XI

4 0 0
                                    

Chapter 11 : New Friend




Nakanguso akong nagda-drive papunta sa Mc Donald's habang bitbit ang sasakyan ni ate. Ang hirap talaga ng buhay mag-isa. Saktong pag-park ko ay tumawag si Liya sa akin.

"Hello," bungad ko at inipiit ang phone sa pagitan ng tainga at balikat ko habang bitbit ang wallet sa kabilang kamay at sinisiguradong nakalock ang pintuan. Sumandal ako pansamantala sa pintuan ng sasakyan habang hinihintay siyang sumagot. Naririnig ko pa ang gulo ng usapan sa end niya.

Nang medyo humina ng kaonti ang mga boses ay narinig ko na siyang sumagot. "Hi, Ash! Sorry a, 'di kita masasamahan ngayon. Ang dami kasing formative assessment na pinagawa ang ibang professors pati reporting kaya 'di kita masasamahan." Ramdam ko ang guilt sa boses niya habang nagpapaliwanag. Habang nakikinig sa paliwanag niya ay napagdesisyunan kong pumasok nalang sa loob ng fast food at doon na ituloy ang pag-uusap.

"Ano ka ba! Wala 'yon actually okay la—" naputol ang sasabihin ko nang may makita akong taong hindi ko inaasahan. Napangiti ako ng malaki. "Hello, andiyan ka pa ba?" Hinila ng boses ni Liya ang diwa ko pabalik aa reyalidad.

"Huh? A! Oo, okay lang talaga, naiintindihan ko naman situation mo. May back logs nga rin ako, pero guess what? Nakita ko si Clay dito!" Kinikilig kong balita sa kaniya.

Napabuntong hininga siya sa kabilang linya. "Ash, sinasabi ko naman kasi sa 'yo. Huwag na kay Clay, sinasaktan ka na niya oh! Plano mo ba maging martyr?" Napangiti ako sa sinabi niya.

"Li, I understand your concern. I really do, but let me be okay. If ever I get hurt in the process then I would not blame anyone else but myself. At least when I'd look back down the memory lane, then I would be happy to say that I have no regrets and that I did everything to show him how much I like him."

"Okay, but I am looking out for you because you're my dearest friend. And I know my cousin's calibre. I just really hope you won't break in the process."

Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko. What did I do to receive such love from the people I know? "Alright, I'll drop the call now. Kakain muna ako. It's my turn to order. I'll just either ring or beep you up when I'm back at campus. Love you."

She also murmured several affectionate words before I was finally able to put the phone down. Saktong pagkababa ko sa tawag ay binati na ako ng crew na nasa counter.

"Hi! Can I sit here? Puno kasi ang ibang tables," pagbati ko kay Clay na seryosong kumakain habang tumitingin sa phone niya. Umangat ito ng tingin sa akin at inikot ng tingin ang paligid. Nang makitang totoo nga na punuan ang fastfood ay nagkibit ito ng balikat.

My eyes shined upon seeing his acquiescence. Masya akong umupo katapat niya. Pero hindi pa ako nangangalahati sa upuan ko ay nakita kong patayo na siya. "H-huy, teka lang!" napatigil siya sa akmang pagtayo at tumingin ng may nagtatanong na mga mata.

"Sabay na tayo! Hintayin mo naman ako, 'di pa nga ako nangangalahati oh." bumaba ang tingin niya sa pinagkainan ko. "Not my problem," sabi nito bago sabay mabilis na tumayo. Wala akong magawa kung hindi tingnan ang likod niyang papalabas na sa pintuan ng McDo.

I slumped my fingers in defeat. Ano ba 'yan! Ayaw na ayaw niya talaga sa akin. Unti-unti na akong nawawalan ng gana sa pagkain nang may umupo sa harapan ko. "Hi! Nakita ko kasing lonely ka, okay lang bang dito ako? Hehe, wala kasi akong maupuan." I looked up to see a very charming lady in front of me. Para siyang barbie doll, yong brown na buhok ay may highlights na blonde. Straight ns stright ito na siyang bumagay sa mahaba at makurba niyang pilik mata, as well as her expressive eyes.

"Huy, okay ka lang?" I was pulled back from my daydream when I saw her hand waving in front of me. "Uh, sorry. I just find you really pretty," I honestly complimented her. "Thank you!"

I nodded and smiled a little ago itinuon ulit ang pansin sa pagkain. Ilang sandali pa ay tapos na ako, it would be rude to leave without notice kaya magpapaalam na sana ako pero nakita kong tapos na rin siya.

"Uh, I'll head first if it's fine with you." She looked at me and replied, "Okay lang ba kung sabay na tayo lumabas? Tapos na rin naman ako." I nodded at her request and started gathering my things. On the way sa sasakyan ay nagsimula siyang magsalita. "ng a pala, I.m so sorry for my lack of manners. I'm Trista Martha Hedenburg. Trim for short. You are?"

I accepted her hand and shook it lightly. "Aisling Grace Mendes, Ash nalang." bago bumalik sa school, napagdesisyunan naming tumambay nalang sa malapit na park. "So, Ash, what program are you in?" tanong nito nong nakaupo na kami sa isang bench.

"Aeronautical Engineering sa PATTS. Ikaw?" Tumawa siya saglit bago sumagot. "Oh, Aircraft Maintenance Technology sa WCC."

Nagulat ako sa tanong niya. Wow! I never expected to meet such a person here. "Talaga? Malayo North Manila Campus nila dito a. Bakit ka andito?" kuryoso kong tanong sa kaniya. 'Bakasyon lang, nagkataong napadpad ako dito. Pero maiba tayo, bakit ka nga pala nag-aero? Pangarap mo talaga 'yan?"

"Yup!" Ii answered with pride. Siyempre, pahirapan makapasok sa gusto kong program. Sa dami ng nag-apply, iilan lang ang nakakapasok so I can't help but be proud of myself.

tumango-tango siya. "That's good," kumento nito. "Ikaw ba, pangarap mo ang AMT?" balik kong tanong sa kaniya. Ngumiti ito ng konti at umiling. "I wanted tourism, but had to force my way in AMT para sa airlines."

I look at her bewildered. "Wait, airlines? You own an airline?" I clarified in which she laughed off. "No, not me. My dad owns it."

"Surely sa 'yo rin naman 'yon. Pero maiba tayo, parang ang comfy mo naman magsabi na may airline ka sa isang stranger lang na tulad ko."

"Then we should be friends, right? Anyway I saw your ride nong nilapag mo mga things mo, so I thought you could relate a little," she said with all honesty. My jaw was left hanging with her remark. I did not expect her to have that kind of reason.

"Well, yeah. Luckily, I have an older sister to take care of business matters for me. I'd love to be in her shadows when that happens." I nudged my shoulders and felt really thankful towards ate Ice.

"That's really nice. Anyway, I need to go now, but I'm hoping to see you in one of our airlines soon." She stood up but we decided to exchange contacts and socials bago siya umalis.

Napapansin ko na a. Tuwing rejected o nasasaktan ako kay Clay laging my surprise na kasunod. Ngayon, may bago akong kaibigan na nakilala dahil sa kaniya. Hays, Clay, sa lahat ng positivity na binigay mo sa buhay ko, paano kita hindi mamahalin niyan?

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon