Chapter 10 : Confirmation
It took me a week to recover from that unexpected meeting with Clay and his girlfriend. "I told you, that is probably just one of his close friends! Hindi niya 'yon girlfriend." Napatingin ako kay Liya na confident sa sagot niya. Mukhang nasabi ko ng malakas ang iniisip. "'Te, ang confident mo naman, may source ka ba?" Pagsasatinig ni Doll sa ideyang nasa isip ko. Umirap si Liya sa akin bago umupo sa kama ko, napag-usapan kasi naming sa bahay muna namin tumambay this time since kami lang ni ate na siyang inapprubahan naman nina mama at papa bago umalis para mag-travel ng ilang buwan.
"Well, I asked his mom, and hindi alam ni tita. Hindi 'yon mag-gi-girlfriend ng hindi alam ng mama niya kasi pinangako niyang ipapakilala niya muna ang liligawan," lumalaki ang mata niya habang tumitingin sa akin na para bang kinukumbinsi akong paniwalaan siya.
Ipinagkibit ko ito ng balikat at itinalikod ang laptop mula sa direksyon nila ni Doll para magbukas ng instagram. I immediately searched Clay's instagram and clicked the message button. I know I'm being nosy with everything that involves him but I just can't help myself. Kung talagang girlfriend niya 'yon, then I would back out and force myself to move on. But if not...if not...well, I haven't really thought of that but either way, I know that I have to get over him.
I started to compose a message for him, but when I was about to press 'enter', I hesitated. Will he reply, though? He's annoyed by me. Isa pa, bukod sa libu-libo niyang followers, paniguradong puno rin ang message inbox niya. Pero bago pa man mang-usisa si Doll at Liya patungkol sa ginagawa ko ay pikit-mata kong sinend ang chat ko.
Ashieecakes:
Hi! I know it's really rude to interfere, but I really can't get my mind off what happened last week. Is she your girlfriend? I know I am annoying you for the nth time right now, but I hope you'd reply though. I just want clarification.
Nakita kong online siya sa ig. Kaya lang, hindi niya pa nasi-seen ang message ko sa kaniya. Sa kaisipang baka na-offend ko siya ay nag-send ako ng kasunod na chat.
Ashieecakes:
Well, I guess you don't have to reply after all. In all fairness, maganda siya. Bagay kayo, I mean, I know your taste would be great. I hope both of you will last. : )
Nanlumo ako matapos kong isend 'yon. Well, I guess that does it! Ash, you need to move on, hindi mo dapat ginugulo ang mga taong may relasyon. It would be a disgrace to your honour, and a step on your dignity.
Isasarado ko na sana ang close tab ng tumaas ang bilang ng red numbers sa messages ko. I immediately opened my inbox and saw a bit of his reply. With a hesitation, I opened his chat.
Claycl:
Well, thanks for that but she is not my girlfriend. I told you once that I don't fall in love, and I have no plans to fall in love either.
Ashieecakes:
Oh, okay! Thank you for the confirmation.
He left me on read after that. Hindi ko na pinagutuunan .yon ng pansin at mas nagfocus nalang sa tuwang nadarama. I know I am only prolonging my own agony if ipagppatuloy ko ito. But I'm willing to do it, just so I could tell myself that I did the effort and I will not regret anything when the time comes that I will feel nothing about him. But that time seemed too far for now, so I'd rather just enjoy the present.
Kinabukasan ay masaya akong pumasok sa sasakyan namin. Pinuna pa ni ate ang malaki kong ngiti nang batiin ko siya habang pumapasok sa sasakyan. "Nag-send ng message si oll sa gc, hindi raw siya makakapasok," pag-iinform ni ate sa akin habang nasa biyahe. Natawa ako sa cuteness niya. Nakita ko kasi 'yong message ni Doll. alam ko namang naka-silent ang gc namin sa phone at sa messenger mismo ni ate, pero nakita ko ang pagfa-flood ni Doll ng mention sa kaniya. Kaya siguro niya nakita ang message ni Doll dahil doon kasi 'di naman talaga siya nagsi-seen madalas.
"Yup, nakita ko na. Thank you, ate. Huwag mo na pala akong hintayin sa lunch. Magla-lunch nalang ako mag-isa sa labas. Busy din si Liya ngayon, may pinapagawa sila 'yong prof nila."
I waited for her to turn off the car—ngayon ko lang napansin na nakarating na pala kami sa school—and waited for her reply.
"Hindi naman talaga kita hihintayin, may klase ako ng lunch," sabi nito at nauna pang lumabas sa kotse. Napaismid nalang ako sa reply niya. Ang sakit no'n a, hindi niya man lang ginawang subtle ang reply! Talagang pinamukha niyang nag-a-assume lang ako na hihintayin niya ako!
Padabog akong lumabas sa kotse at saktong nakita si Clay sa hindi malayuan. He's getting something on the trunk of a white Rolls-Royce, which I think is his car. Nagmamadali kong inayos ang sarili bago lumapit sa kaniya.
Tumikhim ako nang makalapit sa kaniya at nong bumaling siya sa akin ay ngumiti ako sa kaniya at inayos ang takas na buhok patungo sa likod ng tenga ko. "Hi Clay! Free ka ba sa kunch? Pwede sumabay sa 'yo? Absent kasi ang pinsan ko at wala si Liya. If okay lang naman."
Sinarado niya ang trunk ng kotse niya at sumadal dito. My eyes feasted on his whole physique, para siyang nagmo-model ng Rolls-Royce sa ginagawa niya ngayon.
Malalim siyang tumingin sa akin at nang makitang nag-ta-travel ang mata ko sa kabuuan niya ay tumayo siya ng maayos at tumkhim. Dahilan kaya napabalik ang tingin ko sa green niyang mga mata.
"No," simpleng ani niya bago isinukbit ang bag sa likod at tuluyan akong iniwan doon. Napanguso ako sa sagot niya. Well, okay then! 'Di naman siya pinipilit, pero 'di pa rin ako titigil dahil lang sa simpleng rejection niya.
I smiled at my thought. Hay nako, Ash! Kaya ka nasasaktan e. ang dami mong ka-echosan sa buhay. Huminga ako ng malalim. Hindi bale na, may next time pa naman. siguro naman maaaya ko rin siya kalaunan. Hindi ko na pinansin ang mga taong nag-uusisa sa paligid at nagsimula nang maglakad papasok sa building kung nasaan ang klase ko.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...