Matapos ang malagim na sinapit ni Grachelle. Bumalik ang grupo nina Alfred sa kanilang paaralan.
Alfred: Bakit walang bantay?
Jes: Hoy! Nandito na kami.
James: Jes! Yumuko ka muna.
Jes: Ha! Bakit?
James: Aakyatin ko yung gate.Inakyat ni James ang gate at binuksan ito. Pumasok ang grupo sa loob. Nakakatakot ang katahimikan ng lugar. Nagulat na lamang sila na may biglang sumigaw. Mula sa malayo, nakita nila ang mga naglalakad na patay na humahabol kay Justine.
Justine: Aaaaaagh!
Pinagpiyestahan siya ng mga ito. Muli na namang nakakita ng kalupitan ng mndo si Jonelle at biglang naging hysterical.
Jonelle: Nangyayari na naman ang lahat!
Judy: Jonelle kumalma ka muna.Biglang nagsisigaw si Jonelle. Dahil dito, nabaling ang atensyon ng mga naglalakad na patay sa kanila.
Alfred: Judy. Ipasok mo muna si Jonelle sa principal's office harangan niyo yung pinto at mga bintana.
Judy: Sige! Tara na Jonelle.
Sweney: Sasama ako.
Jennielyn: Ako rin.
Alfred: Handa na ba kayo?
James: Ahm. Oo?
Alfred: Maghanda na kayo sa ayaw at sa gusto niyo.Pumunta na sina Judy sa principal's office at hinarangan ang pintuan at mga bintana. Ang mga natira naman ay makikipagsapalaran sa mga naglalakad na patay. Gamit ang mga matutulis na bagay na nakuha nila sa nakaraang pangangalap ng mga kagamitan, pinatay nila ang mga ito.
Hersiel: Tapos na ba lahat? Wala na ba?
Cheramie: Kawawa naman si Justine.
James: Ahm guys.
Erycka: Ano na naman yan James?Nagtinginan ang grupo sa pinakaloob ng campus; napakaraming mga naglalakad na patay ang pagala-gala.
Jes: Niloloko mo ba ako?
Cheramie: Aaaah!Isang muling nabuhay na Justine ang kumagat sa paa ni Cheramie. Agad na sinaksak ni Alfred ang ulo ni Justine.
Cheramie: Diyos ko po!
Dahil sa sigaw ni Cheramie, nabaling ang atensyon ng mga naglalakad na patay sa kanila.
James: Tara! Bumalik tayo sa labas.
Hersiel: Sige!Lumabas ang grupo at nagsisunuran ang lahat ng mga naglalakad na patay.
James: Diyan muna kayo sa loob ng tindahan. Ililigaw ko lang sila.
Hersiel: Seryoso ka?
James: Basta! Diyan na kayo.Nagtago ang grupo sa tindahan malapit sa paaralan. Nagkaripas naman ng takbo si James at nagsisigaw.
James: Hoy! Dito. Dito kayo pumunta.
Nagsisunuran ang mga naglalakad na patay sa kanya.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
TerrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...