Chapter 3 : Captain Crush
Matapos ang araw na puro lecture ay sabay kami ni Liya na lumabas sa huling silid na pinangyarihan ng discussion. Habang lumilipat ng rooms para sa iba't-ibang subject courses ay saka ko lang nalaman na halos magkapareho kami ni Bianca ng sched. Maliban na lang sa ilang GED subjects.
Habang palabas na sa building ay agad kong nakita si Doll na nakatayo katabi ng sasakyan namin na tila ba bagot na bagot na. Binilisan ko nang konti ang lakad ko at agaran namang sumunod si Bianca sa akin. Agad namang lumiwanag ang mukha ni Doll nang makita akong papalapit sa kaniya.
"Finally! I've been here for centuries, my gosh!" Napairap ako sa kaartehan niya. Paano ba naman kasi, napaka-dramatic. Bukod sa exaggerated na pagkakasabi, talagang nilagay niya pa ang likod ng palad niya sa kaniyang noo at umaaktong matutumba.
Sasagot sana ako nang bigla itong umayos at tumingin sa likuran ko kaya naman sinundan ko ang line of vision niya. "Oh, sino ka? Hi!" saad nito kay Liya na nasa likuran ko pa pala at nagmamasid lang sa amin.
Agad ko namang hinila si Liya palapit sa akin at hinarap ito kay Doll. "Doll, meet Liya, kaklase ko sa iilang courses. Liya, meet Doll, pinsan slash bestfriend ko." Agad namang naglahad ng kamay si Liya at ngiting-ngiti naman si Doll na tinanggap ito.
"Nice to meet you! Nako, alagaan mo nang mabuti ang pinsan ko. Tanga pa naman 'yan sa klase minsan." Paninira nito sa akin. Agad ko siyang tiningnan ng masama, pero ang bruha ay iniiwasan ang tingin ko at naka-focus lang talaga siya kay Liya na ngayon ay tumatawa sa sinabi ng pinsan ko.
"Huwag kang mag-alala, Doll. Ako bahala sa pinsan mo, magtiwala ka, hindi kami babagsak." Tumatawa pa rin ito habang nagsasalita. Sinundan naman ito ng tawa ni Doll na tila ba wala nang bukas.
"Hoy! Excuse me, Doran Llena, fyi lang, hindi ako tanga sa klase. Top 2 ako no'ng shs!" Inis na depensa ko sa sarili. Tiningnan ako ni Doll na may halong pang-aasar at pinipigilan ang tawa.
"Oo, top 2 kasi 'di mo matalo si Ashton! Inis na inis ka nga 'di ba? Sabi mo pa 'ang tanga ko, namali computation ko sa basic calculus maliit tuloy score ko sa exam.' Ayan mismo sinabi mo. Dahil sa katanghan mo doon kaya ka mas lalong nalamangan ni Ashton kahit 0.2 lang sana difference niyo," saad nito na may halong pandedemonyo.
"Uy, legit ba 'yan?" Pakikitsismis din ni Liya. Pinandilatan ko sila ng mga mata bago padabog na naglakad papunta sa harap ng sasakyan at binuksan ang passenger seat upang umupo doon ng panandalian. Iniwan ko itong nakabukas kaya rinig na rinig ko pa rin ang tsismisan ng dalawa.
"Oo, parang sira 'yan, tumawag sa akin sa video call kasi i-a-announce na raw top nila at gusto niya magyabang sa akin. Grabeng kislap ng mata niya nong binanggit ng teacher na top 1 is si Ash daw. 'Yon lang, imbes na ash-ling, ash-ton ang sinabi kaya ayan inend agad call namin na hindi nagpapaalam."
Umiling ako sa kadaldalan ng sariling pinsan. Hindi naman ako galit na kini-kwento niya 'yon sa iba. Also, she has my permission to tell it to everyone. Doll is considerate when it comes to me, kaya naman no'ng huli naming napag-usapan ang insidenteng iyon, imbes na masaktan ay natawa nalang ako sa sarilling gagawan. I mean, it's my immature phase, so it's not a big deal if shared with the public. At least I grew from that phase, that is what's important. Naaasar lang ako sa mukha ni Doll kanina habang nagpapa-cute sa akin na para bang nang-aalaska. Pero wala e, ganiyan talaga siya, mahilig mang-asar, pikunin naman.
Humilig ako sa upuan habang tinitingnan ang kaunting reflection ni Doll at Liya na nahagip ng rear view mirror. Bored ko silang pinapanood habang nagtsi-tsismisan patungkol sa ibang topic nang may makita akong anghel na dumaan. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagbangon ko at pagbaba mula sa passenger seat. Gulat na napatingin ang dalawa sa akin habang ang mga mata ko ay busy kakahanap sa nakita ko kanina.
