Nalaman ng mga mag-aaral na tumutugon ang mga naglalakad na patay sa ingay. Nalaman din nila na ang tanging paraan upang mapatay ang mga ito ay sa pamamagitan ng pagwasak sa utak.
Erycka: Muntikan na ko ah!
Sweney: Baliw ka, muntikan ka na maging tulad nila.
Nagtungo na ang mga grupo sa kani-kanilang mga lugar. Ang grupo para sa pangangalap ng pagkain at inumin ay kinabibilangan nina Erycka, Sweney, Judy, Jes, Grachelle, Jonelle, James, Hersiel, Jennielyn at Cheramie. Pinapangunahan ito ni Alfred. Una silang nagtungo sa mga bahay-bahay at nakakuha sila ng iilang mga de lata, bote ng tubig at mga sandata tulad ng martilyo, kutsilyo at itak.
Jonelle: Kamusta na kaya mga magulang natin?
Hersiel: Di ba malapit lang bahay mo rito? Bakit di natin puntahan?
Jonelle: Pwede kaya?
Hersiel: Narra! Punta raw tayo sa bahay ni Jonelle.
Nagsilabasan ang mga naglalakad na patay sa isang iskinita dahil sa pagsigaw ni Hersiel.
James: Naku! Lagot.
Sinubukan nilang labanan ang mga ito ngunit masyado silang marami. Mabilis na tumakbo ang grupo papunta sa bahay ni Jonelle.
Pagdating sa bahay ni Jonelle, nakakapagtakang sira ang kandado ng gate. Agad na pumasok ang grupo sa loob. Ni-lock at hinarangan nina Alfred, James at Jes ng sofa ang pintuan habang sinisiguro ng iba na walang mga "zombie" sa loob. Walang mga "zombie" sa bahay, ngunit wala rin ang mga magulang at kamag-anak ni Jonelle. Bukod pa rito, wala nang bagay na maaari nilang pakinabangan tulad ng pagkain at inumin.
Jes: Naunahan na tayo rito. Ni-isang butil ng bigas walang tinira.
Gabi na, hindi pa rin umaalis ang mga naglalakad na patay sa labas ng bahay nina Jonelle.
Alfred: Ahm. Kamusta yung mga nakuha ninyo?
Kakaunti lamang ang nakuha nilang pagkain at inumin; sapat lamang para sa kanilang pangkonsumo sa araw na iyon. Napagkasunduan ng grupo na maghahati sila sa kalahati ng kabuuan ng nakuha nilang mga pagkain at inumin.
Alfred: Bukas na natin gagamitin yung iba kung sakaling nandyan pa rin sila.,
Nagpalipas ng oras ang grupo sa pakikipagkwentuhan.
Jennielyn: Ano bang itatawag natin sa mga zombie? Kasi di'ba kapag zombie nakakasawa na. Gamit na gamit na sa mga movies.
Grachelle: Speaking of movies, para tayong nasa zombie movie sa totoong buhay ano?
Judy: Walker nalang ang itawag natin sa kanila.
Grachelle: Para walking dead? Sus Judy, hanggang ngayon walker ka pa rin.
Judy: Huwag ka ngang KJ, ganitong nagugutom pa ako.
Naudlot ang pag-uusap nang may nabasag na vase sa sala. Agad na nagpuntahan ang lahat sa lugar ng pinanggalingan ng ingay. Dito nila nakita si Hersiel na may hawak na bote ng tubig. Malakas na kalabugan sa gate ang sunod na narinig.
Cheramie: May usapan di'ba?
Hersiel: Sorry! Uhaw na uhaw na talaga ako eh!
Sweney: Pano na yan! Di na tayo makakalabas, alam na nila na nandito tayo.
Jes: Shhh! Huwag kayo maingay. May naisip ako.
James: Ano yun Jes?
Jes: Kunin niyo yung mga pinggan. Gagamitin natin yung mga pang-gulo.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
TerrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...