Kabanata 4

171 1 0
                                    

Ang ikalawang grupo ng mga mag-aaral na naatasan para mangalap ng mga kagamitang pang-barikada at medisina ay kinabibilangan nina Alliana, Ian, Nicole, Diana, Kristel, Jayson, Ivy, Grench, Winona, Margarett at Mark. Pinapangunahan ito ni Pocholo. Tulad ng naunang grupo, una silang naghanap ng mga materyales sa mga bahay-bahay. Naghanap na rin sila ng mga makakain at maiinom hanggang sa...

Nicole: Ivy bahay niyo oh.
Mark: Oo nga tingnan natin. Baka nandyan mga kapatid at  magulang mo?

Tumungo lamang si Ivy. Alam niya na may posibilidad na wala na ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

Napagkasunduan ng grupo na pasukin ang bahay ni Ivy. Wala roon ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Sa halip, isang liham ang nakita ni Alliana.

Alliana: Sorry anak kung hindi ka na namin masusundo. Sinubukan namin na pumunta sa school niyo kaso masyado silang marami. May mga sundalo na pumunta rito. Pinapa-evacuate kami sa Camp Aguinaldo. Anak, kung nasaan ka man ngayon, mag-ingat ka at mabuhay. Kapag may pagkakataon babalik kami, pangako yan.
Kristel: Camp Aguinaldo? Saan yun?
Ian: Sa Quezon yun.
Mark: Pano mo nalaman?
Ian: Expertise ko ang mga ganyang bagay. Hahaha.
Mark: Sa taba mong yan.
Ian: Mark, huwag kang magsimula ah.
Mark: Peace. Joke lang. Hahaha.
Grench: Baka nandun mga parents natin. Sabihan natin sina Paul.
Pocholo: Bago yan, kailangan muna nating gawin ang misyon natin. Magahahanap pa tayo ng mga pambarikada at medisina, hindi ba?
Diana: Chilax Pocholo. We have everything under control.

Naputol ang usapan ng may kumalabog sa loob ng kwarto ng bahay ni Ivy.

Warren: You're saying.
Diana: Cut it out Warren. Will someone go to check the room.
Margarett: Jayson. Puntahan mo na.
Jayson: Bakit ako?

Nagtinginan ang lahat kay Jayson. Wala siyang nagawa kundi puntahan ang nasabing kwarto.

Jayson: Kapag may nangyari sa akin. Kasalanan niyo to.
Diana: Don't worry Jayson. We have your back.

Hawak ang piraso ng bakal na kinalas niya mula sa isang upuan, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.

Jayson: Aaaaaaaaaaaaah!

Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon