Habang nagbubuhat ang mga kalalakihan ng mga kargamento mula sa supply run ng mga bandido, nahati ang mga kababaihan sa tatlong grupo. Ang unang grupo na kinabibilangan nina Hersiel, Sweney, Jonelle, at Erycka ay naatasan upang tumulong kay Dr. Marquez sa kanyang "klinika." Ang ikalawang grupo naman na kinabibilangan nina Desiree, Daria, Pearl at Jennielyn ay naatasang tumulong kay Chef Mendoza upang maghanda ng pagkain. Ang ikatlong grupo naman na kinabibilangan ni Judy, Diana, Alliana, Kristel, Nichole, at Ivy ay naatasang tumulong kay Aling Maria sa pamimitas ng mga prutas at gulay sa bukid.
Sa "klinika", ginagamot ni Dr. Marquez ang pasa ni Hersiel sa mukha.
Dr. Marquez: Buti na lang at sampal lang ang inabot mo kay Victor.
Erycka: May mas malala pa po ba siyang ginawa?
Dr. Marquez: Na-meet niyo na ba si Ka Lito?
Erycka: Hindi pa po eh.
Dr. Marquez: Siya yung naglilinis ng buong mansyon. Pinutulan siya ng kamay ni Victor matapos siyang mahuling pumupuslit ng armas.Habang nag-uusap ang dalawa, nagpagala-gala naman si Jonelle sa lugar. Tinitingnan niya ang mga libro sa medisina at ang mga kagamitang medikal.
Jonelle: Gusto kong matutong manggamot.
Dr. Marquez: Ganun ba? Pwede ko kayong turuan. Pero siguro hanggang first aid lang muna ang pwede kung ituro sa inyo.Tinuruan ni Dr. Marquez ang tatlong dalaga ng first aid.
Sa kusina, nagluluto ng hapunan sina Desiree, Daria, Pearl, Justine at Ivy.
Chef Mendoza: Wow! Ang gagaling niyo naman magluto. Jennielyn mukhang sanay na sanay ka ah.
Jennielyn: Ako po ang nagluluto sa'min sa bahay.
Chef Mendoza: Ah ganun ba? O siya. Dalhin na natin itong mga niluto natin sa labas.Sa bukid...
Diana: OMG. I hate this. We are here outside, under the heat of the sun. Why do I have to get the most difficult and uncomfortable job.
Nichole: Diana, please stop with the whining. We will just harvest some fruits and vegetables. It's not that hard.Napansin ng mga nakabantay sa kanila ang pagrereklamo ni Diana.
Bandido 4 (Goyong): Anong problema d'yan?
Nichole: Ahm. Wala. Nag-uusap lang po.
Bandido 1 (Angelo): May nag-uusap pa lang nagsisigawan? Oh Miss Ganda. May problema ka ba? Baka pwede kitang matulungan?
Diana: Excuse me. Are you trying to flirt with me you pedophile?
Angelo: Aw. Ingleshera 'to brad. Ka-nosebleed. Halika nga rito.Hinawakan ni Angelo ang kamay ni Diana at aktong gagasahain.
Diana: Let go of me! Help!
Dumating si Alliana na may hawak na piraso ng kahoy at hinampas ito sa likod ni Angelo.
Angelo: Aray! Aray! Goyong tulong.
Hinila ni Goyong si Alliana papunta sa putikan at nilublob ang mukha nito.
Goyong: Lumalaban kang bubwit ka ah.
Diana: Oh my god. Alliana.Dumating si Judy at hinampas niya ng piraso ng kahoy ang batok ni Goyong. Nahilo si Goyong sa pagkakahampas sa batok niya; sandali siyang awalan ng malay at nalublob din ang mukha sa putik. Dahil sa napansing kaguluhan, dumating si Aling Maria para awatin ang dalawang kampo.
Aling Maria: Tama na yan!
Nichole: Sila po ang may kasalanan.
Angelo: Anong kami? Uy tanda. Pagsabihan mo yang mga alaga mo ah. Kundi papatulan ko na ang mga yan.
Diana: Liar. You tried to abuse me you rapist.
Aling Maria: Ginawa mo yun? Malalaman ito lahat ni Victor.
Angelo: Edi magsumbong ka. Wala naman magagawa yun sa'min. Goyong! Tumayo ka diyan.Muling nagkamalay si Goyong.
Goyong: Babalikan ko kayo. Maghanda kayo.
Matapos magbanta ay umalis ang dalawang bantay at bumalik sa kanilang kampo.
Ivy: Okay ka lang ba Alliana.
Alliana: Pweh! Ah... oo, okay lang ako. Ikaw Diana?
Diana: I'm fine, thanks.
Kristel: Tara, dalhin ka na namin sa clinic.
Alliana: Clinic? Huwag na. Maghihilamos na lang muna ako sa banyo; at magpapalit na rin pala.
Diana: Ahm. Wait. I'm coming with you.
Alliana: Ah... Sige.Nagpunta ang dalawa sa banyo. Agad na naghilamos ng mukha si Alliana.
Diana: You're quite of a hero back there.
Alliana: Ah... yun lang ba? Naku maliit na bagay lang yun.
Diana: No, really. Thanks for saving me from that rapist.Malakas na katok ang gumulat sa kanilang dalawa.
Nichole: Papasukin niyo ko!!!
Agad na binuksan ni Alliana ang pintuan.
Nichole: Pasensya na, hindi ko na talaga mapigilan. Sige, dyan na kayo.
Alliana: O sige.Nagtawanan ang dalawa sa nangyari.
Diana: So... See you later...
Alliana: Sige.Habang nasa palikuran...
Nichole: Ay. Isa pa pala. Pinapapunta tayo sa office ng boss nila, mauna na lang kayo. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
Alliana: Sige.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...