Chapter 27 : It's Him
"Where's my pasalubong?" Inirapan ko si Doll nang umupo siya sa harapan ko. Pa'no ba naman kasi, kakauwi ko lang galing sa flight ko nang biglang may nag-doorbell. Akala ko kung sino, pero siya lang pala. Sabi pa niya alam niya raw na kakauwi ko lang kaya sumugod siya dito para kunin ang pasalubong niya sa akin.
"Bakit? Sino ka ba?" Ngumuso ito at tumingin ng masama sa akin. Mapang-asar ko siyang tiningnan at inabot ang isang maliit na box sa kaniya. "Last mo na 'yan! Mamumulubi ako sa 'yo. Lagi ka nalang nagdedemand ng pasalubong tuwing aalis ako."
Tinaasan ako nito ng kilay. "Duh! Hindi makakalipad 'yang eroplanong minamaneho mo kung hindi sa akin. Ako kaya nagpakahitap sa maintenance ng mga eroplano do'n! I deserve a reward."
"Kasalanan mo 'yan, dinadamay mo pa ako. Hindi naman kita inutusang mag-AMT no'ng college."
"Well, ayaw ko namang makiagaw sa inyong magkapatid sa pagiging piloto. Plus, bakit naman ako hindi mag e-aircraft maintenance, e sure na may trabaho agad ako pagkatapos ko kumuha ng program na 'yon."
"Pero nagrereklamo ka nga," pagbibiro ko rito. "Anyway, it doesn't matter, inyo naman ang airline at airport na 'yon, barya lang sa 'yo ang mga luho ko."
I raised my middle finger towards her. "Ikaw na nga nakikinabang sa negosyo ng mga magulang ko, ikaw pa mapang-abuso."
She continued to blabber some nonsense. Hinayaan ko lang siyang magsalita nang magsalita habang hinahanda ang lunch naming dalawa.
"Omg!" biglang sigaw nito kaya napalabas ako sa kusina. Naabutan ko siyang tutok na tutok sa cellphone habang naglalakad papunta sa kung nasaan ako. "Beh! Malaking chismis!" inirapan ko ito at muling pumasok sa kusina. Agaran naman siyang sumunod at umupo sa may kitchen island.
"Nakita mo na ba 'to?" tanong nito sabay pakita sa barkada gc na nagawa namin back when we were still freshmen.
Professional Girlies
Napapailing pa rin talaga ako ng ulo tuwing nakikita ko ang mga kalokohan ni Doll. Ssiya lang naman kasi mahilig magpalit ng name sa gc namin. Naalala ko pa one time, no'ng sinisimulan ko na ang pag-mo-move on kay Clay, ginawa niyang name sa gc 'Broken Era ni Ash'.
Agad niyang clinick ang picture na sinend ni Liya at zinoom in ito sa mukha ko. It's apparently a screenshot ng convo nila ng isa niyang friend sa work asking Liya kung sino 'yong lalaki sabay send ng side view picture nito.
I squinted my eyes to see kung sino 'yon pero hindi ko ito mamukhaan dahil na rin naka-cap at hades ito habang nakasuot ng sweater and jogging pants. "Anong pake ko diyan? 'Di ko naman kilala 'yan." I looked at her ridiculously. Nagtaas baba naman ang mga kilay nito. "Naks! Talagang naka-move on na ah."
Hindi ko na siya pinansin at tinuloy nalang ang pagluluto. "Sure ka bang hindi mo talaga nakilala?" paninigurado nito. "Bakit naman ako magkukunwaring hindi ko 'yan kilala, aber? Ano maaambag no'n sa akin kung gawin ko 'yon."
"Malay sa 'yo. Siyempre, kuwento mo 'yan kaya ikaw lang nakakaalam." I flashed her an annoyed look before transferring the food to two separate bowls.
"Ravioli. Huwag kang maarte, 'yan ang gusto ko ngayon." She pouted and continued scrolling her phone.
"Sino ba kasi 'yon at parang sobrang big deal para sa 'yo ang lalaking 'yon?" Tanong ko sa kaniya habang hinihigop ang sabaw ng niluto kong ravioli. Tumigil ito sa pagso-scroll at nagkibit balikat habang nagta-type sa phone niya.
"Si Claeg." Bigla akong nabilaukan sa sinabi nito. Tumawa ito ng malakas saka ako inabutan ng tubig. "Akala ko ba naka-move on na? Bakit ganiyan ka maka-react? Kunwa-kunwari ka pang hindi mo kilala, sus." Mapang-asar niya akong tiningnan.
"Bwiset ka naman kasi. Casual na casual pagkakasabi mo, like hello, sinong hindi magugulat do'n? Tsaka, totoo 'yong hindi ko siya nakilala 'no. Nakakalimutan ko ang itsura ng mga taong irrelevant sa akin."
Pinagpatuloy ko ang pagkain habang siya naman ay bumubulong habang hinihigop din ang sabaw na niluto ko. "Sus, irrelevant daw pero naghabol ng dalawang taon."
Aawayin ko pa sana siya nang biglang tumunog ang phone kong kanina lang ay iniwan ko sa kitchen counter para magluto. Sinamaan ko ng tingin si Doll na ngayon ay mabilis na sinusubo ang ravioli. "Pasalamat ka at may kailangan akong asikasuhin. Hindi ko muna pupunain ang binulong mo kanina."
Agad kong nakita ang message sa akin si dad.
Dad:
Hey, Ash. I know kakauwi mo pa lang sa Pilipinas, but I'd like you to go to the airport right now. I managed to talk to the owners of Lufthansa and made an alliance with them. In line with our agreement, they would be sending their best pilot to us to supervise the aircraft maintenance and fly some of our planes. I was hoping if you could meet, tour, and teach him all that he needs to know regarding our airline on my behalf. Thank you, sweetheart.The best pilot of the world's biggest airline would be coming to our biggest airport in the Philippines, huh? I bit the insides of my cheek as I typed in a reply for dad.
Ash:
Sure, dad. I would love to do that on your behalf. Who is he, by the way?
Well, whoever this person is must really be outstanding. I would love to learn a thing or two from him. I patiently waited for dad's reply while trying to calm my excitement down. Who knows? I might be able to follow his footsteps if he is willing to let me train under his supervision.
Dad:
His name's Claeg Yael Cole. Do treat him well, sweet.Muntik ko nang mabitawan ang phone ko dahil sa nabasa ko. Nanlalaki ang aking mata habang paulit-ulit na binabasa ang pangalan na sinend sa akin ni dad. Shit! Out of all people, bakit siya pa? Paanong nangyaring gano'n na lamang siya ka-successful?
Well, back then, I already knew that he's outstanding. Better than the rest of his peers, so there's no doubt he could reach this level. I just did not expect it to happen that fast, nor expected that he would join Lufthansa.
I struggled with myself for a while kung babawiin ko ba kay dad ang pagpayag ko o hayaan nalang ang sarili na makita siya. Hindi alam nina dad kung sino at ano ang nangyari dati. Alam lang nila na heartbroken ako at hindi na napuna 'yon dahil nga kay ate. I clenched my left hand into a fist. I guess, it's really him that I would be meeting later. After all these years, I would be seeing him again.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...