Chapter 6 : Vacation
LA Holtz:
Saan kayo magbabakasyon?
Umagang-umaga ay bumungad sa akin ang chat ni Liya sa gc na dati ay ginawa lang ni Doll para makachismis. Ngayon ay masasabi kong official na gc na talaga ito naming magkakaibigan. Pero gano'n pa rin ang gc name.
Ash Mendes:
HAHAHAHA GOOD MORNING LIYA!
hindi ko pa alam e
pero alam ko kaming tatlo lang ni doll at ate ang pupunta di makakapunta parents namin busy sa company nila
'kaw ba?
LA Holtz:
Di ko nga alam e, pwede ba sumabit sa inyo? HSHSHHHAHSAH
Ayaw ko tumambay sa bahay kasi alam mo na yong crush mong pangit nasa bahay sila lagi tuwing bakasyon
Napamulahan agad ako nang makita ang chat ni Liya. Mula no'ng kumaway ako kay Clay ay hanggang sulyap at iilang kaway lang ang nagagawa ko sa kabuuan ng buong taon. Bukod sa maraming gawain sa school ay naloka ako kaka-adjust sa college. Pero pangako ko sa sarili ko na pagbubutihin ko next school year. Aba! Graduating na yata siya sa susunod na pasukan so I'll go all out. Sayang naman if ma-miss ko ang opportunity. Tuwing napupunta din naman kami sa bahay nina Liya — which happens to be her maternal side's ancestral house — ay hindi naman kami nagkikita. Tuwing bakasyon lang kasi sila doon habang kami naman ay doon tumatambay kapag may free cut or may vacant sa school.
Doll Hux:
Gud am mga bff kong magaganda!
@LA Holtz pwede ka sumama sa amin!!!!
Nagpaalam aq kay ate Ice kagabi nung pumunta aq sa kanila at approved na niya
Roomates tayo, habang si ate ice naman at ash sa isa
Libre na raw niya lahat (kasi mapera siya hehe)
Dalhin mo nalang sarili mo sa airport tom
Napatampal ako sa sariling noo. Kita mo 'to. Kapag bakasyon ang usapan, napaka-active. Ni hindi ko nga alam na pumunta siya rito kagabi para magpaalam kay ate. Pero mabuti na rin 'yon at may makakasama kaming magsaya. First vacation 'to sa college plus with Liya kaya mas magandang i-enjoy na.
"Hello, Puerto Galera!" sigaw ni Liya nang makarating kami sa infinity resort. Napailing kaming lahat sa kaniya. Imbes na mapagod sa biyahe mula pa kanina sa erooplano hanggang sa biyahe mula airport papuntang resort ay mas lalo yata siyang naging hyper. Wala yatang kapaguran 'to sa katawan. Dahil nakapag-bookna kami beforehand ay mas madali nalang naming nakausap ang receptionist bago kami hinatid sa villa. Napagdesisyunan kasi ni ate na imbes two rooms, ay isang villa nalang para mas maenjoy at makapag-bond kaming apat.
Nagpaalam si Liya kanina na mauunang lumabas dahil gusto niyang picturan ang buong resort kaya hinayaan na namin. Habang nag-aayos ng mga gamit sa tahimik ay narinig ko ang pabagsak na higa ni Doll sa kama.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Teen FictionAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...