Mula sa pagkakatulog, muling nagkamalay si Jun.
Jun: Nasaan ako? Paul? Desiree? Aaaaah!!!!!
Nasa kwartong puno ng mga bangkay si Jun.
Jun: Palabasin niyo ko rito! Tulong! Tulungan niyo ko!
Sa kabilang dako ng kwarto ay may nagbukas na pinto.
Jun: Sino yan? Magpakita ka sa'kin!
Isang tao ang nagpakita sa pintuan ngunit hindi maaninag ang mukha nito. Unti-unting nilapitan ni Jun ang tao upang humingi ng tulong.
Jun: Hindi ka naman tulad nila di'ba? Alam mo ba kung pano makalabas dito?
Maurick: Oh Jun! Buhay pala kayo.
Si Maurick pala ang taong sinusubukang lapitan ni Jun. Nasa mata pa rin nito ang kutsilyong aksidenteng naisaksak ni Jun sa kanya.
Jun: Maurick? Paanong... Patay ka na!
Binunot ni Maurick ang kutsilyo sa mata niya at dahan-dahang lumapit kay Jun. Natumba si Jun sa takot. Napatingin siya sa mga bangkay; dito niya nalaman na ang mga bangkay na kasama niya sa kwarto ay ang kanyang mga kamag-aral. Sa muling paglingon niya kay Maurick ay aktong sasaksakin na nito ang mata niya.
Jun: Wag!!!!!!!
Nagising si Jun sa kanyang masamang panaginip. Siya ang huling miyembro ng grupo na nagkaroon ng malay.
Warren: Jun! Binabangungot ka yata.
Jun: Nasaan tayo? Nasaan yung iba?
Wala na sa siyudad ang mga mag-aaral ng IV-Narra. Dinala ng mga bandido ang grupo sa isang mansyon na napapaligiran ng mga matataas na bakod na gawa sa kahoy. Mayroon itong sariling taniman ng mga gulay at mga punong kahoy na namumunga ng mga matatamis na prutas. Hiniwalay ng mga bandido ang mga babae sa mga lalaki. Kasalukuyan silang nasa dalawang kwarto na puno ng mga lumang kagamitan na nakabalot ng puting tela.
Paul: Kasalanan ko ito.
Alfred: Huwag mo na nga sisihin ang sarili mo.
James: Sino ba ang nakapagpanatili sa ating buhay sa loob ng paaralan natin sa loob ng limang buwan. Para sa isang hamak na 4th year student, napakalaking responsibilidad ang nakaya mong dalhin sa mahabang panahon.
Paul: Hindi lahat naligtas ko sa mga oras na iyon. Dahil sa akin namatay si Gordon. Kung hindi ko sana siya pinayagan na lumabas ng paaralan, malamang ay buhay pa dapat siya ngayon.
Jes: Pero siya naman ang nagpupumilit na umuwi sa kanila kahit marami ng mga walker sa labas.
Vince: Ito na lang ang tandaan mo Paul. Lahat ng mga desisyon na ginagawa natin sa buhay ay nakakaapekto sa ating kinabukasan. Maaaring ito ay maging sanhi ng ating kamatayan ngunit maaari rin namang maghatid sa atin sa mas maayos na kalagayan. Gumawa ng sariling desisyon si Gordon at ang resulta nito ay ang kanyang kamatayan. Ang sinasabi ko lang dito ay hindi mo hawak ang aming buhay. Nasa amin pa rin kung kami ay mamamatay o mabubuhay.
Paul: Siguro nga.
Jayson: May paparating.
Isang babae ang pumasok sa silid kung nasaan sina Paul.
Ana: Ahm. Ako nga pala si Ana. Alam ko na mahirap para sa atin lahat ang matiwala sa isa't -isa. Ngunit narito ako upang mag-alok sa inyo ng isang magandang bagay. Maaari kayong magtrabaho para sa amin kapalit ng lahat ng mga inyong pangangailangan.
Paul: Ano naman ang mangyayari kung sakaling hindi namin tanggapin ang alok niyo.
Ana: Maaari kayong gawing pain para makahuli kami ng mga naglalakad na patay papasok sa mga truck. Ginagamit namin ang mga ito sa pag-atake ng iba pang mga grupo.
Paul: Sinasabi niyo ba na kayo ang may dala ng mga 'yon papasok sa aming paaralan?
Ana: Tama ka. Makinig kayo sa akin. Kailangan ninyong tanggapin ang alok na ito. Sa dami ng mga pinatay niyo na kasamahan namin, himala na ang pagpayag ng lider namin na magtrabaho kayo para sa amin. Kailangan namin ng mga tao para maglinis ng lugar, mamitas ng mga gulay at prutas sa mga taniman...
Paul: Payag na kami.
Ana: Ganun ba? Akala ko ay magiging mahirap ito para sa akin pero nagagalak ako na tinatanggap ninyo ang alok namin. Bibigyan ko na lamang kayo ng isang babala. Huwag na huwag niyong subukang tumakas. Laging may magbabantay sa lahat ng mga gagawin niyo sa labas ng kuwarto niyo. Alam naman natin kung anong mangyayari kung sakaling gawin ninyo yun.
Lumabas ang babae sa silid. Sunod na pumasok ang isang batang babae na may dalang hapunan, si Crystal. Marami itong pasa sa kamay at binti.
Warren: Si Crystal.
Jayson: Anong ginawa nila sa'yo?
Hindi nagsalita si Crystal. Iniwan lamang niya ang mga pagkain para sa grupo bago lumabas. Nagtaka ang grupo sa mga kinikilos ni Crystal. Ngunit dahil sa gutom, minabuti nilang ipagpaliban ito at kumain muna. Nang nakakuha na ang lahat maliban kay Paul ng kanilang rasyon ng pagkain, isang liham ang nakita ni Paul sa ilalim ng mga prutas na nakapatong sa tray.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...