XVI

2 0 0
                                    

Chapter 16 : Practice




"Ano? Okay ka na?" tanong ni Doll habang inaabutan ako ng tubig.

Tiningala ko siya mula sa pagkakaupo ko sa aking kama at binigyan ng maliit na ngiti. "Thank you," I said as both of my hands touched the cup. Feeling the warmness of the water.

"Nako! Buti nalang talaga kako at nakita ka ni Liya. kung hindi, baka hinimatay ka na doon kakaiyak." I rolled my eyes at her exaggeration. "Please..." I groaned, "Spare me from the lectures."

Nakpameywang siya sa harapan ko ngayon habang tinataasan ako ng kilay. "Anong 'spare me from the lectures'? E hindi ka nga nagtatanda!" marami pa sana siyang itatalak nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Ayan ha, sinasabi ko sa 'yo!" Ddinuduro-duro pa ako ni Doll bago siya tumalikod at pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.i craned my neck a little to see who it is only to be shocked because it was ate Ice standing before my door.

"Ay, ate Ice! Tara pasok," sambit ni Doll na para bang siya ang may-ari sa kwarto ko. Iginiya niya pa si ate sa upuan na nasa harap ng vanity mirror ko. Naka cross legs at cross arms siyang tumitig sa akin na nasa gitna ng kama habang si Doll ay tahimik na umupo sa bedroom bench na nasa dulo ng kama ko.

"So, I heard," pagbabasag ni ate sa katahimikan na namayani sa kwarto ko. Napalunok ako. "Ate, it's not what you think it is." She sarcastically laughed. "It is not? Really?" tumayo siya sa upuan at tinawid ang carpet papunta sa higaan ko.

"I can expla—" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko. "Explain? There is nothing to explain! The truth has been presented coupled with both Doll and Liya's statements. They told me everything I had to know."

Napatingin ako kay Dash na naging inosente ang mga mata habang sinasalubong ang tingin ko. Binuksan niya ang kaniyang bibig at muling isinara bago tuluyang nagsalita. "Cous..." Inirapan ko ito. Tinatawag niya lang akong ganiyan kapag may kailangan siya or may nagawa siya. "Kasi, k-kailangan namin sabihin kay ate Ash 'yon. Baka naman kasi mag-hyperventilate ka na doon. Hindi ka na nga namin nadala sa clinic kasi sobra-sobra na ang iyak mo at baka magalit ang mga nurse kapag naabala mo ang ibang pasyente."

My lips twitched at what she said. "Ash, hindi kita pinipigilan mainlove. Kahit pa buong magdamag kang lumandi, wala akong pakialam. Pero huwag naman 'yong katulad kanina! Huwag mo namang irisk ang sarili mo at ibuhos ang luha mo sa lalaking hindi deserving. Ano pangalan no'ng lalaki na 'yon, Doran Llena?"

Nanlaki ang mga mata ko. Kapag nalaman ni ate ang pangalan ni Clay, tiyak na hindi niya ito titigilan. May posibilidad pa na masapak ito ni ate. She trained MMA when we were young and sa tuwing may umaaway sa amin noon pa man, hindi niya titigilan ang mga iyon hangga't hindi niya ako maipaghiganti. Kahit hindi pisikalan, pero gagawin ni ate lahat maipaghiganti lang ako sa ibang paraan.

"No!" I shouted bago pa man makapagsalita si Doll. "Ate, please. I'm fine, hindi mo na siya kailangan hanapin. Please, just this one time." Nilagay ko ang hinahawakang baso sa bedside table at akmang tatayo ng sinenyasan ako ni ate gamit ang kamay niya na manatili akong nakaupo.

She snorted. "Willing kang magmakaawa sa akin ng todo para sa kaniya? Bakit mo ba siya dinedepensahan ng todo? Bakit? Kapag ba malaman niya ang ginagawa mong pagdi-depensa sa kaniya laban sa akin, ma-a-appreciate ka niya? Kulang na nga lang mandiri sa 'yo ng husto ang tao!"

I closed my eyes. Ate's words hurt, but I know they are nothing but the truth. "Please..." I croacked.

Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ng kapatid. "Bahala ka sa Buhay mo. hidni ko na ito iku-kwento kina mama at papa, at lalong hindi ko na hahabulin at pananagutin ang lalaking iyon sa isang kondisyon."

My eyes turned into anticipation while waiting for her condition. "Layuan mo ang lalaking 'yon." the glitter in my eyes instantly died. Yumuko ako at tumango ng marahan knowing that I wouldn't be able to do that. Knowing that even after everything, my heart is still choosing to chase him. Pero sa ngayon, dahil fresh pa ang pangyayari, wala akong choice kung hindi kimkiimin ang nararamdaman.

"Kausapin mo 'yang pinsan mo, Doll," habilin ni ate bago lumabas sa silid ko. "Wooh! Pinagpawisan ako do'n," saad ni Doll habang umaaktong nagpupunas ng pawis. I contorted my face in a sarcastic way. "Malakas ang aircon kaya hindi ka pagpapawisan."

"Ito naman. Naging brokenhearted ka lang hindi ka na madaan sa joke. Pero seryoso, makinig ka nalang kay ate Ice. we know that she wants nothing but the best for you."

I nodded. "Yeah, I know. You can leave my room now." Napahawak si Doll sa puso niya na parang nasasaktan at ngumuso. "Grabe, thank you ha! Matapos kitang alagaan mula sa pag-breakdown mo kanina, ngayon itataboy mo nalang ako ng ganito? The audacity!"

"Okay na 'te, amaccana. Exaggerated na exaggerated ka na. Magpa-practice kasi ako. Kaya tsupi ka muna at pumunta ka sa guestroom na ngayon ay trinansform mo na into your own bedroom. Paabot nalang ng gitara habang paalis ka."

"Ay, magpa-practice ka lang pala. Hindi mo naman sinabi agad. O siya anak at hindi na kita guguluhin," pambibwisit nito sa akin. Tinapunan ko siya ng isang sqaure pillow habang buong pang-aasar niya itong inilagan.

Tumatawa siya habang pinupulot ang tinapon ko sa kaniyang square pillow bago ito hinagis sa bedroom bench at tumungo sa gitara na nasa guitar stand katabi ng tv. " 'Di mo pa pala pinapalitan ang stickers? Tagal na nitong Taylor Swift Red Album stickers mo dito sa guitar a." Pansin nito sa guitar kong ine-examine niya.

"Sayang e. Memories 'yan, kasama no'ng isang pink and purple na may glitters na guitar na nasa kwarto ni ate."

"Okay, sabi mo e." Nagkibit balikat ito saka iniabot sa akin ang gitara. "Should I turn off the lights?" I smiled. "The chandeliers, yes." Tumango ito at pinatay ang mga ilaw bago lumabas.

Inayos ko ang pagkakaupo habang dinadamdam ang lamig ng hangin. The cove and valance lighting illuminated a warm light. The yellowish colour bouncing off the walls gives me a serene feeling. I inhaled deeply before strumming the right notes for my performance.

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon