Hersiel: Wala na ba sila?
Cheramie: Si James. Pano si James?
Alfred: Babalik siya. Masyado siyang madiskarte para makain ng mga iyon.
Jes: Teka. Titingnan ko muna.
Sinilip ni Jes ang labas ng tindahan.
Jes: Unti na lang sa labas.
Erycka: Tara! Tapusin na natin 'to nang makapasok na tayo.
Pinatay ng grupo ang mga naiwang naglalakad na patay at muling nakapasok sa paaralan. Binalikan nila sina Jonelle sa principal's office.
Alfred; Okay ka na ba?
Jonelle: ..........
Judy: Kanina pa siya ganyan, kahit nung papunta pa lang tayo rito.
Alfred: Sige, bantayan ninyo muna siya.
Sweney: Oo, kami na bahala ni ate Jen at Judy
Alfred: Cheramie, dito ka muna.
Biglang hinimatay si Cheramie.
Jennielyn: Nawalan lang siya ng malay. Kami na ang bahala dito sa dalawa.
Lumabas ang grupo maliban kina Jennielyn, Judy, Sweney, Jonelle at Cheramie. Muli nilang hinarangan ang pintuan ng principal's office.
Alfred: Mag-ingat kayo. Susuyurin natin lahat ng kwarto.
Sinilip ng grupo ang bawat silid ng paaralan. Sa may CR ng mga babae, tatlong naglalakad na patay ang gustong pumasok sa loob.
Erycka: Ako na bahala sa isa.
Hersiel: Akin yung isa.
Jes: Edi, sa kin yung isa.
Matapos mapatay ang mga ito. Agad nilang binuksan ang pintuan ng CR.
Hersiel: Bakit basag yung salamin?
Erycka: Uy tingnan niyo to. Andaming dugo rito.
Sinundan nila ang mga patak ng dugo at nagulat sa kanilang nakita.
Erycka: Alainne! Anong ginawa mo?
Isang namumutlang Alainne ang kanilang nakita. Binalak nitong magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas gamit ang piraso ng binasag niyang salamin.
Jes: Tara ilabas na natin siya rito.
Sama-samang binuhat ng grupo ang nag-aagaw buhay na si Alainne. Sa labas ay nakasalubong nila ang iba pang mga nakaligtas na mag-aaral ng IV-Narra. Dinala nila si Alainne sa school clinic.
Sa principal's office, payapang nagkwekwentuhan ang mga naiwan para magbantay kina Jonelle at Cheramie.
Jennielyn: Sarap ng buhay natin dito ano? Pa-chill chill lang habang sila nakikipagpatayan sa labas.
Sweney: Baliw ka talaga ate Jen. Mamaya tayo na lang natira rito.
Jennielyn: Uy, huwag ka namang ganyan.
Biglang gumalaw si Cheramie.
Jennielyn: Okay na ata si Cheramie. Uy Che... Aaaaaaaaaaah!
Inatake ni Cheramie si Jennielyn ngunit agad na sinaksak ni Judy ang nagbagong anyo nilang kaibigan sa ulo. Muli na namang nagsisigaw si Jonelle.
Jonelle: Aaaaaaaaaaah! Ayoko rito! Ilayo niyo ko rito!
Sweney: Jonelle! Huwag kang maingay baka marinig nila tayo.
Narinig ng kabilang grupo ang sigaw ni Jonelle at agad na kumaripas ng takbo ang ilan sa kanila upang pumunta sa principal's office.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorreurAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...