Chapter 25 : Get Over
Months flew like a whirlwind. Ang bilis ng panahon. Ngayon nasa kalagitnaan na ako ng first semester sa third year, pero hindi pa rin nagigising si ate ko. Hindi ko pinapalampas ang isang buwan nang hindi siya binibisita, hoping that my presence would somehow make an impact on her recovery pero sabi ng mga doctor ay wala pa rin daw improvement ang condition niya.
Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig ng hangin na dumampi sa balat ko magmula ng lumabas ako sa school chapel. Kung dati'y halos hindi ako dumadaan dito, ngayon naman ay ando'n na yata ako lagi tuwing break ko. Nagdarasal na sana ay gumising na ang taong pinakaimportante sa akin. Miss ko na siya, hindi buo ang school life nang hindi ko naririnig ang malamig niyang boses na pinagsasabihan ako, ang sasakyan niyang lagi kong ginagawang school service, at ang mga mata niyang minsan ay binibiro ko pa dahil sa sobrang pagka-asul.
My life is really incomplete without her. Hindi man kami kabal ay namuhay ako buong buhay ko na hindi ko kailanman naramdaman na mag-isa ako dahil andiyan siya lagi. Siya ang kaagapay ko sa lahat, kahit ga'no pa man kaliit o kalaki 'yan. Mabuti nalang at nandito naman kahit papaano si Liya at Doll kaya nagawa ko ring tatagan ang sarili sa gitna ng madilim na parteng ito ng buhay ko.
Akmang liliko na ako papunta sa gate para puntahan sina Doll na naghihintay sa akin do'n ay natigilan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko ine-expect na makita siya dito.
Clay...
Ang lalakking bumuo at dumurog sa munti kong pangarap at kasiyahan. Narinig ko kay Liya na dito niya ipinagpatuloy ang flight school pero hindi ko inaasahan na makikita siya sa panahong hinding-hindi ko inaasahan. I did my best to avoid him, I even made sure that even the slightest chance of encountering him wouldn't be possible. I did it successfully for months pero hindi ako natutuwa at talagang nakita ko pa siyang muli sa ganitong sitwasyon. Almost at the exact same place where everything fell apart for me.
Alam kong nakita niya rin ako dahil saktong pagkaliko niya ay gano'n din ako. Gayunpaman, hindi ako nagdalawnag-isip na talikuran siya at mabilis na naglakad pabalik sa daanan na pinanggalingan ko. Hindi baleng umikot ako sa buong campus bao makarating sa gate, huwag lang siyang madaanan. Ramdam ko ang mga yabag niyang mabilis na sumunod sa akin kaya kumaripas na ako ng takbo at nang makita ang sasakyan ni Liya sa may gate ay agad na sumakay rito. Hinihingal pa ako nang tinanong nila kung ano ang nangyari kaya ikinuwento ko ng buo ang unexpected encounter namin ni Clay.
Wala na akong pakialam sa kaniya kung iisipin niyang iniiwasan ko siya o sasabihin niyang nag-iinarte ako matapos maghabol sa kaniya. Tapos na ako sa phase na iyon, tapos na ako sa pag[a[akabaliw sa kaniya.
Hinawakan ko ang dibdib ko habang sinandal ang ulo sa bintana ng backseat. Tahimik ang dalawang nasa harapan at tanging musika lang ang nagbibigay ingay sa loob. Walang buhay akong tumingin sa labas ng bintana habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso ko. Andoon pa rin ang mabilis na tibok nito na alam kong hindi galing sa pagtakbo.
I wish this beating would soon be over. Paulit-ulit ko mang ideny sa sarili ko, alam kong hindi pa rin tuluyang nawawala ang nararamdaman ko kay Clay. after After all, I have been chasing him for more than half of my college years. I poured my sincerest heart to him, yet he shattered it. Alam ko namang hindi basta-bastang mawawala ito kaya ginagawa ko ang lahat para idistract ang sarili ko. Imbes na pagtuunan ng pansin ang puso ay mas mabuting ibaling ko ito sa mga bagay na mas impotante tulad ng pag-aalaga kkay ate. Dahil kapag ipinagpatuloy ko pa ito ay wala rin naman itong patutunguhan. I will just end up in misery.
Ayaw ko rin sanang magalit sa kaniya. Oo, kahit na nirerespeto ko pa rin ang sobrang unfiar niyang treatment sa akin at kahit sobrang sama ng nagawa niya no'ng huli ay ayaw ko na siyang bigyan pa ng kahit anong papel sa buhay ko. I don't even want to be enemies with him if that wuld mean giving him another role in my lfe. He drained me too much to even give him that. I have realized that he really does not deserve anything from me. It would be better to treat him as someone who does not exist rather than dwelling on hatred and pain that would eventually eat me alive.
Hindi ko man nagwa 'to noon, ngayon ay uunahin ko muna ang sarili kong kapakanan. Fuck heart and feelings kung kapalit nito ang pagkawala ang peace of mind ko at personal safety.
Ikinuyom ko ang isa kong kamay na nanatili sa aking mga hita habang dinidiin ang palad ng isa ko pang kamay na nakahawak sa dibdib ko. Just you wait, Claeg Yael Cole. This would be the last time that my heart would beat like this for you. Sa susunod na pagkikita natin ay hindi na ito titibok ng malakas para sa 'yo. Sisiguraduhin ko rin na wala na itong mararamdaman sa 'yo kahit katiting na pagmamahal. Eventually, all of these feelings will stop, and I will get over you. I'm sure of that.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...