simula ngayon magsasama-sama na kayong magkakamag-aral sa inyong mga tinutuluyan.
Angelo: Ano? Hindi mo sila paparusahan?
Victor: Tama ang pagkakarinig mo.

Lumapit si Angelo kay Victor.

Angelo: Mukhang hindi yata natin naiintindihan ang sitwasyon dito.
Victor: Narinig mo kung ano ang sinabi ko. Iyon ang masusunod.
Angelo: Palalampasin ko ito ngayon.... Boss. Ipapaalala ko lang sa iyo kung ano ang kaya kong gawin.

Lumingon si Angelo kay Ana at muling lumingon kay Victor.

Angelo: Baka mas malala pa ang pwede kong gawin.

Umalis ng opisina sina Angelo at ang iba pang mga bandido.

Victor: Maaari na rin kayong umalis mga bata.

Umalis ang lahat maliban kay Paul.

Paul: Narinig kong nag-uusap ng pag-aalsa ang ilan sa mga tauhan mo.
Victor: Mapagmasid at matalinong bata. Ngunit hindi sapat ang mga katangiang yan para mabuhay sa mundong ito. Kailangan mo rin ng tapang at kakayahan na gumawa ng mga maling bagay.
Paul: Bakit niyo binabanggit ang mga bagay na iyan sa akin?
Victor: Dahil may potensyal ka na maging isang pinuno. Ngunit, para maging isang magaling na pinuno, kailangang katakutan ka ng mga pinamumunuan mo. Yan ang naging pagkukulang ko, kaya di malabong balang araw ay may sasaksak sa akin habang ako'y natutulog. Sinubukan kong mag mukhang matatag tulad ng bato ngunit hindi parin iyon sapat.
Paul: Sa tingin ko hindi mo naman kailangan maging nakakatakot sa paningin ng mga nagtitiwala sa iyo. Dahil sa pagpayag mo sa pabor na hiningi namin, makakaasa kayo na tutulungan namin kayo sa pagpapatalsik sa mga kumakalaban sa inyo.
Victor: Marahil ay tama ka. Ngunit dahil sa ginawa ko, nilagay ko ang buhay naming mag-asawa sa panganib. Kailangan agad nating magsagawa ng hakbang.
Paul: May naiisip po ba kayong plano?
Victor: Lalasunin natin sila.
Paul: Lason?
Victor: Mayroong mga nakatagong lason sa klinika ni Dr. Marquez. Ito lang ang paraan para mawala na sa landas natin ang mga mamamatay tao na iyon.
Paul: Ano po bang maitutulong namin?
Inilahad ni Victor ang mga dapat gawin ng mga mag-aaral para masagawa ang plano.
Victor: Maliwanag ba?
Paul: Makakaasa po kayo na magtatagumpay tayo.
Lumabas na rin ng opisina ni Victor si Paul. Habang pabalik sa mga kamag-aral, sinalubong siya ni Crystal.
Crystal: Ano pang hinihintay ninyo? Bakit hindi pa kayo tumatakas?
Paul: Mayroon ng ibang plano at kasabwat natin ang lider ninyo.
Crystal: Hindi niyo naiintindihan. Dapat umalis na kayo rito. Hindi mo pwedeng pagkatiwalaan ang kahit sino dito sa lugar na ito.
Napaluha si Crystal.
Paul: Bakit ka napaluha?
Crystal: Ang buong grupo nila. Pinatay nila ang pamilya ko. Kami ang may-ari ng lugar na ito. Sinubukan kong lumayo dito dahil kapag nakikita ko sila... bumabalik ang lahat ng nangyari. Kung ayaw niyong umalis dito... Mag-isa akong aalis.
Paul: Crystal sandali...

Tumakbo papalayo si Crystal.

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon