Kabanata 14

79 0 0
                                    

Matapos ang malagim na sinapit ng buong grupo, oras na upang linisin ang paaralan. Inilibing nila ang mga kasamahan na namatay sa pag-atake ng mga naglalakad na patay. Isa-isa naman nilang inilabas ang mga bangkay na nakakalat sa lugar.

Paul: Muntikan ko na makalimutan ang lugar na'to.

Pocholo: Oo nga eh! Sa dami ba naman ng pinagdaanan natin.

Sa libingan ng mga namatay na mag-aaral ng IV-Narra, nag-alay ng awit ng pamamaalam si Warren. Si Judy naman ay nasa ilalim parin ng Narra sa school garden. Napansin siya ni Alfred at minabuting lapitan ito.

Alfred: Uy. Kailan ka pa naging suplada?

Judy: Ha? Pano ako naging suplado?

Alfred: Bigla ka na lang umalis pagkatapos mo...

Judy: Ah, yun ba? Kailangan ko lang mapag-isa.

Alfred: May problema ba?

Judy: Si Cheramie... si Alainne... ako mismo ang pumatay sa kanila. Dapat nalulungkot ako ngayon. Pero hindi yun ang nararamdaman ko. Nagiging manhid na ata ako Alfred. Okay lang sa akin ang pumatay ng tao.

Alfred: Naiintindihan kita. Pero hindi na sila tao, mga tulad na sila ng mga nasa labas.

Sumapit na ang gabi, nagtipon-tipon ang lahat sa classroom ng IV-Narra. Sinindihan nila ang lampshade na nakuha nila sa pangangalap ng mga supplies. Kumain sila ng hapunan at masayang nagkwentuhan.

Jes: Oh James, nakaligtas ka pala.

James: Baliw, muntikan na ako mamatay. Pasalamat kayo sa akin at nailayo ko yung mga halimaw na iyon.

Erycka: Salamat James XD

James: Di ko na talaga gagawin ulit yun.

Sweney: Kamusta naman ang lakad niyo Pocholo. At sino naman itong cute na bata na kasama niyo?

Diana: I will totally not gonna go there anymore. It's insane.

Pocholo: At si Crystal pala yung kasama naming bata.

Nicole: Oo nga pala nag-shopping kami ng mga bagong damit. Try niyo kung may kakasya sa sinyo.

Dinumog ng lahat ang mga damit liban kay Jonelle na nagmumukmok sa sulok.

Jennielyn: Okay ka na ba? Di mo pa ginagalaw ang pagkain mo ah.

Jonelle: Ahm. Magsi-CR lang ako.

Jennielyn: Ganun ba? Sige.

Lumabas si Jonelle ng classroom. Nagbabantay sina Maurick, Jayvee at Jeremiah sa gate ng mapansin nila si Jonelle na may hawak na lubid.

Maurick: Anong gagawin ni Jonelle sa lubid?

Jeremiah: Mukhang masama ito ah. Jayvee dito ka muna.

Sinundan nina Jeremiah at Maurick si Jonelle na pumasok sa library. Sa classroom ng IV-Narra...

Jennielyn: Ang tagal naman mag-CR ni Jonelle.

Grench: Mabuti pang sundan na natin, baka ano pang gawin nun.

Sinundan ni Jennielyn at Grench si Jonelle. Nakasabayan nila si Maurick at Jeremiah na nagmamadali sa pagtakbo.

Jennielyn: Teka, anong nangyayari?

Jeremiah: May hawak na lubid si Jonelle.

Grench: Ha!!!!! Tara baka magpakamatay rin iyon.

Nagkaripas sila sa pagtakbo papuntang library. Naka-lock ang pinto.

Jennielyn: Jonelle!!!!!! Buksan mo to. Lumabas ka dyan.

Jonelle: Huwag kayo mag-alala, unting sandali na lang at matatapos na ang lahat ng ito.

Gawa sa salamin ang bintana ng library. Binasag ito ni Maurick gamit ang bakal na tubo na ginagamit niya sa pagpatay ng mga walker. Inabot naman ni Jeremiah ang door knob upang mabuksan ang pinto. Nang mabuksan na nila ang pinto, aktong kakatalon pa lang ni Jonelle sa lamesa upang magbigti.

Jennielyn: Jonelle!

Agad na binuhat pataas ni Jeremiah si Jonelle at pinutol ni Maurick ang lubid. Tinanggal naman ni Jennielyn sa pagkakatali ang lubid sa leeg ng naghihingalong kaibigan.

Jonelle: Sorry. Sorry.

Jennielyn: Okay lang. Ang mahalaga ligtas ka na.

Bago pa magpatuloy sa pag-uusap ang dalawa. Isang putok ng baril ang narinig nila sa labas.

Grench: Ano yun?

Jeremiah: Tara tingnan natin.

Lumabas ang lima sa library. Nang tumingin sila sa gate. Nakita nila ang walang buhay na si Jayvee.

Maurick: Inaatake tayo!!!!


Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na PatayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon