Chapter 26 : Captain
"Capt., tara sama ka sa amin!" Pag-aanyaya sa akin ng flight crew pagkalabas ko ng shuttlecock.
I smiled at them and shook my head lightly. "Hindi na, may pupuntahan din ako ngayon bago ang flight natin pabalik ulit ng Manila mamayang gabi." They all gave me a teasing stare at ang iba'y inaasar pa ako na baka ay may ka-date talaga ako rito kaya hindi ako sasama sa kanila.
I just shrugged everything off at hinayaan na sila sa gusto nilang isipin. "Sige na, ako pa talaga nakita niyo. Enjoy Switzerland!" Hindi naman ako nagtagal pa sa airport at agad na dumiretso na sa hospital kung saan naka-confine si ate.
"Kamusta?" I asked as soon as arrived in her ward. Her eyes immediately brightened as she accepted the boquet of roses and some chocolates from me. "Para kitang manliligaw," umiling-iling pa ito pero halatang sobra siyang natuwa sa dala ko. Hindi ko na pinatulan pa ang sinabi niya at tinanaw nalang siyang inuutusan ang bitbit nina mama na kasambahay na ilagay ang bulaklak na dala ko sa isang flower vase.
Masaya ko siyang tinitingnan na kahit hindi pa rin masyado nakakaalis sa hinihigaan ay kaya na niyang gumalaw paunti-unti gamit ang upper body niya. "Ano na updates sa session niya, ma?" I asked our mother na nasa tabi ko lang.
"Ikaw bata ka, para namang 'di ka galing dito last week," anito at hinampas pa ako ng mahina sa braso.
"Siyempre! Malay ko bang may nabago sa physical therapy niya." bumuntong hininga naman ito sa sinabi ko. "Well, wala pa rin masyadong improvement pero medyo kaya na niyang tumayo ulit na mag-isa at makalakad ng ilang hakbang with the support of a walker."
I looked at my sister who is now happily looking at the roses that are now beautifully arranged in a vase. Years ago, hindi ko aakalaing mangyayari pa ito. I almost lost the will to continue college when the doctor announced her as brain dead. But our parents still tried to hold on. Hindi sila pumayag na tanggalin ang life support ni ate.
Kakasimula ko palang ng unang taon ako sa flight school nang marinig ang balita na sa wakas ay nagising na ang kapatid ko mula sa pagkaka-coma ng mahigit dalawang taon. Of course, I was so damn happy. Sa wakas, gising na ang taong pag-aalayan ko ng lahat ng success ko.
Nang magsimula siyang magphysical therapy agad pagkagising niya ay nakwento ko na rin sa kaniya ang nangyari lalo na do'n sa pangyayaring lubos na ikinadurog ng batang ako. Galit na galit siya nang malaman ang nangyari pero mabuti na lamang at mas nauna niyang inisip ang kaniyang kalagayan. Kung hindi, ay sumugod na ito pabalik sa pinas upang managot si Clay sa ginawa niya no'ng end of school year no'ng 2nd year palang ako.
But, everything is fine now. I just graduated flight school, and ate is now on her second year of doing therapy. Finally, base sa improvement niya ay pwede na siya madischarge anytime lalo na pag mas napabuti niya ang paglalakad kahit na may walker. Ramdam ko rin ang pagiging proud niya sa akin lalo na no'ng ibinalita namin sa kaniya na summa cum laude ako nang magtapos sa aeronautical engineering.
As for Clay, wala na akong pakialam do'n. Hindi ko na siya nakita pang muli matapos ang huli naming pagkikita kung saan tinakbuhan ko siya. And I can finally say that I am completly healed by now. I no longer feel anything towards him, but only indefference lalo na kapag naririnig ko ang pangalan niya.
"Ano oras balik mo sa Pinas, Capt.?" Pamumukaw ni ate sa atensyon ko. Inirapan ko ito, "Please, don't call me captain ngayon. I am resting, iniisip ko tuloy na nagtatrabaho pa rin ako tuwing tinatawag ako niyan. Kailangan ko rin ng rest, okay?" Sabi ko rito habang tinatanggal ang pagkakabun ng buhok ko. "Okay, rest well, first officer Aisling Grace Mendes." Inirapan ko ito. Hindi ko alam anong nangyari habang tulog siya pero ngayong nagising na siya ay ang lakas na niyang mang-asar sa akin.
Still, I prefer it this way than seeing her lifeless body being supported by several tubes. We spent the whole afternoon chatting with each other until it was four hours before my next flight. Minadali ako nina mama na umalis kahit pa napakalayo pa ng oras bago ang flight ko.
"Oo na, mauuna na ako. Kailan ba kayo uuwi?" I asked mama as she pushed me towards the door.
"Kapag kayang-kaya na ng ate mo maglakad ulit. As of now, hindi pa pwede kasi kakasimula pa lang ng paglalakad niya. Give it three months or so, basta mag-iingat ka lagi. Bumukod ka pa naman." I hugged her and bid my good bye to all of them. Well, one thing Ii did as soon as I graduated from college was to find a place of my own. Suma-sideline ako dati sa company nina mama at dad tuwing summer breaks kaya nagkaroon din kahit papaano ng ipon para makabili ng sariling bahay. Kaya kahit gano'n na lamang ang 'di pagsang-ayon nila, sa huli ay wala na rin itong nagawa at nirespeto na lang ang desisyon ko.
Palakad lakad lang ako dito sa airport habang hinihintay ang kasama kong co-pilot nang may namataan akong hindi kanais-nais na tao. Kahit pa ilang taon nang lumipas ay tandang-tanda o pa rin ang postura at likod nito, lalo na at ito ang lagi kong tanaw no'ng mga panahong baliw na baliw pa ako sa kaniya.
I blinked my eyes to make sure that it was really him. But the moment, I blinked, nawala ito na parang bula. Agad kong nilinga ang ulo sa paligid, nagbabaka-sakaling makita ko ito. Pero nang hindi ko ito matanaw kahit saan ay pinagkibit ko nalang ito ng balikat at inisip na baka nga ay namalik mata lang ako.
"Captain, sino hinahanap mo?" Napalingon ako ng may tumapik sa akin.
Nginitian ko ang flight stewardess na kasama namin sa flight. "Ah, wala. I just thought I saw someone that I shouldn't see. Anyway, sama ka na sa akin? We'll prepare for the flight."
Tumango naman ito sa akin. "Sure, Captain."
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...