Muling nagsama-sama ang mga mag-aaral sa kanilang bagong tinutuluyan.
Alfred: Buti na lang at pumanig sa atin yung boss nila.
James: Oo nga eh. Ano kaya nakain nun?Pumasok si Paul sa silid.
Alfred: Paul... Bakit nahuli ka ata?
Paul: Kinausap ako ni Victor... at ni Crystal.
Alfred: Ano raw sabi nila?
Paul: Hihingi raw siya ng tulong para maalis na sa landas niya yung mga bandidong sumugod sa atin.
James: Ano raw gagawin?
Paul: Lalasunin natin sila.
James: Lalasunin? ... Papatayin natin sila? Grabe... Mga bata lang tayo Paul.
Paul: Kaya hihingin ko ang opinyon ninyong lahat tungkol dito. Lalasunin ba natin sila o susundin natin si Crystal?
Alfred: Ano bang sinabi sa'yo ng batang yun?
Paul: Tumakas na daw tayo rito gamit yung susi ng truck. Hindi daw sila mapagkakatiwalaang lahat.
Alfred: So, anong gagawin natin?Naputol ang usapan nang may biglang kumatok sa pintuan. Pinuntahan ni Erycka ang pinto at binuksan ang tao sa labas.
Erycka: Ano pong kailangan niyo?
Martin: Kailangan namin nang apat na sasama sa supply run.Nag-usap usap ang grupo at napagkasunduan na sina Jayson, Warren, Jun at Erycka ang sasama.
Erycka: Kami po ang sasama.
Jennielyn: Mag-ingat kayo ah.
Martin: Sumunod kayo sa'kin.Lumabas nga ang apat para sumama sa supply run. Ipinagpatuloy naman nina Paul ang usapan at sa pagkakataong ito ay kinausap na niya ang lahat tungkol sa alok ni Victor.
Alfred: Narra! Makininig kayo kay Paul.
Vincent: May problema ba?Nilahad ni Paul ang naging pag-uusap nila nina Victor at Crystal.
Paul: Ano sa tingin niyo?
Jes: Sa tingin ko dapat makipagtulungan nga tayo kina Victor. Sayang naman kung aalis pa tayo rito eh nandito na lahat.
Victor: May punto ka ah. Pero pano kung totoo ang sinasabi ni Crystal? Pano kung hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga taong yun?
Alfred: Sa tingin ko makipagkasundo na lang muna tayo kay Victor tapos back-up plan natin ang pagtakas gamit ang truck.
Paul: Maganda yang naisip mo Alfred ah. Sang-ayon ba kayong lahat sa sinabi niya?
Pearl: Okay lang sa akin. Kayo ba?
Desiree: Teka, papatay tayo? Malaking kasalanan yun sa diyos.
Judy: Tayo ang papatay o tayo ang mamatay? Ganito na ang mundo ngayon. Wala na tayong ibang pagpipilian.Sa huli, sumang-ayon ang lahat sa mungkahi ni Alfred.
Nagtungo si Paul sa opisina ni Victor.
Paul: Pwede ba kita makausap?
Victor: Oo naman. Maupa ka.
Paul: Nagkausap-usap na kami tungkol sa plano niyo.
Victor: Anong napagdesisyunan ninyo?
Paul: Payag na po kami.
Victor: Magaling. Bale nasa supply run sina Martin at Ramon. Naiwan naman dito sina Goyong at Angelo. Mas madali natin silang mapapatumba kung isasagawa natin ang plano ngayon.
Paul: Ang ibig niyo po bang sabihin ay lalasunin na po natin sina Goyong at Angelo?
Victor: Ganoon na nga.
Paul: Teka, parang medyo mabilis po ata ang mga pangyayari. Sigurado po ba kayo na kailangan na po natin gawin ngayon?
Victor: Ngayon ang pinakamagandang pagkakataon para madaling mawala sa landas natin ang mga halimaw na iyon.Nakumbinse ni Victor si Paul. Nilahad ni Victor ang lahat ng mga dapat gawin ng mga mag-aaral sa planong paglalason sa dalawang bandido. Agad na bumalik si Paul sa kanilang tinutuluyan para ipaalam ang napag-usapan nila ni Victor sa grupo.
Paul: Handa na ba kayo? Sa oras na makaalis na yung mga magsu-supply run, kailangan na nating maisagawa ang plano.
Desiree: Ahm. Ewan ko... Malaking kasalanan sa diyos ang gagawin natin.
Diana: Those f*ckers tried to rape me Des.
Desiree: Hindi ko talaga alam.
Daria: Huwag ka mag-alala ate Des. Kami na lang ang magsasagawa ng plano. Maiwan ka na lamang dito sa kwarto.Tumahimik na lamang si Desiree.
Paul: May iba pa pang tumutol sa plano.
Paul: Kung wala na. Maghanda na kayo.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...