XVII

1 0 0
                                    

Chapter 17 : Problem





"Nakapag-practice ka ba? Sure 'yan a," bungad ni Doll sa akin habang umuupo sa harapan ko. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagkain ng oat cereal. Ngumuso siya dahil sa hindi ko pagpansin. "Ang sakit mo talaga. Nagtatanong lang ang tao oh."

"Ang kulit mo kasi! Kanina ka pa pagkagising ko tanong nang tanong." Ngayon ay awkward siyang ngumisi. "Kabado kasi ako! Sorry ah, ang hirap magpaka-stage cousin." Napabuntong hininga ako sa mga sinasabi niya. Mukhang maste-stress pa ako dahil sa kaniya.

"Gaga, stage mom lang meron. Imbento 'to." Sunod-sunod ang pag-rant niya habang pinaghahanda ng mga kasambahay ng porridge. Request niya pa na lagyan ng mga sliced blueberries ang pagkain niya para daw balanced meal.

"Kaya fave ko tumambay sa bahay niyo e. Ang daming pagkain at pwede pa magrequest ng kahit ano," pasingit na sabi nito sa rants niya.

"Thank you, ate," I told our maid nang makitang tapos na siya sa pagse-serve kay Doll.

"Thank you rin po, ate," anito sa maid. Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng kalabog ng pintuan. "Wala ba kayong bahay?" Bungad na tanong ni ate habang pababa siya ng hagdan.

"Mas gusto ko tumira sa bahay niyo e." Pang-aasar ni Doll kay ate. Inirapan lang siya nito at hindi na pinansin. Kasunod niyang bumaba sa hagdan sina mama na agad pinagsabihan si ate.

"Ano ba 'yan, Ice! Ambait bait nga nitong si Doll ko. Hindi ba Doll?" Nakanguso pa si mommy na animo'y tinutukoy ang isang sanggol.

"True po so much, tita!" Pacute niyo kay mommy. Agad naman itong niyakap ni mommy at kunwari'y humagulgol ang dalawa at inaapi.

I scrunched my nose as I saw them acting up. Tumingin ako kay papa na helpless looking. "Pa, 'yong asawa mo. Pakiasikaso." Umiling lamang ito sa akin at sumenyas na hayaan nalang daw si mama.

Kung hindi ko lang tita ang nanay ni Doll, iisipin ko, mag-ina silang dalawa ni mama. Parehas na parehas e. Ilang sandali pa ay tapos na magdramahan ang dalawa. Bumaling naman si mama sa amin ni ate.

"Ano, Ash? Kailan performance mo? Pupunta kami ng dad mo. Itong ate mo kasi, hindi kwinento sa akin. Hindi ko pa malalaman kung hindi sinabi ni Doll."

Ngumiti ako sa kaniya. "Ma, huwag na po. Alam naming busy kayo ni papa sa trabaho. Hayaan niyo na po kami ni ate. Kaya na namin 'yon." Nanliit ang mga mata nito at pabalik-balik kaming tiningnan ni ate.

"Sure kayo? Kaya ko namang magpaka-stage mom at hayaan na ang lahat ng trabaho sa papa niyo." Ilang beses pa naming kinumbinsi si mama na okay lang talaga ang lahat. Kahit si papa na hindi nagsasalita ay dinamay namin para lang kumbinsihin si mom. Ilang salita pa ay tuluyan na itong sumuko na sumama sa amin at nagpaalam na pupunta na sila sa kumpanya.

"Ano? Nakahanda na ang lahat?" Tanong ni ate habang inaayos ang gamit niya sa sasakyan.

"Yup!" I said as I popped the letter p. "E 'yong isa?" Anito habang tinutukoy si Doll.

"I'm here!" Inirapan ko si Doll nang makita siyang pababa ng perron habang may hawak na isang maliit na bag. Nakikita ko pa ang pagsilip ng sandwich mula doon sa nakabukas na zipper.

"Ano na naman 'yang bitbit mo?" Taas kilay kong saad habang tinuturo ang bag. "Duh! Sandwiches for us!" Tiningnan niya pa ako na para bang tanga ako dahil sa sinabi ko.

"At bakit ka naman magbabaon ng sandwich?" Singit ni ate habang nakahalukipkip sa nakabukas na driver's seat. "Para hindi magutom, of course!"

Lumapit si Doll sa backseat at binuksan ang pintuan nito. "Ever heard of survival hacks? It's a basic to always bring food." Gumanti ito ng irap bago pumasok sa sasakyan at malakas na sinara ang pintuan.

I sighed at her actions and lazily sent a sign to ate na hayaan nalang namin ang pinsan.

"Couz, I am freaking ready for you!" Hyper na saad ni Doll habang pababa kami ng kotse. Bukod sa kanina pa siya salita ng salita sa sasakyan, literal na oversupportive siya ngayon.

"Mauna na ako. Bahala ka na riyan." Naiwan akong nakatanga roon habang winawagayway ni ate sa hangin ang kamay niyang may nakasabit na susi at tila ba kinakawayan ako. Nakatulala ko siyang pinagmamasdang naglalakad papalayo habang patuloy sa pagsasalita at pag-iingay si Doll.

"Doll, just loosen a bit, okay? Mas tensed ka pa kaysa sa akin." I glared at her as I adjusted the strap of my guitar case. Her head bobbed up and down signalling that she understood me while a hint of mischievousness can be seen in her eyes.

Ngunit, bago ko pa mapuna 'yon ay may lumapit sa aming estudyante. Humahangos ito habang palapit sa amin, at nang tuluyang makalapit ay agad na hinawakan ang dalawang tuhod at malalim na humuhugot ng hininga na para bang tumakbo siya ng ilang milya.

Inadjust nito ang malaki niyang salamin bago tumingin kay Doll. " 'Nyare sa 'yo, Chelsea?" Umiling-iling ang babae. "May problema," anito sa pinsan ko bago tumingin sa akin.

Tila ba nagets ni Doll 'yon kaya pinauna na niya akong maglakad kasi mag-uusap pa raw sila nong Chelsea. Weird, but I decided not to pursue the matter.

Nang makarating sa venue kung saan gaganapin ang pagkanta ko. Habang nagrereview ng notes sa phone ko ay bigla na lamang itong hinablot ng kung sino. Akmang magrereklamo ako nang makita ang seryosong mukha ni Doll.

"Bakit?" Kunot noo kong saad. "May problema." Tumingin siya sa likod ko na agad ko rin namang sinundan. Doon, nakita ko si ate na palapit sa amin. "Ano? Malapit ka na mag-perform", sabi nito sa akin.

Sasagot na sana ako nang maunahan ni Doll. " 'Yon nga ang problema. Walang tutugtog. Hindi makakapunta ang guitarist niya." Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Hindi ba okay na? Settled na?" Napahawak ito sa sentido niya at stressed na bumaling sa amin.

" 'Yon nga e! Settled na tapos biglang may paganito. Hahanapan ko nalang ng paraan. Tawagan ko muna si Liya kung nasaan na siya at magpapatulong ako sa kaniya sa pagresolba nito." She gave us a wave and then immediately turned her back on us as she made a quick leave.

AVS 1: Catching FlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon