Hersiel: So, eto na. Dito na lang tayo?
Jes: Teka, nag-iisip pa kami.
Sweney: Jonelle okay ka na ba?
Jonelle: Okay na ako.
Lumapit si Jonelle sa bintana at pinagmasdan ang mga naglalakad na patay sa labas. Nilapitan siya nina Sweney at Jennielyn.
Jonelle: Nakakapanibago.
Jennielyn: Bakit naman?
Jonelle: Natatakot ba kayo sa kanila?
Sweney: Oo naman.
Jennielyn: Siyempre. Ikaw?
Jonelle: Dati. Pero ngayon kapag tinitingnan ko sila, naaawa ako. Hindi ba sila mukhang malungkot sa inyo?
Sweney: Ahm. Jonelle mabuti pang umupo na lang tayo sa gilid. Delikadong lumapit tayo sa salamin.
Jonelle: Ano kayang pakiramdam ng maging katulad nila? Napakalungkot siguro nun.
Narinig ni Alfred ang pag-uusap ng tatlo.
Alfred: Maging katulad ng mga walker? Tama!
James: May naisip ka na?
Alfred: Napansin niyo ba yung mga sumugod sa atin kanina? Para silang mga walker di ba?
Erycka: So ano naman ngayun?
Alfred: Gagayahin natin sila.
James: Napansin ko ngang hindi sila inaatake ng mga walker nung tumatakas na sila.
Judy: Jes! Tulungan mo ako rito.
Jes: Anong gagawin ko?
Judy: Hawakan mo yung pintuan. Magpapapasok ako ng dalawang walker.
Jes: Ha? Bakit?
Binuksan ni Judy ang pintuan at pumatay ng dalawang walker.
Judy: Hilahin niyo yung dalawa!
Hinila ni Alfred at Erycka papasok ang mga namatay na walker. Patuloy naman sa pagsaksak sa ulo si Judy nang mga naglalakad na patay na gustong pumasok sa loob.
Judy: Jes! Isara mo na!
Sinira ni Jes ang pintuan. Pinuntahan naman ni Judy ang dalawang patay na walker. Binuksan niya ang dibdib at tiyan ng mga ito. Pinahiran niya ang sarili niya ng dugo at nagbalot ng laman-loob sa kanyang katawan.
Judy: Ganito ba ang sinasabi niyo?
Alfred: Ang astig Judy ah.
Lumapit si Jonelle at naglagay din tulad ng kay Judy.
Jes: Si Jonelle ba ang nakikita ko? Kala ko magwawala naman siya eh.
Ang iba pang miyembro ay ganun din ang ginawa. Matapos nilang magbalot ng laman-loob sa sarili, naghanda na ang lahat sa paglabas. Binuksan ni Judy ang pintuan at nagsipasukan ang mga naglalakad na patay sa loob. Tulad ng inaasahan, hindi sila napapansin ng mga ito. Tuluyan nang umalis ang grupo sa building. Pagdating sa labas, nakarinig sila ng tatlong putok ng baril sa building kung saan nakapwesto ang grupo nina Paul. Lumingon si Alfred sa grupo at nagsenyas na pupuntahan nila ang building. Nang lumingon siya pabalik sa building, nabangga niya si Paul. Pabulong silang nag-usap.
Paul: Alfred? Buti at nandito na pala kayo.
Alfred: May nagpaputok sa building niyo.
Paul: Para kay Pocholo, Grench at Ian ang mga iyun. Saka na tayo mag-usap; umalis na tayo rito.
Tuluyan nang nakalabas ang lahat ng mga mag-aaral ng IV-Narra na natira sa pag-atake. Ngunit, hindi pa natatapos ang kanilang problema. Nakaabang sa labas ang mga bandido na pumatay sa kanilang mga kaibigan.
Paul: Nasaan ang iba naming mga kasama?!
Bandido 1: Isuko niyo ang mga armas niyo! Huwag kayong mag-alala. Nasa maayos silang kalagayan.
Dahil wala silang magawa, sinunod na lamang nila ang inutos ng bandido. Kinuha ng ibang mga bandido ang kanilang mga armas at isa-isa silang pinatulog at pinosasan.
BINABASA MO ANG
Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay
HorrorAng Narra: Sa Mundo ng Mga Naglalakad na Patay ay hinango sa sikat na palabas na The Walking Dead at mayroon ding mga ideya na hinango sa comic series at video game nito. Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran ng mga mag-aaral ng IV-Narra upan...