Nang matagpuan siya ng aking mga mata ay walang pagda-dalawang isip ko itong sinundan ng tingin. I only saw a glimpse of his whole face kanina sa car mirror and now only his side profile is greatly emphasised. Nevertheless, hindi pa rin nito natatanggal ang kapogian na taglay niya. His ethereal looks effortlessly took my breath away.
Nakita ko siyang lumapit sa mga kaparehas niya ng uniform. Pare-parehas silang nakasuot ng pang-piloto na damit. Though I'm not exactly sure kung flying na ba siya o nag-aaral pa rin ng bachelor's. Pero kahit na ganoon, hindi pa rin maproseso sa akin ang taglay niyang charisma.
Ngayon ay nakita ko siyang tumatawa kasama ang mga kaibigan niya yata bago sila nagsipasok sa isang itim na van. Nawala na siya sa paningin ko nang tuluyan ng umalis ang van na sinakyan nila ngunit nanatiling nakatatak sa isipan ko ang hitsura niya.
That angled jaw na lalong nadepina no'ng tumawa siya, kasabay ng manipis na labi na may natural na pulang kulay complimented by a perfect set of white teeth. Hindi rin nagpapatalo sa rough feature niya ang matangos na ilong at makakapal na kilay perfectly arched in a way that it highlighted his hooded green eyes coupled with thick lashes. Kung ako ang tatanungin, he looked like one of those guys in a western magazine, mas pogi pa nga siguro kung itatabi siya sa mga modelo. His features not only gave him a western look but also gave people around him the impression that he is untouchable. A complete alpha male. Kasabay pa nito ang aura niya that shouts elegance with a tinge of royalty.
Bumalik lamang ako sa katinuan no'ng makita ang kamay ni Doll na kumakaway sa harap ko. "Ano? Poging-pogi ka 'no? Kanina pa kaya ako kumakaway sa harap mo, pero 'yang mga mata mo nakahugis lang ng puso kasabay ng malalim mong daydream!" stressed na saad nito sa akin.
"Shet! Doll, ang pogi niya!" sigaw ko nang makabawi mula sa pagkakatulala. Tumawa lang ito sa akin at nagtinginan sila ni Liya.
"Crush mo na 'yon?" Tanong ni Doll. "Siyempre! Ang pogi niya, legit. Tinamaan yata ako sa kaniya. 'Di na siya maalis sa isip ko, hays captain crush" saad ko habang tumitingin sa kalangitan na para bang ini-imagine pa rin ang hitsura niya.
"Sinong crush?" Sulpot ni ate habang nakakunot ang ulo sa akin. "Wala, ate! May pinag-usapan lang kaming tatlo," kabadong ani naming dalawa ni Doll. Mabuti nalang at mukhang naniwala naman si ate sa sinabi namin. Pinakilala ko mula si Liya sa kaniya bago siya nagsabing mauuna na bago sumakay sa driver's seat. Nang masigurong hindi na siya nakikinig dahil sinarado niya ang lahat ng pinto ng sasakyan at itinaas ang mga tinted na bintana ay hinila ko lalo si Liya at Doll palapit sa akin.
"Guys, please lang. Kung sino man 'yong nakita natin kanina, atin atin muna 'yon ah. 'Wag niyo muna ipaalam kay ate. 'Saka ko na ipapakilala 'pag alam ko na pangalan." pagbibiro ko sa kanila. Agaran namang tumango ang mga ito. Nakahinga ako nang maluwag non'ng makitang willing silang mag-cooperate para itago muna ang nakita namin kanina.
Sa kalagitnaan ng diskusyon namin ay narinig namin ang busina ng sasakyan. Tumingin ako sa kakaandar lang na sasakyan na nasa gilid ko bago nagpaalam kay Liya.
"Sige Li, una na kami ni Doll. Bumusina na si ate e. Bukas nalang ulit." tumango ito, ngunit bago pa man ako makapagbukas ng sasakyan ay hinila ulit ako nito.
"Bakit?" tanong ko rito. "Accept mo ako mamaya. Send ko sa 'yo details no'ng captain crush mo. Bye!" sabi nito bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo. Umiiling si Doll sa akin habang papasok backseat habang ako naman ay ngiting-ngiti na pumasok sa front seat. Nagtaka pa si ate kung bakit ang saya-saya ko ngunit pinagkibitan ko lang siya ng balikat. Mabuti na lang ay hindi na siya nagtanong pang muli kaya malaya akong nakapag-daydream habang pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...