Pumunta sina Hersiel, Pearl, Desiree, Jun, at Daria sa principal's office upang sumaklolo.
Jun: Buksan niyo ang pinto!
Daria: Jonelle, anong nangyayari?!!!
Hersiel: Sumagot naman kayo!
Binuksan ni Judy ang pinto. Isang kalunos-lunos na bagay ang nakita nila sa loob. Nababalot ng dugo si Judy at Jennielyn at wala ng buhay si Cheramie.
Desiree: Diyos ko po!!!!!!!
Pearl: Bakit kailangan mangyari ito sa atin?
Dahil parehong walang kibo sina Judy at Jennielyn, si Sweney ang naglakas-loob na magkwento ng nangyari.
Sweney: Bago kami pumasok, nakagat ni Justine ang paa ni Cheramie. Naiwan kami dito nina ate Jennielyn para magbantay kina Jonelle at Che. Tapos bigla na lang inatake ni Che si ate Jen.
Hersiel: Ibig sabihin, pwede tayong mahawa ng sakit kapag nakagat tayo?
Jun: Mukhang ganoon na nga.
Daria: Kailangan nating sabihan ang iba tungkol dito.
Nagbalik ang grupo ni Paul at Pocholo.
Pocholo: Nandito na ulit kami!!!!!!
Tumakbo si Hersiel, Pearl at Desiree papunta sa gate at binuksan ito.
Hersiel: James!!! Ligtas ka!!!
James: Oo nga eh. At hindi ko na ulit gagawin yun.
Pearl: Buti naman at ligtas na kayo.
Paul: Anong nangyari dito? Nasaan ang iba?
Dahil napupuno ng mga patay na walker ang lugar, nalaman ng dalawang grupo na maging sila ay nagkaroon din ng katakot-takot na karanasan. Pumasok na lamang sila sa loob upang maipagpatuloy ang kanilang talakayan.
Sa school clinic...
Alainne: Mukhang hanggang dito na lang ata ako.
Paula: Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.
Alainne: Sorry. Ang tanga ko kasi eh... akala ko mas magiging maayos ang lahat kung... nagkamali ako. Gusto ko pang mabuhay.
Napaluha si Alainne at nag-alay ng kanta sa huling pagkakataon. Hanggang sa napapikit ang kanyang mga mata at paunti-unting humihina ang kanyang magandang boses. Tuluyang binawian na ng buhay si Alainne. Maraming dugo ang nawala sa kanya dahil sa kanyang pagpapakamatay. Nagsi-iyakan ang lahat ng nakakita sa pag-aagaw buhay ng kanilang kaibigan.
Dumating ang iba pang mga mag-aaral ng IV-Narra. Nadatnan nila ang nakakalungkot na sinapit ni Alainne.
Paul: Kasalanan ko ito. Hindi dapat tayo naghiwa-hiwalay.
Alfred: Walang may kasalanan. Kung hindi tayo lalabas, mamatay tayo rito sa gutom.
Tinakpan ni Pearl ang bangkay ni Alainne ng kumot. Pinangunahan naman ni Paul ang pag-aalay ng dasal para sa mga namatay nilang mga kaibigan. Napansin ni Pearl ang pagkahulog ng kumot na itinabon niya kay Alainne. Hanggang sa...
Pearl: Lumayo ka sa'kin. Tulong!!!
Natulak ni Pearl papalayo ang nagbagong anyong si Alainne. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita.
Walang nais tumapos kay Alainne, hanggang sa naglakas-loob si Judy na gawin ito. Kumuha siya ng crowbar at itinusok niya ito sa noo ng kanyang kamag-aral.
Alfred: Judy, okay ka lang?
Judy: ....
Bigla na lamang umalis si Judy at pumunta sa school garden.
Hersiel: Hindi naman siya nakagat di ba? Paano siya naging walker?
Jes: Ha? Pwede tayong maging walker kapag nakagat?
Jun: Oo, pero iba ang kaso ni Alainne.
Vince: Isa lang ang ibig sabihin nito. Magiging walker ka kapag wala ka nang buhay.
Sa school garden, inuukit ni Judy ang mga pangalan ng mga namatay nilang kamag-aral sa isang Narra, ang puno kung saan hinango ang pangalan ng kanilang pangkat. Humiga si Judy sa ilalim nito at tumingin sa langit.
Judy: Kung nasaan man kayo ngayon, sana'y namumuhay na kayo ng payapa.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...