Chapter 18 : Performance
"Shit! Paano na 'yan?" nanginginig kong tanong sa sarili ko.
This is supposed to be my big day. Na finally, kakanta na ulit ako sa harap ng maraming tao for years of singing alone with the companionship of our maids and the lifeless artifacts in the mansion.
I shook both of my hands hard to ease my nervousness. Sana lang talaga ay makagawa ng paraan si Doll upang matuloy ang performance na 'to. Surely, I cannot do a last minute back out! Bukod sa i-a-announce sa publiko ang pangalan ko, I want to do this... for the last time. Before I finally decide to put this kill-time passion aside and focus on my real passion—aviation.
"Ash, where's Doll?" agad na lumiwanag ang mga mata ko na para bang nakahanap ng bagong pag-asa dahil sa boses na nanggagaling sa likod ko. Tila ba nawala lahat ng pangamba at nerbyos ko dahil sa kaniya.
Agad akong lumingon sa likod ko at tinapon ang sarili sa mga bisig niya. Niyakap ko siyaa ng mahigpit bago maramdaman ang mga luha na nasa gilid na ng mga mata ko. Naramdaman ko ang yakap niya kaya hinigpitan kko rin ang yakap sa kaniya.
"Ate..." I mumbled.
She caresses my back like how she used to do way back when we were kids whenever she sees me crying. Ibinaon ko ang mukha ko sa leeg niya habang dinadama ang binibigay niyang seguridad sa akin.
"Ano ba nangyari?" her voice softened a lot upon seeing my reaction. Umiling ako bago bumitaw sa yakap niya.
"Walang guitarist.Hindi makakapunta," mababang boses kong sinabi sa kaniya.
"So? That's not a big deal! You know how to play a guitar! You can play it while you are singing. You've practised just the same way. So what difference does it make now?"
"The difference is I can play guitar and sing when I am alone. But not in front of that crowd. It would break me." I never played guitar or any instruments in front of strangers aside from my family. The fear of playing instruments in public is deep rooted. I played for a piano recital once, and got shamed for it. So it never occurred to me to play instruments in public again.
As much as how strong my persona is, I still have those scars of the past. "No matter how much you convince me, I will not play in front of hundreds of people." I said with a determined expression upon seeing ate's reaction. No words of encouragement could help me with that.
"Nasaan ba si Doll?" Ate demanded.
"I don't know! Hahanap daw siya ng paraan," I stated while still trying to release the tension off my body.
Huminga ako nang malalim at napagdesisyunang maghanap din ng paraan nang marinig ko ang boses ni Doll sa 'di kalayuan.
"Ash!" sabay kaming lumingon ni ate sa direksyon niya. Hingal na hingal siya nang makalapit.
Agad siyang kumapit sa akin habang ang isang kamay ay nakahawak sa tuhod niya at naghahabol ng hininga.
"May...nahanap...na...ako," putol-putol niyang aniya.
Agad kumunot ang noo ko at hinawakan ang kamay niyang nakakapit sa akin. "Huminga ka muna ng malalim, mukhang malayo ang tinakbo mo."
Nang mabawi ang hininga ay tumuwid siya ng tayo at umirap sa akin, "Talaga!"
"Nga pala, may napakiusapan akong mag-guitar for you, pero hindi mo yata magugustuhan ang ideya." Ngumuso siya kung saan. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita ko doon si Liya na malaki ang ngiti at kumakaway pa habang palapit sa amin. Napadako ang tingin ko sa likuran niya at nanigas. Kasunod niya kasi si Clay na diretso ang tingin habang nakapamulsa.
Tila huminto ang mundo ko nang makita ko siya. Nasa bulsa ang kanang kamay habang hawak ang bag ng gitara sa kalliwang kamay. Seryoso at diretso ang tingin nito.
Naririnig ko naman ang bulong ni Doll sa tabi ko. "Ayan, kaya ka nasasaktan e. Kung nakikita mo lang tinginan mo sa kaniya, lakas maka 'in the midst of the crowds, I don't see nobody but you' ni Dhruv." Hinampas ko siya habang siya naman ay parang bruha na tumatawa.
"Ang dami mong alam. Hindi ba pwedeng nagulat lang?" I rolled my eyes at her. I can feel ate's piercing glaze at me kaya tinikom ko ang bibig ko. Alam ko namang concern lang sila sa akin e. Kahit si Doll na panay pang-aasar lagi, alam kong nakabantay din 'yan sa emosyon ko.
"Ikaw pala ang hiningan ng tulong ni Doll. I hope you don't mind," salubong ko kay Clay nang makalapit sila sa amin. Aaminin ko, although parang wala nga akong ibang nakikita kanina habang naglalakad sila bukod sa siya lang, hindi pa rin mababawi no'n ang sakit na ginawa niya noong nakaraan.
Pero shit lang. Kasi kahit na ganoon, having him here sparked a tiny flicker of hope within me. Na baka nandito siya because he cares about me.
Akmang magsasalita na sana ako ngunit naunahan ako ng event organizer. "Ms. Mendes, stand by na po kayo ng partner mo near the stage. Kayo na po in fifteen, unable to perform po kasi ang before sa inyo due to family emergency."
Agad ko siyang tinanungan at nagpaalam kina ate. "Good luck, bestie!" sigaw ni Liya at niyakap ako habang bumulong, "Ako bahala sa kaniya 'pag inaway ka, magsumbong ka lang." I smiled at her, feeling warm at her concern. Ganoon din ang ginawa nina ate at Doll bago kami naghiwalay ng daan.
"The Ones We Once Loved, right?" pambabasag ng Clay sa katahimikan naming dalawa dito sa gilid ng stage.
"Err. no. I'd like to change the song. Will that be fine with you?"
"Whatever, just send me the chords." Kahit nagsusungit sa ngayon ay hindi pa rin no'n mababawi ang tuwa na nararamdaman ko. I cheerfully smiled as I sent the chords through messenger. Finally 'di ba, may official convo na kasi hindi na siya napilitan i-open ang pop up bubble kung nasaan ang mukha ko.
I excitedly watched him open his phone and view the message I sent him. Although guitar chords lang 'yon, super malaking bagay na no'n para sa akin. Nagkunwari akong hindi big deal ang ginawa ko ngayon at tumalikod sa kaniya para matago ang abot-tengang ngiti ko na kitang-kita ngayon ng taong nag-pe-perform sa stage.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...