Nasa second floor ng mall ang grupo ni Pocholo, nahati ang grupo niya sa dalawa ng magpumilit ang iba na maghanap ng mga bagong kasuotan. Samantala, habang papunta sa gun shop ng mall na nasa first floor ang grupo ni Paul, may natapakan si Adel na lighter.
Adel: Uy! Gumagana pa. Baka magamit natin to mamaya.
Matthew: Mabuti pa ay itago mo muna yan.Nadaanan ng grupo ang lagusan sa likod ng mall. Napakaraming mga naglalakad na patay sa labas. Buti na lamang at nakasarado ang pintuan.
Vince: Nakakapagtaka talaga na wala ni-isang naglalakad na patay sa loob ng mall na ito.
Jeremiah: Ayaw mo nun, edi wala tayong problema.
Paul: Eto na pala tayo.Nahanap ng grupo ang gun shop ngunit kapansin-pansin na unti na lamang ang mga baril at bala rito.
Jayvee: Halatang may nauna na sa atin dito. Puro mahihinang klase ng baril na lang ang natira.
Paul: Marami namang bala. Mas mabuti na ang mga ito. Magagaan lamang at madaling gamitin.
Maurick: Pero may nakapagpaputok na ba sa inyo ng baril?Dumating si Ian mula sa drug store na pinuntahan nina Pocholo.
Ian: Nagpaalam ako kay Pocholo na sumama sa inyo. Mga G17 ba yang hawak ninyo?
Jerome: Ang totoo hindi na'min alam.
Franz: Pero, hindi na importante yun, ang mahalaga ay kung paano ba gamitin ito?
Ian: Ako, alam ko kung paano.Pinakita ni Ian ang tamang paggamit ng baril. Nagpaputok siya ng isang beses at tinamaan ang flower vase.
Niño: Saan mo natutunan yan Ian?
Bago pa ito masagot ni Ian ay mayroong naglalakad na patay na kumakalabog sa harang na salamin kung saan nakasandal si John.
John: Naku po.
Paul: Isarado niyo yung pintuan.Sinarado at hinarangan ng grupo ang pintuan. Mas marami pang mga naglalakad na patay ang dumating, marahil ay narinig ng mga ito ang putok ng baril ni Ian.
Jeremiah: Sobrang dami.
Franz: Teka, san galing yang mga yan.
Vince: May iba pang mga tao rito sa mall. Binuksan nila ang pintuan sa likod ng mall.
Jayvee: Ano ng gagawin natin?Sadyang napakarami ng mga naglalakad na patay ang tumutulak sa pintuan ng gun shop. Nauurong na nito ang lamesa na hinarang nila. Agad na pinigilan ito ng grupo sa pamamagitan ng pagtulak sa lamesa upang masarado ang pintuan.
Paul: Ayun! May air vent. Adel, Matthew. Tingnan niyo kung pwede kayo makalabas gamit yan.
Binukasan ni Adel at Matthew ang air vent. Sapat naman ang laki ng air vent upang makalusot ang dalawa. Bago pumasok ay kumuha sila ng tig-isang pistol. Matagumpay na nakalabas ang dalawa sa gun shop sa pamamagitan ng air vent.
Matthew: Ano pa'no na?
Adel: Papasunurin natin sila sa atin.Bumalik ang dalawa sa gun shop. Kinuha nila ang atensyon ng mga naglalakad na patay sa pamamagitan ng pagsigaw. Agad na nagsilapitan ang mga ito sa dalawa.
Paul: Nagawa nila. Pwede na tayo lumabas.
Tuluyan ng nakalabas ang grupo sa gun shop dala ang mga armas. Samantala, patuloy pa rin na hinahabol ng mga naglalakad na patay ang dalawa hanggang sa ma-corner sila sa isang restaurant. Napapaligiran na sila ng mga naglalakad na patay.
Matthew: Mamatay na tayo! Ayoko pagpiyestahan ng mga yan.
Wala ng paraan upang makatakas. Nakapasok na sa loob ng restaurant ang mga naglalakad na patay. May nakitang tanke ng gas si Adel. Naalala niya ang lighter na napulot niya kanina.
Adel: Kamalas-malasan nga naman ano?
Binuksan ni Adel ang tanke ng gas at tinanggal ang hose nito. Hinayaan niyang kumalat ang gas sa restaurant.
Matthew: Anong ginagawa mo?
Adel: Mas mabuti na siguro ito kesa mapag-piyestahan ng mga yan.Naintindihan ni Matthew ang ibig sabihin ni Adel. Pareho nilang tinanggap ang kanilang kapalaran. Pinasabog ni Adel ang restaurant sa pamamagitan ng pagsindi sa lighter.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
TerrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...