Chapter 22 : Break
Pilit kong ayusin ang box ng cake at ilagay doon ang mga tapon kahit pa durog-durog na ang iba dito. Hindi ko na pinapansin pa ang tingin ng mga studyanteng nakakita sa nangyari, patuloy lang akong desperadang namumulot ng cake sa lupa habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Ash!" Rinig kong sigaw mula sa malayo. Hindi na ako nag-abalang tumingin pa at nagpatuloy lang sa ginagawa.
"Ash, may emergen—" Mas lumapit ang boses kaya naman ay nabosesas ko kung sino man ang nagsalita na naputol dahil siguro sa nakikita niyang kalagayan,
"Doll, please. Huwag muna ngayon," nanghihina kong saad. "Anong nangyari?" Halos pasigaw nitong saad, ramdam ko ang paglapit niya sa akin hanggang makita ko ang sapatos niya sa gilid ng aking mga mata. Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagkunwari lamang na hindi siya narinig. Hinawakan ako nito sa aking kanang balikat, "Ash naman, may emergency!"
Dahil na rin siguro sa frustration sa nangyari at pagkapahiyang naramdaman ko ay hindi ko pinagtuunan ng pansin ang kaniyang sinabi at malakas na tinabig ang kaniyang kamay. "Pwede ba kahit ngayon lang, Doll? Huwag ka munang pakialamera!" Malakas kong sigaw na hindi na pinag-isipan pa ang sinabi.
Mabilis pa sa alas kwatro ay hinila ako ni Doll paharap sa kaniya at malakas na sinampal. Napatabingi ang ulo ko at agad kong naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi. Marahas ko siyang binalingan ng tingin ngunit nagulat nang makitang mugtong-mugto ang kaniyang mga mata at may bagong luhang lumalandas sa pisngi niya.
"Fine! Pakialamera pala ako para sa 'yo all along." I attempted to hold her elbow but she quickly took a step away from me.
"Pero pwede bang kahit ngayon huwag ka munang maging desperada at maging uhaw sa atensyon ng lalaki? Kanina ko pa sinasabing may emergency, pero pulot ka lang nang pulot ng pesteng cake na 'yan! Mas importante pa ba 'yan kaysa sa ate mo?" Nnag-aakusa ang tono nito na siyang nagpatigil ng mundo ko.
"A-anong sinasabi mo?" Naguguluhan kong saad. Ayaw kong mag-isip ng masama lalo na at si ate Ice ang pinag-uusapan dito. Kahit na sobra-sobra na ang kabog ng aking dibdib ay tinapangan ko ang sarili at naghintay ng sagot ni Doll.
Nakita kong mas lalong tumulo ang mga luha ni Doll at humikbi.
"N-naaksidente si ate Ice sa daan. Wasak na wasak ang dala niyang Jaguar. Mabuti nalang at matibay ang sasakyan niya at gumana agad ang airbag sabi ng doktor, kasi kung hindi..." Yumuko ito na para bang ayaw na alalahanin pa ang sabi ng doktor sa kanila.
"...kung hindi baka dead on arrival si ate." Ang hinahawakan kong pag-asa na okay lang si ate ay biglang nawala. Naramdaman ko pagkabasag ng aking puso nang marinig ang sabi ni Doll.
"Nasa Medical Center Inc. siya dinala ngayon, may pupuntahan daw siya galing school nang maaksidente kaya sa malapit lang din siya dinala para maagapan agad."
"Kailan pa?" Umiling ito. "Kanina, malapit lang ako sa hospital kaya napuntahan ko agad ang parents mo no'ng tumawag sila sa akin. Kanina ka pa rin namin tinatawagan para sabihan pero hindi ka sumasagot, kaya pinuntahan na kita."
'Yon siguro ang time na ipinipilit ko ang sarili ko kay Claeg. Hindi na ako nagdalawang-isip na lagpasan si Doll. Diretso at malalaki ang hakbang k papunta sa sasakyan kong naka-park para lang mapuntahan si ate. Pagkasakay ko palang sa driver's seat ay bumukas ang passenger's seat at pumasok si Doll. "Critical si ate, pero huwag ka masyadong magpatulin ng takbo kung ayaw mong tatlo na tayong nakaratay sa kama."
Pilit kong pinakalma ang sarili. Tama siya, I can't afford to be in an accident right now. Not when ate Ice needs me the most. Ang higit sampung minuto ay nagawa kong pagkasyahin sa limang minuto. Hindi ko na inisip ang pagkakaayos ng pwesto ng sasakyan. Agad akong tumalon palabas ng sasakyan habang iniwan si Doll doon at ang kotseng may susi pa at nakabukas.
Mabilis ang takbo at halos bungguin na ang mga doctor at nurse na nasa daan ko para lang mabilis na makaabot sa emergency room. Doon ang basag kong puso ay lalong nawasak nang makita ko paano humagulgol si mama sa mga braso ni dad habang pulang-pula din ang mata ni dad. Nang makita niya ako ay agad niyang sinenyas na lumapit ako.
Tinakip o ang aking mga kamay sa aking mga kamay sa aking bibig para hindi lumabas ang malakas kong iyak. Malakas ang buhos ng luha ko habang lumalapit sa kanila. Agad kong hinagod ang likod ni mama at niyakap siya habang impit na umiiyak.
Please, Lord, save my ate. She is too precious for us. Please, huwag mo siyang kunin mula sa amin. Let her live, she still has so many colours in her life to be deprived of it this early. I'd totally break myself if she's taken away from me. She's my lifeline, so please, save her.
BINABASA MO ANG
AVS 1: Catching Flights
Novela JuvenilAviation Series 1 Aisling Grace Mendes is a pilot in the making. A free spirit, cheerful and untamable girl. Nothing can stumble her down on the ground, not when her confidence is unbreakable. Head over heels to her long time crush- Claeg Yael Cole...